Chapter 29

17.1K 594 65
                                    

Atlas

MATAMAN kong sinusuri ang bawat sulok ng malaking bahay na binili ko. Bilang engineer ay alam ko kung matibay o hindi ang isang gusali o bahay. Kilala ko naman ang developer nitong eksklusibong subdivision kung saan ako nakabili ng bahay. Walang iba kundi ang pinaka masungit at moody naming kaibigan na si Matias. Kaya nakakasiguro akong matibay at hindi substandard ang mga materyales na ginamit dito sa pagtatayo. Sa mahal ba naman ng bahay nya aba'y dapat lang kung hindi idedemanda ko sya. Kulang kulang isang bilyong piso ang bahay. Mabuti nga ay nakatawad pa ako kahit kaunti.

Hindi naman ito kalayuan sa subdivision kung saan nakatira si mommy at Ava. Ten minutes drive lang mula doon hanggang dito. Kaya anytime ay pwedeng dumalaw dito si mommy at Ava or pwedeng kami ang dumalaw sa kanila.

"Sir nandito naman po sa likod ng bahay ang swimming pool. Paki-check na lang po kung may gusto pa kayong ipabago." Giniya ako ng agent na lalaki sa likod ng bahay.

Tumambad sa akin ang liver size swimming pool. Pinaliwanag sa akin ng agent kung ano ang sukat ng pool at gaano ito kalalalim. May parte ding mababa ito para sa mga bata. Saktong sakto ito para kay Jeremiah na nahihilig na sa pagsuswimming. Mataas ang pader at medyo malayo sa kasunod na bahay kaya safe kapag gusto ring magswimming ni Jolene. Syempre ayokong may ibang makakakita sa kanya kapag nagswimming sya gusto ko ako lang. Merong mga kalachuchi na puno sa gilid ng pader at hitik ito sa mga bulaklak. Ang ibang mga nalagas nga ay nakakalat sa bermuda grass na bagong trim. Hindi rin masyadong mainit dito sa pool area dahil may mga puno sa labas ng pader kaya hindi matutusta sa init ang mag ina ko.

Sinabi ko naman sa agent na walang problema sa pool. Pero gusto kong gawin kahoy ang flooring sa gilid ng pool. Agad naman nya iyong tinype sa hawak nyang pad.

Sunod naman nya akong dinala sa garden area na nasa gilid lang ng bahay. May iba't ibang halaman na ang naroon at mga orchids. Hindi ako sure kung mahilig si Jolene sa mga halaman. Pero may ilang mga halaman din sya sa bahay na nasa paso. Sya na ang bahala kung ano ang gusto nya. Sya ang may ari ng bahay na ito. Binili ko ito at pinangalan sa kanya. Sana ay magustuhan nya.

Ng matapos ang masusi kong pag iinspeksyon sa buong bahay ay binigay na sa akin ng agent ang orihinal na susi ng bahay kasama na rin ang lahat ng susi ng mga pinto. Sabay na kaming lumabas at nagpaalaman sa isa't isa.

Anytime ay pwede ng lipatan itong bahay. Pero ang balak ko ay ipapakita ko muna ito kay Jolene bilang surpresa. Excited na nga ako na makita ang reaksyon nya. Tapos ay sabay na kaming mamimili ng mga gamit para sa bahay. Ngayon pa lang ay excited na akong lumipat na kami.

Sumakay na ako ng kotse at binuhay na ang makina. Susunduin ko na ngayon ang future wife ko.

.

.

Jolene

NAPANGITI ako ng paglabas ko ng gate ng planta ay nakita ko si Atlas na nakasandal sa pinto ng kotse. Naka-trouser sya ng itim at long sleeve polo na puti na nakatupi ang mga manggas hanggang siko. May ngisi sya sa labi na unti unting naging ngiti ng makita ako. Mukhang kagagaling lang nya ng opisina.

Paglapit ko sa kanya ay hinawakan nya ako sa bewang at mabilis akong hinalikan sa gilid ng labi. Nag iinit ang pisngi bahagya ko syang tinulak. Nasa labas kami at tiyak na maraming mga kasamahan ko sa trabaho ang nakatingin sa amin.

"Miss you sugar." Usal ni Atlas.

Ngumuso naman ako. "Miss ka dyan. Araw araw naman tayong nagkikita."

Tumawa lang sya. "Yun na nga eh. Araw araw naman tayong nagkikita pero palagi pa rin kitang namimiss." Aniya at pinisil pa ang baba ko.

Kumislot naman ang puso ko sa tuwa. Ako rin naman namimiss sya palagi. Hindi lang talaga ako palasalita.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now