Chapter 11: Family

811 25 30
                                    


**Riya's POV

   Hindi nakasagot si Lance dahil sa sinabi ko. Binitawan niya si KJ. Mahinahon siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang mga balikat ko. Taimtim siyang tumitig sa akin at pagkatapos ay tumingin siya kay Laurent. Kitang-kita ko sa mga mata niya napaka-rami niyang gustong itanong. Pero hindi ko alam kung paano ko sasagutin, kung dapat ko pa bang sagutin.

"Cahriya, ipaliwanag mo sa'kin, please." 

   Napapikit ako saglit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko handa sa ganitong sitwasyon. Hindi sumagi sa isip ko na mangyayari ito. Laurent is too young to be involved. But I guess I can never hide the truth from everyone. Now that I think of it, I don't want Laurent to grow up without his father. 

"Okay. I'll tell you everything. But not here."

  Sumakay na kami ni Laurent sa kotse ni KJ. Sinabi ko kay Lance na sundan niya nalang kami. Minabuti ko ng sa bahay na kami mag-usap para masabi ko na sa kanya lahat. Pero kahit sasabihin ko na sa kanya lahat, wala naman na akong balak na makipagbalikan sa kanya. Alam kong may girlfriend na siya. Kaya hindi na pwedeng ibalik yung dati. At hindi ko rin naman hinangad na maibalik pa yun. Okay na ako na basta makilala lang siya ni Laurent bilang daddy niya.

    Nang makarating na kami sa bahay, inabutan namin si Leslie. Nagulat siya ng makita niya si Lance. Sinabihan ko muna siya na mag-uusap kami ni Lance kaya lumabas muna siya. Naghihintay din si KJ sa labas. Bahala na sila kung mag-uusap din sila.

"Mommy? Kilala mo si Superman?" Tanong ni Laurent nang papasukin ko si Lance sa bahay.

"Yes, baby. May sasabihin si mommy sayo ha? Promise me, you'll listen carefully okay?" Nakangiting sabi ko kay Laurent.

   Tahimik lang si Lance habang kausap ko si Laurent. Umupo kami sa sala. Si Laurent naka-kapit lang sa akin habang nakatingin kay Lance. Alam kong bata pa si Laurent para maintindihan ito pero sisikapin kong maintindihan niya ang sasabihin ko sa kanya, sa kanila.

"Lance, his name is Kier Laurent Koh. He is six years old. I gave birth to him when I was in London."

   I didn't know how to start so I started with introducing Laurent to him. Laurent was puzzled with what I just said. He kept staring at Lance. Si Lance naman ay lumapit sa aming dalawa. Umupo siya sa tabi ko. Kinuha niya ang kamay ni Laurent at hinalikan niya ito. Kitang-kita ko kung paano unti-unting umagos ang luha sa mga mata niya. Alam kong hindi pa rin maintindihan ni Laurent kung bakit umiiyak sa harap niya ang lalaking kinilala niyang Superman. Pero sana maging masaya siya dahil nasa harap na niya ngayon ang daddy niya.

"Cahriya, I thought... I thought our child died? How did this happened?" He asked while still holding on to Laurent's hands.

"It was me. I asked the doctors to fake it. I wanted to get away from you. I'm sor--"

    He didn't let me finish. Bigla na lamang niya kaming niyakap ni Laurent. Ramdam ko ang sakit ng pag-iyak niya at ang higpit ng yakap niya. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. Sa tinagal-tagal kong itinago si Laurent sa kanya, hindi ko alam na dadating pa pala kami sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam na mabubuo pa pala ng ganito ang pamilya na ipinagkait ko kay Laurent noon. Masyado akong natakot noon sa banta ng tita ni Lance. Masyado akong natakot sa mga nangyari sa amin. Ngayon ko lang narerealize na higit sa lahat ng takot na naramdaman ko noon, dapat inisip ko din ang anak ko, ang anak namin.

"You don't know how happy I am right now." 

"Superman? Why are you crying?" Laurent asked Lance.

   My heart fluttered seeing them both. Lance cupped Laurent's tiny face and he kissed him on his forehead. I can see how happy he is knowing that our child is alive.

Loved By A Gangster: Healed by Time (Book 3)Where stories live. Discover now