Chapter 17: Unfinished Part

232 9 11
                                    

Ziri's POV

I've been with Jaron for the past five days. Wala pa rin kaming balita sa mga parents ko. Hindi ko na din alam kung ano ng mangyayari sa akin. According sa source nila Jaron, wala daw nakakaalam kung kailan huling gumalaw yung mga taong humabol sa amin.

I'm just scared. Really scared. 

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Jaron nang dumating siya galing sa office.

"Not yet. Wala akong gana." Tipid na sagot ko.

"Hmm. Tara kain tayo?" Nakangiting aya niya sa akin.

Nagkibit balikat nalang ako. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko eh pinapatira na nga niya ako dito sa bahay niya.

**

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa kotse niya. Mabilisan lang akong nagsuot ng hoody kanina para hindi na niya ako hintayin. Wag lang sana niya akong dadalhin sa isang fine dining restaurant.

"Kinontact ka na ba ni Riya recently?" biglang tanong niya.

Nagulat ako. Kahit ako mismo ngayon ko lang naalala si Riya. Sa dami ng nangyari, ngayon ko nalang naisip ulit ang kaibigan ko.

"Hindi pa. Why? Something happened?" 

Seryoso ang mukha ni Jaron na diretsong nakatingin sa kalsada. He is rubbing his lips with his finger. Mukhang malalim ang iniisip niya.

"I was talking to Leslie earlier. She told me something."

Leslie. So he's still talking to his ex? Whatever.

"Yeah?" 

"She told me that Lance and Riya are done, for good."

Napakunot ako ng noo. Though hindi naman  nagkabalikan yung dalawa, parang nakikitaan ko pa naman ng chance noon. They still love each other so much. So what happened?

"Why? I mean, alam naman nating lahat na madly in love parin silang dalawa."

Huminga ng malalim si Jaron bago nagsalita, "Apparently, Riya is dealing with emotional trauma because of what happened six years ago. "

Bigla akong nakaramdam ng awa para sa kaibigan ko. Riya has been through a lot. Hindi ko akalain na pati yun ay mararanasan niya pa. It must've been hurt every time she sees Lance.

"Kamusta daw si Riya? Pwede ba natin siyang puntahan?" 

"Pwede kitang samahan, pero hindi ko kayang magpakita sa kanya."

Napa-isip ako sa sinabi ni Jaron. He was there. He was involved in that situation. And siguro nga mahirap din kay Riya na makita siya. 

"I understand. Maybe next time nalang." 

Nabalot nanaman ng katahimikan ang buong paligid. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Ang pamilya ko, si Riya, at siya. Hindi ko alam. May gusto na ba ako sa kanya? Sa dami ng nangyayari, nakikigulo pa yung puso ko...

"Gusto mong uminom?" Tanong niya bigla.

"But you're driving."

"Let's drink at home then."

**

Jaron is a bit out of it today. Maybe because of Riya and Lance's tragedy, or maybe just for Riya's. Nakaka-apat na can na siya ng beer at dire-diretso niyang ininom lahat iyon. Ako naman ay kumain lang ng dinner at hinayaan siyang maginom. Di rin naman siya nagsasalita. Well, nasanay na naman ako. Di rin naman kami madalas mag-usap talaga.

Kumuha ako ng isang lata ng beer at binuksan iyon. Might as well get drunk with him para makalimot na rin sa mga iniisip ko ngayon. 

"It hurts. It fcking hurts." He blurted out.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loved By A Gangster: Healed by Time (Book 3)Where stories live. Discover now