Chapter 15: Beautiful Trauma

116 5 2
                                    

*6 years ago

Cahriya's POV

I can feel the loud beating of my heart.  My hands are numbing and I can't breathe. I'm sweating all over.

The pain just won't stop.

"Riya, breathe. Please calm yourself."

Ate Cairah held my hand. Nakikita ko yung sobrang pag-aalala sa mukha niya. Sa kanilang dalawa ni Leslie. Pero wala akong magawa. Gusto ko din na tumigil pero ang hirap. Ang sakit sakit.

Ever since what happened between Jaron, Lance and I, I've been having nightmares. I've been dealing with emotional trauma that the event caused me.

I can't control it. It happens every night I fall asleep. I see Lance's angry face. I see Jaron's bloody face.  Para akong binabalik ng paulit-ulit sa pangyayaring 'yun at wala akong magawa. Araw-araw lalong namumuo yung takot sa dibdib ko na harapin ulit si Lance. Because even the slightest idea of seeing him, terrifies me.

*Present day

I am treating my anxiety and trauma for the past 6 years. I was all better before Lance and I met in Spain. The nightmares were gone then. But when I saw his face, when he touched me, when I saw him up close, it all came back.

"Bakit hindi mo sinabi? Riya, we all want you to get better. If itatago mo pati sa amin, paano ka namin tutulungan?" Worried na sabi ni Ate Cairah.

"I can't believe you sacrificed yourself for Lance and Laurent. Riya, seryoso yung sakit mo." Dagdag pa ni Leslie.

Ngiti lang ang isinagot ko sa kanila. To be honest, mas pipiliin ko pa na mag-suffer ng ganito basta mabigay ko lang yung deserve ng anak ko. Ganito na nga siguro kapag magulang ka na, kaya mong isakripisyo lahat para sa ikabubuti ng anak mo.

Ito na rin marahil yung dahilan kung bakit hindi ko magawang makipag-balikan kay Lance. Mahal ko siya pero hindi sapat para mawala lahat ng trauma na halos naging parte na ng normal na buhay ko.

"Let's have lunch outside."

It was Kuya Kevin. Nasa likod niya si Lance na nakangiting nakatingin sa akin. I smiled back at him. Fake it 'till you make it.

Tumingin din sa akin si Ate Cairah na parang hinihintay na sabihin ko kung okay lang ako na sumama sa kanila. Ngumiti ako sa kanya. Like I said, fake it 'till you make it.

Lance's POV

I can't contain my happiness. Having lunch with them, as a family gives me the fulfillment I've been longing. I never had a complete family, hindi ako papayag na maranasan din iyon ng anak ko.

As for Cahriya, I really want to get her back. I really, really do. Pero alam ko mahirap yun lalo na sa nangayari sa amin.

"Ang gaganda ng mga lahi natin ano?" Biglang sabi ni Kevin kaya napatingin kami lahat sa kanya.

I think he was referring to our kids. Their twins and our Laurent. Well, may point siya.

"Of course.  Maganda kaya kami ni Riya. Diba?" Nakangising sabi naman ni Cairah kay Cahriya.

Ngumiti si Cahriya at sumagot ng "Oo naman."

Ang laki ng pinagbago ni Cahriya. She used to be a proud and loud girl. She used to be the girl that will never back down. Now, she's a lot more prim and proper. Sobrang mature na niya. Wala na yung babaeng pala-hamon ng away. She grew up from my girl to this lady, to a mother.

I can't help but admire her. All those years, she carried the responsibility that we should've shared if it wasn't for my stupid decisions. And I am beyond thankful because even if I did something terrible, she let Laurent know that I am his father.

"Matunaw si Riya." Bulong ni Leslie habang nakapako pa rin ang tingin sa phone niya.

"Why? Bawal bang titigan ko ang nanay ng anak ko?" Nakangising tanong ko.

"Bawal. Wag mo siyang tignan. Wag mo siyang lapitan. Wag kang magpapakita sa kanya. That way mo lang mapapagaan ang lahat." Seryosong sagot niya.

Kumunot ang noo ko. Anong problema ni Leslie? Alam kong naging magkaibigan na sila. Pero parang sobra naman ata yung sinabi niya? Napaka-possessive naman neto.

Bumalik na sa upuan sina Cahriya at Laurent nang sunduin siya ni Cahriya mula sa paglalaro. Settled na ang lahat para kumain.

Natigilan ang lahat sa tunog ng malakas na pagbagsak ng isang lamesa sa di kalayuan sa amin. Basag lahat ng plato at kung ano mang nasa ibabaw ng lamesang iyon. Nagulat ang mga bata na kasama namin. Nakita kong napayakap si Laurent kay Cahriya at ganun din ang mga anak ni Kevin sa kanila ni Cairah.

Maya-maya pa ay may naririnig na rin kaming nagsisigawan. Malakas ang boses ng lalaki na bumubulyaw sa isang babae. Kumunot ang noo ko. Bakit kailangan nila dito pa na magaway?

"Riya!"

3rd Person's POV

"Hoy, Aldrian! Tumayo ka na nga diyan! Paalis na ako." Singhal ni Shan kay Aldrian na halos kakagising lang.

"Wala ba munang good morning dyan?" Pupungas pungas na sabi naman ni Aldrian.

"Tanghali na, sira."

Naglakad si Aldrian papunta sa ref para kunin ang karton ng gatas. Habang si Shan naman ay patuloy sa pag-aayos dahil papasok na ito sa trabaho.

"Anong oras kita susunduin?" tanong ni Aldrian sabay lagok sa gatas na kinuha niya.

"Mga 5pm."

"Okay."

Nang matapos na sa pag-aayos si Shan ay lumapit na siya kay Aldrian at binigyan ito ng mabilis na halik sa labi.

"Bye. Love you."

"Love you too. Ingat."

Si Shan at Aldrian ang dalawang tao na naiwan at nakasaksi sa kamatayan ni Stefan, 6 years ago. Mula nang mangyari ang trahedya sa kanilang kaibigan ay naging malapit ang dalawa at nagpakasal.

Pareho silang nawalan. Si Aldrian ay nawalan ng kaibigan. At si Shan ay nawalan ng taong minamahal. Dinamayan lamang nila ang isa't-isa. Inilayo na rin ni Aldrian ang sarili sa dati nilang gang na naging dahilan ng pagkamatay ni Stefan.

Natulala si Shan.

Sa kakamadali nitong lumabas ng pinto, hindi niya namalayan ang lalaking nakatayo sa tapat ng pintuan ng bahay nila. Nang ito ay mabangga niya, hindi siya agad nakapag-salita. Nanigas ito at natulala ng ilang segundo bago tuluyang sumigaw.

"Ahhhhh! Aldrian!" Tawag nito sa asawang si Aldrian.

Dali-dali namang lumabas si Aldrian. At imbis na malapitan ang asawa ay bigla siyang napahinto sa pagtakbo at tuluyang natumba nang makita ang lalaki sa harap nila.

"P-paano?" Yun nalang ang nasabi ni Aldrian.

Nilapitan siya ng lalaki at tinulungang tumayo. Nakangiti lamang siya sa kanilang dalawa.

"Multo ba 'to?" Tanong ni Shan sabay hinawakan ang mukha ng lalaki, "Oh shit. Hindi tumagos."

Tumawa ng mahina ang lalaki, "Guys, I'm alive."

Nagtinginan si Shan at Aldrian.

"Stefan!"



Loved By A Gangster: Healed by Time (Book 3)Where stories live. Discover now