Chapter 13: Misery

284 14 12
                                    

**Cahriya's POV

I don't know what's happening here but I'm pretty sure it's not good. Lance came here but not to see me. He came here to see Sabrina.

"You are Cahriya? That Cahriya?" Sabrina asked, her fist started to form as if she's controlling herself to do something.

I didn't answer. I think alam na naman niya ang sagot sa tanong. Ako nga si Cahriya. Ang ex girlfriend ni Lance na bumalik at ang reason kung bakit sila naghiwalay. 

As much as I wanted to leave them alone, I can't. I'm already a part of this. Yes, I have no idea na si Lance ang boyfriend ni Sabrina, pero I can't let her think na sinadya ko lahat 'to. She's a good person and wala siyang ginawang mali sa kahit kanino sa amin. Nagmahal lang siya. At hindi mali 'yun. Siguro, sa maling tao lang...

"I didn't know na magkakilala kayo." Mahinahong sabi ni Lance.

Lumapit siya sa amin, sa akin. Akto siyang hahalik sa akin pero umiwas ako. How can he be so insensitive? Sabrina is here. Watching us. I know she's hurting, so much. And hindi niya deserve iyon.

"What are you doing here?" Sabrina asked with a serious tone. She did not break her blank but hurtful stare at Lance.

"Gusto kitang makausap. But this, I didn't know this. I have no idea na magkakilala kayo. Wait. Magkakilala ba talaga kayo?" Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Lance. 

Narining kong bahagyang natawa si Sabrina. Ako naman ay hindi alam kung paano ako magrereact. Like, seriously? Lance?

"She was supposed to design my wedding gown." She put up a fake smile.

Tinignan ko si Lance, clueless na clueless siya sa mga sinabi ni Sabrina. Pero ilang sandali din ay parang naintindihan na niya. Pinaghahandaan ni Sabrina ang kasal na hindi alam ni Lance. Alam ko na nakakaawa ang labas ni Sabrina ngayon pero napakarami ng nangyari para iparamdam pa sa kanya iyon. 

"I think I should leave. Mag-usap na muna kayo." Humarap ako sa kay Sabrina, "I really am clueless as to who you are in Lance's life. I'm sorry if I ever did anything to hurt your feelings.""

After that, I left. 

Wala sa plano ko na sirain ang kung anong meron sila. Ang gusto ko lang makilala ni Laurent si Lance. Wala akong balak na balikan si Lance. Madami na masyadong nasaktan dahil sa relasyon namin noon, nadamay pa si Sabrina ngayon. Hindi ko hawak ang desisyon ni Lance tungkol sa kanila ni Sabrina. Pero alam kong hindi naman niya talaga mahal ito kaya mas maigi na rin na tinigil na niya kesa sa kung saan pa sila umabot. Sabrina deserves someone na buong-buo siyang mamahalin. 

**Jaron's POV

May umuungol.

MAY UMUUNGOL???

Bigla akong napatayo nang marealize ko kung ano yung naririnig ko. Yeah. Nakatulugan ko yung pinapanood ko kagabi. Welp, Wala rin namang naitulong. I was so tired I can't even get a full standing ovation. 

I stand up and find my way to the bathroom. But then someone is ringing the doorbell. Ang aga ah?

"Wait." I shouted as I was walking towards the door.

And when I opened the door, it was the most unexpected visitor.

"Ziri."

"Good morning, Ja----bakit may umuungol?"

SHIT!

I shut the door on her face. Agad akong tumakbo pabalik sa kwarto ko para patayin yung tv. Bakit ba hindi ko pinatay agad? Argh! Jaron? Why?

Bumalik ako sa pinto para pagbuksan ulit si Ziri. Hindi ko alam kung paano ako mag-eexplain sa kanya pero I'm sure na alam naman niya 'yun.

"Ziri, I'm sorry. Well, alam mo na---"

Another unexpected thing happened. She suddenly hugs me. And now, I can hear her sobbing. Right. Hindi naman siya pupunta dito kung walang matinding dahilan. Hindi na rin ako nagsalita. Inakay ko siya papasok sa loob ng bahay ko at pinaupo siya sa sofa. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ni hindi ko alam kung dapat ko bang itanong kung okay lang siya dahil alam ko namang hindi siya okay.

"Sorry at dito pa ako pumunta. Hindi ko na kasi alam kung saan ako pupunta. Nagkahiwa-hiwalay kami nila Daddy. Dito lang yung naisip ko na hindi ako masusundan."

Hindi ko agad naprocess yung sinabi niya. It sounded very serious.

"Ano bang nangyari? Sinong humahabol sa inyo?"

She took a deep breath bago siya nagsalita, "Dad was involved with some guys in the black market. He borrowed some money to keep our company stable and now ginigipit nila si Dad and was asking for a triple price of that money. Dad refused and now we're being hunted by these people. They want to kill him, Jaron!"

Hindi ako agad nakasagot. Ang hirap idigest lahat ng sinabi niya. I've been with bad peers pero never in my life na naka-encounter ako ng galing sa 'Black Market'. I know it is a serious matter for Ziri pero hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan sa sitwasyon niya.

"What are you planning to do now? This is a really serious matter, Ziri. I want to help you but I don't know how."

She clasps the hem of her shirt. She's hesitating, "Can I stay here? Kahit hanggang sa maayos lang namin 'to."

I mean, that's the least I could do to help. Sino ba naman ako para hindi tumulong sa mga taong nangangailangan, diba?

"Sure. Also, I'll try to ask around regarding those guys. Hindi safe na makahanap ka lang ng matutuluyan. Mas maganda kung maayos na rin yung problema."

"Thank you, Jaron."

**Lance's POV

I reached for Sabrina's arm and pulled her close to me so I could hug her. Nasaktan ko nanaman siya. Kahit gaano ko subukan na hindi siya masaktan, ganun pa rin ang nangyayari.

"I'm sorry." That's all I could say habang umiiyak siya sa mga bisig ko.

"It hurts so much, Lance. Wala na akong mukhang maiiharap kahit kanino. I asked her to make my wedding gown not knowing that she's the woman you truly loves."

I caressed the back of her head and slowly moved my head closer to ears, "I do love her but that doesn't mean we're getting back together. I'm just completely concern about our son. But you don't deserve to be my rebound as well. Hindi kakayanin ng konsensya ko masaktan ka ng paulit-ulit dahil sa'kin."

Humiwalay siya sa akin at pinunasan ang mg luha sa pisngi niya. Tinitigan niya ako ng maigi, "I do hope na maging masaya kayo ng anak mo, Lance. But I can't promise to wish a happy ending between you and her. I'd wish for your misery if I'm a bad person."

I chuckled, "Well, I deserve that."

"Lance, thank you for everything. Maybe this is the last time we'll ever see each other. But if not, I do hope we can still be civil." She smiled, "I'll be leaving for Germany tomorrow. I plan to stay there for good."

"Good luck on your journey, Sab. I wish you well. And I hope that you'll find the guy that truly deserves your love."

I kissed her forehead.

It is sad to say goodbye. But it is for the better. She has a life to live. And I do too.

Sa ngayon, kailangan ko lang magfocus sa anak ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin ni Cahriya.

Ang alam ko lang, mahal na mahal ko pa rin siya.

Loved By A Gangster: Healed by Time (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon