Chapter 6

15K 563 65
                                    

Jolene

"HAVE a seat." Alok sa akin ni Mr. Atlas. "O gusto mo sa ibang pwesto tayo?" Biglang naging aligaga ang kilos nya at nagpalinga linga na tila naghahanap ng ibang pwesto.

"Ah boss, may bakanteng mesang pangdalawahan doon sa dulo." Singit ni Kuya Bong at tinuro ang dulong bahagi ng bar kung saan may bakanteng mesa at upuan.

Tumikhim ako. "Ah hindi, ok na ko dito." Sabi ko.

Medyo madilim na sa dulo. Baka mamaya ano pa gawin nya sa akin doon. Pero mukhang wala naman sa hitsura nya na gagawa ng mga pangit na bagay. Pero kahit na, hindi pa rin ako dapat magpakampante.

"Ok." Inatras ni Mr. Atlas ang mataas na stool chair at hinawakan ako sa siko para alalayang umupo. Para akong kinuryente ng hawakan nya ako.

"What do you want? Tequila? Brandy? Beer?" Alok nya pa sa akin.

Umiling ako. "Juice na lang. Piñacolada." Sabi ko.

"Are you sure? Wag ka ng mahiya. Orderin mo kahit ano treat ko." Nakangiting sabi nya.

Bahagya akong ngumiwi. "Hindi ako umiinom kaya piñacolada na lang."

"Oh I see." Tinawag nya ang bartender at umorder ng piñacolada. Mabilis namang tumalima ang bartender at wala pang ilang minuto ay nasa harapan ko na ang piñacolada.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang sinisipsip ko ang straw ng piñacolada. Sa gilid ng mata ko ay nakikita kong titig na titig sya sa akin. Naiilang tuloy ako.

Tumikhim ako at nagtaas ng kilay. Pinormal ko ang mukha ng bumaling sa kanya.

"Tititigan mo lang ba ako?" May katarayan na sabi ko.

Ngumiti naman sya. Tila naman natunaw ang puso ko sa ngiti nya.

"Sorry, gandang ganda kasi ako sayo. Mas maganda ka sa malapitan."

Nahigit ko ang hininga sa sinabi nya kasabay ng mas lalo pang nagwala ang puso ko. Nagiinit ang pisnging umirap ako.

"Bolero."

Tumawa sya. "Hindi kita binobola. Totoo ang sinasabi ko. Lahat nga ng mga customer dito gandang ganda sayo at naiinis ako doon."

Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. "Naiinis ka na gandang ganda sila sa akin? Bakit? Anong gusto mo? Pangit na pangit sila sa akin?"

"That's not what I mean. What I mean is.. naiinis ako sa nakikitang paghanga sa kanilang mga mata habang nakatitig sayo. Gusto ko ako lang ang tititig sayo."

Napaawang ang labi ko sa mga sinabi nya. Di ko alam kung seryoso ba sya o ginu-good time nya lang ako. Pero ang puso ko naman ay tuwang tuwa. Pero hindi ako dapat magpadala sa pambobola nya. Normal lang yan sa mga customer.

"Huu, ang lakas nyong mambola Mr. Atlas ha."

Muli syang tumawa. "Hindi nga kita binobola. Saka Atlas na lang ang itawag mo sa akin. Masyado namang pormal ang Mr. Atlas."

Nagkibit balikat ako. "Sabi mo eh."

Kung ano ano pa ang tinanong nya sa akin. Alam kong gumagawa sya ng topic para makapagusap kami. Natuwa naman ako doon. Dahil kung ako lang ay hindi ko alam ang sasabihin baka nakatanga lang ako sa kanya.

Sa buong durasyon ng paguusap namin ay unti unting napapalagay ang loob ko sa kanya. Mabait naman pala sya at gentleman pa. Masarap syang kausap, matured at may sense.

Ang pag uusap naming dalawa ni Atlas ay nasundan pa ng maraming beses. Gabi gabi na nga kami halos naguusap. At parang hindi customer at performer ang turingan naming dalawa. Parang magkaibigan na kami. Wala nga lang sa kanya kahit tinatarayan ko sya minsan. Nasanay na sya sa akin at tatawa na lang. Ako rin ay nasasanay na sa pagkabolero nya. At ang puso ko ay nawiwili na rin sa kanya. Pero syempre di ako nagpapahalata sa kanya.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now