Chapter 10: Longing Father

482 15 7
                                    

***

   Cahriya's POV

     Agad kong pinuntahan si Ziri nang maihatid ko sa bahay si Laurent. Kailangan ko ng divine intervention! Muntik na kaming mag-pang abot ni Lance kanina! Ngayon ko unti-unting narerealize na paliit ng paliit ang mundo namin. Parang universe na ang may gusto na magkita kami.

  Pababa na ako sa kotse ko nang makita ko ring pababa sa kotse si Ziri at si KJ. Sa kabilang hall lang sila naka-park kaya kitang-kita ko sila. Pareho silang seryoso at hindi nag-uusap pero nang makita kong nilapitan ni KJ si Ziri at inayos pa nito ang zipper sa likod ng dress niya ay sobra akong nagulat. Anong meron sa dalawang 'to? Nakakagulat na nga na makita silang magkasama, mas lalo pa nung ginawa yun ni KJ. Are these two dating???

   Naglakad ako agad papunta sa kanila. Hindi nila napansin na nasa likod na nila ako kaya agad kong hinila ang tenga ni KJ mula sa likuran. Halatang gulat na gulat silang dalawa nang makita ako.

"R---riya! Anong ginagawa---awww!"

"I should be the one asking. Anong ginagawa mo dito at kasama mo ang kaibigan ko?" Singhal ko kay KJ.

"Riya, wait. Mag-eexplain kami." Kalmadong sabi naman ni Ziri sabay hawak sa kamay kong nakapingot sa tenga ni KJ.

   Binitawan ko na siya at hinayaan ko na silang maglakad. Sinundan ko sila hanggang sa makarating kami sa unit ni Ziri. kung tama nga ang nasa isip ko, sobrang awkward nito. Eto na ata ang pinaka-awkward na pwedeng mangyari sa aming lahat. Sa lahat ng magkakagustuhan, silang dalawa pa? Hindi ko alam kung may say ba ako na pagbawalan silang dalawa dahil matatanda na sila. Buhay nila 'yan. Pero sobrang awkward kasi.

   Pumasok kami sa loob at diretso akong umupo sa sofa. Si KJ nakatayo lang sa may pinto na parang naghihintay ng pahintulot sa amin ni Ziri na pwede na siyang umupo. How funny to think na after all this years, hindi pa rin nagbabago yung KJ na nakilala ko. Nag-mature naman siya kahit papaano. Pero he's the same old KJ.

"Balak mo bang maging guard dyan sa pinto?" Tanong ko kay KJ.

"Ha?"

"Bakit di ka umupo?" Sabi naman ni Ziri.

   Doon palang umalis si KJ sa may pinto at naglakad papunta sa sala at umupo sa sofa na katapat ko. Nakayuko lang siya ngayon at ni hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Kung hindi ko lang sila nakitang magkasama ni Ziri, baka iisipin ko pa na may tama pa sa akin si KJ. Pero hindi. Iba na ngayon. Alam kong kaya siya ganyan ngayon kasi feel niya yung awkwardness na meron sa sitwasyon.

"So ano nga? Kayo na ba?" Agad kong banat sa kanila.

"What? No!" Halos sabay pa nilang sabi.

   Napataas ang isang kilay ko sa kanilang dalawa. Masyadong defensive. Parang teenager pa. Ang aarte.

"Hoy! Anong feeling niyo? Mga bata pa kayo? Baka lang nakakalimutan niyo? Hindi na kayo teenager na it's complicated pa ang gusto." Panenermon ko sa kanila.

"E wala naman talaga, Riya." Sagit naman ni Ziri.

"So ano? F*ck buddies kayo?"

"Ha? Ano bang iniisip mo Riya? Pinatulog ko lang sa bahay si Ziri kagabi kasi nalasing siya sa bar."

   Tumingin ako ng seryoso sa kanila. Sinang-ayunan naman ni Ziri yung sinabi ni KJ. Well, kung ayaw nilang ishare kung anong meron sa kanila, hindi ko nalang sila pipilitin. Dadating din naman sila dun. Bahal na sila. Hindi rin naman ako masyadong interesado. Iba ang pinunta ko dito.

"Sabi niyo e. Anyway, iba ang pinunta ko dito. And since KJ is here, mabuti na ring malaman mo 'to."

"What is it?" Tanong ni KJ.

Loved By A Gangster: Healed by Time (Book 3)Where stories live. Discover now