Chapter 2

18.7K 688 73
                                    

Atlas

HINILOT hilot ko ang sentido habang hindi inaalis ang mata sa screen ng laptop.  Napapapikit ako sa tuwing pumipitik pitik ang ugat sa sentido ko.

Dapat yata hindi na ako pumasok. Pero kailangan kong ireview itong dokumento para matapos na. Pero hindi rin ako makakapag concentrate kapag ganitong sumasakit ang ulo ko.

Pinindot ko ang intercom. "Rita may gamot ba tayo sa sakit ng ulo dyan? Pakidalhan nga ako." Utos ko sa sekretarya ko.

Mayamaya lang ay pumasok na ang sekretarya ko na may dalang tableta at mineral water. Agad ko na iyong ininom. Mabilis naman umepekto ang gamot at nawala na ang pananakit ng ulo ko kaya nakapagtrabaho na ako ng maayos.

Eksaktong pagsara ko ng laptop ay nagring naman ang cellphone ko. Dinampot ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Bumuntong hininga ako ng makita na si Chelsea ang tumatawag. Sinagot ko na ang tawag nya dahil kung hindi ay siguradong mangungulit lang sya.

"Hello Chelsea."

"Hi babe! Nasa office ka pa?"

"Yes." Tipid na sagot ko habang nililigpit ang mga nakakalat na papel sa mesa.

"Nagpromise ka sa akin na magmomall tayo today. Remember?"

Oh shit! Oo nga pala.

Napakamot ako sa kilay. Nakalimutan ko. Pinangakuan ko pala sya na magmomall kami ngayon.

"Ok, susunduin kita sa condo mo. Wait for me."

"Yey! Thank you babe. Love you!"

Di na ako sumagot at pinatay ang cellphone.

Mag-iisang buwan ko ng dinidate si Chelsea. Isa syang freelance model. Ok naman si Chelsea noong una. Maganda mabait at malambing. Pero nitong huli ay nagiging demanding, nagger at selosa. May pagkamateryosa din. Iniintindi ko na lang at baka magbago din sya. Tinitingnan ko na lang ang magandang katangian nya at tinuturuan ko ang sariling magustuhan sya. Thirty five years old na ako. Isa isa ng nagsisipag asawahan ang mga kaibigan ko kaya naisip ko na ring lumagay na sa tahimik. Iniisip ko na baka si Chelsea na ang babaeng para sa akin. Pero parang malabo.

Humugot ako ng malalim na hininga at sinilip ang oras sa relo. Alas tres na ng hapon. Pwede na akong lumabas at kitain si Chelsea. Wala naman akong meeting ngayon dahil pinare-schedule ko lahat.

Tumayo na ako sa leather chair at binitbit ang coat. Lumabas ako ng opisina at binilinan ang secretary ko.

-

"Babe look o, bagay sa akin tong bracelet." Untag sa akin ni Chelsea at pinakita ang white gold bracelet na nakasuot na sa braso nya.

Ngumiti ako. "Gusto mo yan?"

Tumango sya. "But it's pricey."

"It's ok, I'll buy it for you."

Namilog ang mata nya. "Really babe? Bibilhin mo to para sa akin?"

"Sure."

Yumakap sya sa bewang ko. "You're so sweet talaga babe. Kaya mahal na mahal kita eh." Malambing na sabi nya.

Ngumisi na lang ako. Ewan ko. Pero sa tuwing sasabihin nya na mahal nya ako ay di ko ramdam. Pakiramdam ko mahal nya lang ang panlabas kong hitsura at mga binibigay ko sa kanya.

"Babe after this, punta tayo sa hotel. Sobrang miss na kita eh." Pabulong na ungot pa ni Chelsea. Namumungay ang mata nya at kagat nya ang kanyang labi. Humihimas ang kamay nya sa braso ko. Hindi ako mangmang kung ano ang gusto nyang ipahiwatig.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon