Chapter 7: Accidents

619 22 13
                                    


  Naglalakad patungo si Ziri sa isang convenience store nang makasalubong niya si Jaron. Diretso lang itong nakatingin sa kawalan habang nakapamulsa. Ni hindi siya nito napansin.

"Jaron?" Tawag ni Ziri dito.

  Napalingon naman agad si Jaron kay Ziri. Nagulat pa ito nang makita siya.

"Oh Ziri? I didn't expect to see you here."

"Mukhang malalim iniisip mo ah. Want to sit down for a bit?" Alok ni Ziri.

   Umupo muna sila saglit sa upuan na nasa loob ng convenience store. Binuksan ni Jaron ng binili niyang softdrink at nilagok ito.

"Okay ka lang?" Tanong muli ni Ziri.

  Tumingin muna si Jaron sa kanya bago siya sumagot. Hindi alam ni Jaron kung paano sasabihin kay Ziri ang gumugulo sa isip niya. Hindi niya kasi alam kung may alam ba ito sa sikreto ni Riya.

"Alam mo bang nandito na si Riya?" Bulalas ni Jaron.

  Nanlaki ang mata ni Ziri nang marinig ang sinabi ni Jaron. Gulat na gulat ito na alam din ni Jaron na nakabalik na si Riya.

"Mukhang alam mo nga." Seryosong sabi ni Jaron nang makita niya ang reaksyon ni Ziri.

"How'd you know?" Tanong naman ni Ziri.

"I saw them sa airport nung sinundo ko yung kapatid ko. Sobra akong nagulat nung nakita ko sila ni Leslie and then may kasama pa silang... basta hindi ko lang inexpect na makita sila all of a sudden after 6 years."

  ALAS-TRES  ng hapon nang magdimissal ang kindergarten na pinapasukan ng anak ni Riya na si Laurent. Minabuti ni Riya na ienroll na muna ang anak dito dahil medyo matagal silang maglalagi sa Pilipinas. Maigi na rin ito para hindi mainip ang anak habang siya naman ay nagta-trabaho.

   Naka-upo lamang si Laurent sa waiting shed ng kanyang eskwelahan habang hinihintay ang kanyang sundo. Wala pa siyang gaanong kakilala dahil sa bago lamang siya dito. Palingon-lingon lamang siya sa paligid nang bigla siyang tabihan ng isa ding batang babae.

"Wala pa yung sundo mo?" Tanong nito kay Laurent.

"Wala pa e. Ikaw din?" 

   Marahang tumango ang batang babaeng ito. Ngumiti lang naman si Laurent sa kanya. 

"What's your name?" Nakangiting tanong ni Laurent sa kanya.

   Tumayong muli ang batang babae at marahang inayos ang buhok niya. Humarap siya ng maayos kay Laurent at inabot ang kamay niya.

"My name is Nathalia Cane Oliver." Masayang pagpapakilala ng batang babae.

  Inabot din naman ni Laurent ang kamay niya at nakangiti din siyang sumagot.

"I am Kier Laurent Koh." 

   Matagal-tagal ding nagkalaro ang dalawa habang hinihintay ang kanilang mga sundo. At nang dumating ang sundo ni Nathalia, naiwan nanamang mag-isa si Laurent. 

"Babye, Laurent!" Paalam ni Nathalia sa kanya.

Kumaway naman pabalik si Laurent, "Babye!"

   Inip na inip na si Laurent sa kakahintay sa Mama niya. May kalahating oras na siyang naghihintay kaya naman nakaramdam na ng gutom ang bata. Tingin lamang siya ng tingin sa gate ng school niya at umaasang ang bawat dumarating na kotse ay sa Mama niya.

   Sa sobrang inip at gutom ay lumapit siya sa may gate at doon nag-abang. Hindi siya napansin ng guard kaya naman nang may dumating para magsundo ay nakasabay si Laurent na lumabas ng gate. Naglakad siya sa may gilid ng kalsada nang makalabas siya at naghanap ng tindahan.

Loved By A Gangster: Healed by Time (Book 3)Where stories live. Discover now