Chapter 2: Insisting Fate

996 33 11
                                    

**Third Person's POV

    Aware si Jaron sa ginagawa niya. Gusto niyang ulitin lahat ng mga bagay na nangyari sa kanila ni Riya sa pamamagitan ni Ziri. Masyado niyang nilunod ang sarili niya sa pagkawala ni Riya. May parte sa kanya na sinisisi ang sarili niya at may parte ring sinisisi si Lance.

    Pero naayos niya iyon, not until Ziri came in the picture. Jaron over thinks. Naisip niya na pwede niyang maitama ang pagkakamaling nagawa niya kung muulit lahat.

"Pakikuha nga yung remote." Utos ni Ziri kay Jaron.

    Agad naman niyang ginawa ang inutos nito sa kanya. Tila unti-unti na rin siyang nagiging pet para kay Ziri. Hindi rin maintindihan ni Ziri kung bakit ginagawa ito ni Jaron para sa kanya.

   Wala siyang alam sa mga pinagdaanan at pinagsamahan nila ni Riya. Basta ang alam lang niya ngayon, unti-unti na rin siyang nahuhulog para kay Jaron.

   Matagal-tagal na rin silang magkasama ngayon. Alam ni Ziri na sugal nanaman ang pagkakagusto niya kay Jaron. Hindi rin kasi niya alam kung gusto din siya nito o talagang mabait lang ito sa kanya.

"Buti pala nag-stay ka ulit? Wala ka bang pasok sa office? Weekdays ngayon ah." Tanong ni Ziri kay Jaron.

"Wala naman. And besides, I'm the boss. I can work even if I'm not there, physically." Nakangiting sagot naman ni Jaron.

"O? Edi ikaw na. Ako isang linggo na akong naka-leave sa trabaho ko. For sure may bawas na salary ko."

   Ngumiti lang si Jaron bilang sagot. Tapos ay nagpunta naman siya sa kusina para maghugas ng pinggan. Talagang pinanindigan niya na maging alila ni Ziri.

   Habang nanunuod naman si Ziri ay hindi niya maiwasang hindi mapatingin kay Jaron. Naguguluhan siya kung ano ba talaga ang motibo ni Jaron sa mga ginagawa niya para sa kanya.

  Gusto niyang magduda pero pinipigil siya ng emosyon na unti-unting sumisibol para kay Jaron. Hindi niya inaasahan na may mararamdaman siya para dito. Ni hindi sumagi sa isip niya na magugustuhan niya si Jaron.

 "Jaron?" Biglang tawag ni Ziri.

      Humarap si Jaron sa kanya habang hawak ang baso na sinasabon niya.

"Yes?" Sagot ni Jaron.

"Why are you doing this?" Tanong niya. 

  Kumunot ang noo ni Jaron bago siya sumagot. "Doing what?"

"C'mon. 'Wag ka na mag-maang maangan. I know you're up to something. Anong kailangan mo? Anong motibo mo?" Dire-diretsong tanong ni Ziri.

  Sandaling natahimik si Jaron. Hindi niya alam kung ano ba ang isasagot niya kay Ziri. Oo, may motibo siya. Pero hindi naman siya nag-iintensyon ng masama kay Ziri.

"Z-ziri. Alam mo wala----" Hindi na naituloy ni Jaron ang sinasabi dahil biglang tumawa si Ziri.

"Relax, man. I was just joking. Masyado kang seryoso dyan. I know you're a good man. Lance, would've never been crazy jealous if you're not good man, Jaron." Nakangiting sabi ni Ziri.

Natigilan si Jaron. Muli nanaman niyang naalala si Riya. Muli nanamang pumasok sa isip niya ang huling beses na nagkita sila. At hindi ito ang nais niyang maalala.

"Are you okay?" Tanong ni Ziri kay Jaron.

Bumalik si Jaron sa ulira't niya at tumingin kay Ziri. Tinitigan niya muna ito bago siya nagsalita.

"Ziri, can you be my girlfriend?"

  MALAMIG ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ng isang lalaking nakatayo sa tapat ng dalampasigan. Hinay-hinay rin siya sa pagbuga ng usok mula sa sigarilyong hinithit niya.

Loved By A Gangster: Healed by Time (Book 3)Where stories live. Discover now