Chapter 4: Never Again

986 31 12
                                    

**Third Person's POV

  Hindi pa rin nagsasalita si Lance. Hindi niya alam kung paano siya magsisimula dahil sa sinabi ni Riya. Paano nga ba niya sisimulan ang pagpapaliwanag niya tungkol sa pagkawala ng anak nila? Kailangan pa ba niyang magpaliwanag tungkol dito?

"O sige. Ibahin natin. Bakit hindi ka nagtiwala sa akin?" Hindi pa rin nagbabago ang emosyon ng mukha ni Riya. Seryoso lang ito.

  Napailing si Lance. Natakip ng kamay niya ang bibig at tumingin ng diretso kay Riya.

"How will you expect me to react? Magkatabi kayo ni Jaron sa kama. Sa araw ng kasal natin. Too many things are going on my head that time. Nawala ako sa sarili ko. I'm sorry if I did not trust you that time. It's the situation that made me insane."

    Nakatingin lang si Riya kay Lance. Hindi siya nagsalita o nag-pakita man lang ng reaksyon sa mga sinabi ni Lance.

"Cahriya, hindi ko alam kung ano pang gusto mong marinig mula sa'kin. Pinaliwanag ko na ang sarili ko. Wala na akong ibang masabi kung hindi sorry. Sorry sa lahat."

    Nangungusap ang mga mata ni Lance habang nakatingin kay Cahriya. Inabot niya ang mga kamay ni Cahriya. Hinalikan niya ang mga ito at muli siyang tumingin sa kanya.

"Mahal na mahal kita, Cahriya. Alam kong mali dahil may girlfriend na akong iba pero hindi nagbago ang pagmamahal ko. Even if for six long years hindi kita nakasama. Walang nagbago. I don't know why. I don't know if I will ever stop loving you."

    Hindi makatingin si Cahriya kay Lance dahil sa mga sinabi niya. Alam naman niya sa sarili niya na kahit siya, hindi nagbago ang pagtingin niya para dito. Pero hindi pa rin nawawala sa kanya ang sakit. Ang sakit na lahat na pinagdaanan niya at ni Lance nung mgkasama pa sila. Ayaw na niyang maulit ang lahat. Gusto na niya ng tahimik na buhay.

"Lance, I'm sorry. But we can't be together anymore. Umalis ka na."

     Tumayo na si Cahriya at nagpunta malapit sa pinto para buksan ito para kay Lance. Umiiling na lumapit sa kanya si Lance at sinarado ulit ang pinto.

"Why? Cahriya, we both know that we still love each other. So why can't we be together? Is it my girlfriend? I can break up with her. Alam naman niya na hindi ko siya mahal. At maiintindihan niya tayo." 

   Marahang napa-pikit si Cahriya. Hinilot niya ang sentido niya at muling tumingin kay Lance. Alam niyang hindi siya nito titigilan. Hindi na niya alam ang gagawin niya.

"Lance, please. Umalis ka nalang."

   Pero para bang walang narinig si Lance. Bigla na lamang niyang niyakap si Cahriya ng napakahigpit.  Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg nito. Nagpupumiglas si Cahriya para makawala sa yakap ni Lance pero wala siyang lakas na gawin iyon.

"Cahriya, you don't know how much I long for you."  Sabi ni Lance habang nakasiksik pa rin sa leeg ni Cahriya. 

"What are you doing? Lance.. let me go." Mahinang sabi ni Cahriya.

"No. I'm never letting you go."

  Lance cup Cahriya's face and then he kiss her gently. Cahriya is still resisting. She keeps on pushing Lance away. Pero mas lalo lang nakahanap ng paraan si Lance para maisandal si Cahriya sa pader na nasa likod niya. 

   Hindi maipaliwanag ni Cahriya ang nararamdaman niya. Ayaw niya ang ginagawa ni Lance. Ayaw niyang mauwi nanaman sa kung ano ang ginagawa ni Lance. Kailangang matigil nito. Dahil kung hindi niya agad mapipigilan si Lance, baka pati sarili niya hindi na rin niya mapigilan.

Loved By A Gangster: Healed by Time (Book 3)Where stories live. Discover now