Chapter 36

14.8K 552 28
                                    

Jolene

"ATE Jolene sandwich?" Alok ng pinsan kong si Jerry ang kapatid ni Leah.

Kumuha naman ako ng dalawa para sa amin ni Atlas.

"Kape ate o kaya juice?"

"Kape na lang Jerry."

"Sige ate, kukuha lang ako." Nag excuse na si Jerry at pumasok sa loob ng maliit na bahay nila.

"Inaantok ka na?" Bulong ni Atlas.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Hindi pa."

Hinalikan nya ako sa sentido. "Sabihin mo lang kapag inaantok ka na."

Tumango tango naman ako at tumingin sa harap kung nasaan si Leah katabi si Tita Helga. Nasa tabi sila ng ataul ni Tito Jojo at umiiyak pa rin.

Dama ko ang sakit sa kalooban nila sa biglaang pagkamatay ni Tito Jojo. Ganoon din ang naramdaman ko ng mamatay si papa.

Inatake sa puso si Tito Jojo sa bukid habang nagsasaka. Hindi na sya nakaabot sa hospital at dineklarang dead on arrival. Sinamahan na namin si Leah pauwi dito sa Zambales. Ako lang sana dapat dahil hindi ko kayang hayaan na umuwi mag isa si Leah sa ganong sitwasyon. Pero ayaw namang pumayag ni Atlas kaya sumama na rin sya. Si Jeremiah ay iniwan muna namin kanila Tita Anita.

Madaling araw na kami nakarating dito sa Zambales. Eksaktong dumating naman noon ang ataul ni Tito Jojo. Marami na agad ang nakiramay na mga kapitbahay at mga kasamahan ni Tito Jojo sa pagsasaka. Lahat sila ay malungkot sa biglaang pagkawala ni Tito Jojo. Mabait si Tito Jojo at wala rin talaga akong masabi sa kanya. Sa pagkawala nya ay para na rin akong nawalan ng pangalawang ama. Kasing bait nya rin kasi si papa.

Habang dumarating ang mga tao at nakikiramay ay nagpapalinga linga naman ako kung may mga kamaganak din ako sa side ni mama na makikiramay. Alam kong malalaman din nila ang pagkamatay ni Tito Jojo. At kapag pumunta sila dito ay makikita nila ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko sila. Dito sa puso ko ay may sama pa rin ako ng loob sa kanila.

May mga ilang bisita ang nakakilala sa akin at binabati ako. Iba din ang tingin nila kay Atlas. Nangingibabaw kasi ang hitsura niya sa lahat at parang hindi naaangkop sa lugar. May ilan ngang malalakas ang loob na nagtatanong kung sino sya. Sasagot naman si Atlas na asawa ko sya. Hindi ko na yun tinatama at hinahayaan ko na lang. Tutal naman parang ganun na nga rin kami. Ganun din ang pakilala nya kay Tita Helga kanina.

"Insan kumain ka kaya muna, kayo ni tita. Hindi pa kayo nag aalmusal." Sabi ko habang hinahagod ang likod ni Leah. Magang maga na ang mata at ilong nya sa kakaiyak.

Alas otso pasado na ng umaga pero hindi pa sila kumakain ng agahan ni Tita Helga. Alam kong wala silang ganang kumain. Sino ba naman ang gaganahan. Pero kailangan nila ng lakas para sa susunod pa na mga araw.

"A-Ayos lang ako Jo. Hindi pa ako gutom pero si nanay pinaghanda ko na sa mga kapatid ko ng makakain. Ewan ko lang kung kakain sya." Sumisinghot na sabi ni Leah.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko na sya pipilitin.

"I-Isa pa sa pinoproblema namin ang pamapalibing kay papa. May ipon naman ako pero hindi sasapat." Hinaing ni Leah.

"Don't worry Leah, ako na ang bahala sa pagpapalibing sa papa mo." Singit ni Atlas.

Sabay kaming tumingin ni Leah sa kanya.

"N-Naku wag na Atlas, nakakahiya naman. Manghihingi na lang ako ng tulong sa munisipyo. Lalakarin ko lang ang mga papel."

"Huwag na, ako na ang bahala sa lahat. Tulong ko na yun sa'yo."

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now