Chapter 16

16.4K 664 85
                                    

Jolene

"O DAHAN dahan sa pagbaba anak wag kang tatalon." Agad kong hinawakan sa braso si Jeremiah na pababa ng traysikel. May habit kasi sya na kapag bababa kami ng traysikel ay tumatalon sya sabay takbo.

Huling bumaba ng traysikel si Leah na binayaran ang driver. Ginabi na kami kanila Nana at ngayon lang nakauwi. Ito kasing anak ko parang ayaw pang umuwi. Mabuti na lang pinauwian kami ni Nana ng pagkain kaya di na kami magluluto. Mga busog na rin naman kami.

"Mama, ang daming pera bigay ta akin ni Nana tapos bigay din ako ni Tata." Bibong wika ni Jeremiah na patalon talon pa habang hawak ko sya sa kamay.

"Eh di marami na ikaw pera. Sana all." Biro ko sa anak. Nasa bulsa ng maong nyang short ang pera nya na binigay ni Nana at ni Tata.

"Bibigay ko po yun ta inyo mamaya mama para pambili ko po ng milk at baon ta ishkul."

"Aba good boy talaga ang pamangkin ko ah." Ani Leah at pinanggilan ang pisngi ni Jeremiah. Binuksan na nya ang gate.

Hinaplos haplos ko naman ang buhok ng anak ko. "Good boy talaga tong baby ko. Kaya mahal na mahal ko to eh." Pinanggigilan ko rin ang pisngi ng anak. Panay naman ang hagikgik nya.

Maswerte din talaga ako kay Jeremiah dahil hindi sya mapiling bata lalo na at hindi sya sa sakitin. Matalino pa sya at bibong bibo.

Ng mabuksan na ni Leah ang gate ay pumasok na kami.

"Jessica."

Natigilan ako at tila tinulos ang paa ko sa kinatatayuan ng marinig ko ang pamilyar na boses na matagal ko ng hindi naririnig. Kumakabog ng husto ang puso ko at para akong may stiff neck na di makalingon.

Bakit nandito sya? Pano nya nalaman kung saan ako nakatira? 

"Tito Atlat!" Bati ni Jeremiah na nahihiyang yumakap pa sa bewang ko pero nakangiti at nagniningning ang mga mata habang nakatingin kay Atlas na nasa likuran ko.

Tiningnan ko si Leah na nakaawang ang labi habang nakatingin din kay Atlas. Kilala na nya si Atlas sa hitsura dahil pinakita ko dati sa kanya ang picture nito.

"Jo, yung ex mo -- "

"Sige na pumasok na tayo sa loob at malamok na." Putol ko sa sasabihin ni Leah at bahagyang tinulak papasok si Jeremiah.

"Jessica wait!" Hinawakan ni Atlas ang braso ko.

Tila may kuryenteng dumaloy sa mga ugat sa katawan ko ng maramdaman ang mainit nyang kamay. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Pahablot na binawi ko ang kamay. "I'm sorry mister hindi ako si Jessica." Malamig na sabi ko at hindi pa rin sya nililingon. Parang di ko sya kayang harapin.

"I know, dahil ang totoo mong pangalan ay Jolene. Please let's talk. Noon pa kita hinahanap." May himig na pagsusumamo sa boses nya.

Naninigas ang leeg na nilingon ko sya. Pinatigas ko ang aking mukha at malamig syang tiningnan. Ilang taon na ba kaming hindi nagkita? Limang taon? Hindi pa ganun kahabang panahon kaya parang sariwa pa sa akin ang lahat.

Sa loob ng limang taon parang walang nagbago sa kanya. Maliban sa bahagyang nagmatured ang mukha nya na bumagay sa kanya at mas lalo pa syang gumuwapo. Lalo pang lumaki ang katawan nya.

Pinikit ko ng mariin ang mata at hinilot ang sentido. Lihim kong pinagalitan ang sarili dahil sa pagpuri ko sa kanya.

"Jessica -- "

"Di nga ako si Jessica." Asik ko sa kanya at sinamaan sya ng tingin.

"Fine, Jolene." Parang  maamong tupa ang mukha nya. "Usap tayo please."

DG Series #3: Never Gonna Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon