Chapter 14: The Choice

222 7 5
                                    

*Ziri's POV

"Ziri, I called someone who can help us. They're trying to dig in information. They're also trying to locate your family. Pero hindi sila sigurado kung gaano katagal. For the mean time, mag-stay ka na muna dito."

Isang tango lang ang naisagot ko kay Jaron. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano nangyari na bigla nalang kaming naghiwa-hiwalay ng family ko. Bakit nangyayari 'to?

"Ziri? Are you okay? Do you need anything? Gusto mo bang matulog muna?"

Lumapit sa akin si Jaron. Naramdaman kong sinusubukan niyang iakbay sa akin ang braso niya pero hindi niya tinutuloy. Hinayaan ko lang siya. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko ngayon. Masyado akong nabigla sa mga nangyari. Pero tama siya, gusto kong magpahinga.

"Can I sleep?" I asked him.

Ngumiti naman siya at agad akong inakay papunta sa kwarto niya. Natigilan naman ako at tumingin sa kanya.

"Okay na ako dito sa sofa. I just need to rest."

Humigpit ang pagkakapit niya sa balikat ko at marahan siyang umiling. "No. Mas makakapagpahinga ka kung doon ka sa kwarto. You need to be comfortable. Marami tayong dapat isipin at gawin pagkagising mo."

Hindi na ako kumontra pa sa kanya. Naisipi ko rin na kailangan ko ng lakas para sa mga susunod na gagawin namin. Dahil hindi pwedeng matago lang ako habang hinahunting ang pamilya ko. 

*Jaron's POV

MAY isang oras na rin nang makatulog si Ziri. Ako naman ay kanina pa kausap sina Cojie at Nate tungkol sa mga taong involve sa Black Market. Sila lang ang nalapitan ko sa ngayon dahil sila ang kilala kong may mga transaction dito noong mga panahong nasa gang pa kami.

Their families were involved in illegal selling of firearms and other deadly weapons on the Black Market. And up to now, alam kong may connection pa rin ang mga pamilya nila dito kahit may mga sarili na silang buhay.

"I don't know if I could help. As you know, based dito sa Japan yung lahat ng transactions ng family ni Mama. And hindi ito yung same transaction na kagaya ng issue sa father ni Ziri." Nag-aalangang sabi ni Cojie sa kabilang linya.

"I know, Cojie But a connection is still a connection. Maybe we could trace some history? Please? See what you can do?" 

"Of course. Sasabihan kita agad kapag may nakita o nalaman ko."

"Uhh, Jaron?" Biglang singit ni Nate na kasama sa conference call.

"Yes?"

"You know we'll help you no matter what. Pero pansin ko lang ha? Hindi naman sa'yo problema 'to pero bakit parang involve na involve ka kay Ziri? Is there something going on between you and her?" 

He sounded serious but in a playful way.

I don't know how should I put it. I don't even know why I'm so invested in helping her so bad.

"She's Lance's ex-girlfriend, right?" Cojie asked.

"And Riya's best friend, too." Nate laughed, "Dude, you got yourself in a very awkward situation."

Kung hindi ko lang kailangan mga tulong nila at kung hindi ko lang sila mga kaibigan, kanina ko pa sila binabaan ng telepono. 

"Nothing's going on between us, okay? I'm just helping a friend."

"Jaron, you're not a teenager anymore. May mga asawa't anak na halos kami. I think it's time for you to settle down too."

Napailing nalang ako sa sinabing iyon ni Nate.

Loved By A Gangster: Healed by Time (Book 3)Where stories live. Discover now