Chapter 3: Destiny Will Find A Way

1K 39 18
                                    

**Third Person's POV

   Hindi alam ni Ziri kung paano haharap kay Jaron matapos nang isang seryosong pangyayari sa kanilang dalawa. Tinanggihan ni Ziri si Jaron. Ayaw niyang gumawa nanaman siya ng desisyon na pagsisisihan niya. Hindi na niya gustong ulitin ang padalos-dalos na desisyon na nagawa niya noong hinayaan niyang maging sila ni Nico.

"Ziri, you got call. Line 2."

  Agad na sinagot ni Ziri ang tawag sa kanya. Hindi siya nag-eexpect ng kahit anong tawag ngayon kaya wala siyang alam kung sino ang tumawag sa kanya.

"Hello? Who is this?" Ani Ziri nang sagutin ang tawag sa kanya.

"Hi, Ziri. It's me."

   Natigilan si Ziri. Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya. Sa loob ng anim na taon, ngayon lang niya ulit narinig ang boses na iyon.

"Riya? Riya ikaw ba talaga 'yan?" Halos naiiyak na sabi ni Ziri.

"Oo, Ziri. Kamusta ka na? Ano ng balita sayo?" Masayang sagot naman ni Riya.

"Okay naman ako. Eto, nagta-trabaho ako sa company ng Dad. Pero sandali, nasan ka ba? Sobrang tagal mong nawala. Anong nangyari sayo?"

"I'm good, Ziri. Gusto ko lang talagang kamustahin ka. Miss na miss na kita."

"Riya, kelan ka ba babalik? Alam mo sobrang miss ka na rin namin dito."

  Hindi agad sumagot si Riya. Hinahanap pa niya ang tamang paraan kung paano niya sasabihin ang dapat sabihin kay Ziri.

"Actually, kaya ako tumawag sayo kase gusto kong ipaalam na babalik na ako. At ikaw lang gusto ko'ng makaalam sa mga kaibigan ko dyan."

  Nanlaki ang mata ni Ziri at napatakip siya ng bibig.

"Riya! Oh my gosh! I can't wait! Kelan ka uuwi? Grabe siguradong matutuwa si...."

"Ziri, please don't tell anyone I'm coming. Hindi ako babalik dyan para makita sila. May kinalaman lang sa trabaho kaya ako babalik. At ikaw lang ang dapat makaalam."

"Ohh..okay. You can count on me. Basta sabihan mo nalang ako kung kailan ka uuwi. Para masundo kita."

"Okay, Ziri. Thank you. See you soon."

  Masaya si Ziri nang ibaba na niya ang telepono. Masaya siya dahil sa wakas ay magkikita na sila ng kaibigan.

  Napalingon naman siya sa pinto ng office niya nang biglang may kumatok.

"Come in." Mabilis na sabi ni Ziri.

  Hindi naman siya agad naka-react nang makita kung sino ang taong iyon na pumasok sa office niya.

"L-lance? What can I do for you?" Kunot noong tanong niya dito.

"Ahh. I need to talk to you about the funding of this structure. Sabi kasi ni Tito Sito ikaw muna ang kausapin ko since he's out of the country."

   Dire-diretso lang si Lance na umupo sa harap ng table ni Ziri at iniabot ang mga dokumento na kailangang tignan ni Ziri.

"Ah oo nga pala. Sige sandali lang 'to." Agad na sabi ni Ziri at tinignan ang mga papel at binuksan ang laptop niya.

"Actually, kanina pa ako dyan sa labas e."

   Napahinto saglit si Ziri sa pagta-type pero hindi niya pinahalata. Bigla kasi siyang kinabahan na baka narinig ni Lance kung sino ang kausap niya.

"Talaga? Ba't di ka agad pumasok?" Sabi naman ni Ziri pero nakatingin pa rin siya sa laptop niya.

"May kausap ka daw kasi sabi ng secretary mo. Medyo natagalan ata ah? Si Jaron ba yun?" Pabirong sabi ni Lance.

Loved By A Gangster: Healed by Time (Book 3)Where stories live. Discover now