Chapter 8: Superman

415 13 11
                                    

    Katatapos lang bihisan ng pantulog ni Cahriya si Laurent. Hindi na muna siya bumalik sa meeting niya kasama ang ibang designers dahil sa nangyari sa anak. Minabuti niyang bantayan na muna ito.

"Mama, gusto ko ulit makita si Superman!" Excited na sabi ni Laurent.

   Ngumiti lang si Cahriya at hindi sumagot. Hindi niya alam kung sino ang nakasama ng anak niya at tinatawag na Superman. Pero gusto niya din itong makilala para makapag-pasalamat dahil sa ginawa nitong pagliligtas kay Laurent.

"Mama? Superman din ba yung Papa ko?"

Natigilan bigla si Cahriya. Ngayon nalang ulit nagtanong si Laurent tungkol sa Papa niya. Binibiro lang niya palagi tungkol dito ang anak.

"Hmm. Siguro? Baka mag-kamag anak sila kasi alien yung Papa mo e." Pabirong sagot nito kay Laurent.

  Tumawa lang si Laurent at naglakad na papunta sa kama niya. Mabuti na lamang at pinaniniwalaan pa ni Laurent ang mga sinasabi niya.

  KINABUKASAN ay excited na nag-aabang si Laurent sa tabi ng gate ng eskwelahan niya. Palingon lingon siya sa mga nagdadaang lalaki at hinihintay na dumating ang superhero niya.

  Maaga ang dismissal ng kindergarten ngayon kaya hindi agad dumating si Riya para sunduin si Laurent. Dahil sa murang edad, hindi ito alintana ni Laurent. Mukha ngang mas hinihintay pa nito ang pagbabalik ng superman niya.

"Nakita niyo na po si Superman?" Tanong ni Laurent sa guard na nakakita din sa kanila ni Lance kahapon.

"Ah yung lalaking kasama mo kahapon?" 

"Opo." Sagot ni Laurent.

Hindi pa man nakakasagot muli ang guard ay may isang itim na kotse na ang pumarada sa tapat ng eskwelahan.
Lumabas mula doon si Lance at may dala itong paper bag. Nakangiti itong nagtungo sa gate kung saan siya inaabangan ni Laurent.

"Hello little Kier!" Bati nito sa bata.

   Hindi naman nahirapan si Lance na makapasok sa loob dahil kilala na siya ng guard. Napakasaya ng bata na makita siya. Agad silang umupo sa isa sa mga stone table at masayang pinagsaluhan ang mga ensaymadang dala ni Lance.

"Thank you, Superman!" Nakangiting sabi naman ni Laurent habang nginunguya ang ensaymadang kinakain niya.

"Anong sabi ng parents mo kahapon?" Tanong ni Lance.

"Umiyak si mommy. Pero naging okay din siya."

"How about your dad?"

"Hindi ko po alam. Sabi ni mommy nasa other planet daw po yung daddy ko. Tapos sabi pa niya baka daw kamag-anak mo si daddy."

  Tila nagulat si Lance sa sinabi ng bata. Kunot noo itong tumingin kay Laurent.

"And why is that? Does your mom know me?" Tanong niya

"Sabi ko you are my superman. Tapos yun sabi niya baka daw relatives kayo ng daddy ko kasi alien daw siya."

  Natatawa nalang na itinuloy ni Lance ang pagkain niya. Sa isip niya'y tinatawanan niya ang sarili dahil sa sinabi ng nanay ng bata. Hindi niya kasi nagets agad ang joke. Sa isip tuloy ni Lance ay parang napaka-kwelang tao ng nanay ni Laurent.

"Little Kier, I think I need to go. It was nice seeing you again!"

***

CAHRIYA'S POV

   Inabutan ko nanamang kumakain ng ensaymada ang anak ko. At binigay nanaman daw ito ng superman niya. Sino kaya ang taong yun at parang nawili na siyang pinupuntahan si Laurent? Baka naman may balak siyang kidnapin ang anak ko kaya kung anu-ano nalang binibigay niya?

Loved By A Gangster: Healed by Time (Book 3)Where stories live. Discover now