Chapter 13

13.9K 504 57
                                    

Jolene

"LUMAYAS ka! Wala akong anak na malandi!" Sigaw ni mama at kinaladkad ako pababa ng terrace sabay tulak sa akin. Napasalampak ako sa semento.

Umiiyak na tumingin ako kay mama. Namumula ang mukha nya sa galit. Nakuha nya sa kwarto ko ang pt na ginamit ko na nakalimutan kong itapon at kinompronta nya ako. Kaya ngayon ay galit na galit sya.

"Ma.."

Hindi  masakit ang pagkakasalampak ko sa semento. Ang masakit ay ang mga salitang binibitawan nya na hindi ko kayang lunukin.

"Wag mo kong matawag na mama! Yan ang napapala mo dyan sa pagpasok mo sa bar. Ilang beses ko ng sinabi na umalis ka dyan pero di ka nakinig. O ngayon ano? Nabuntis ka ng kung sinong poncio pilato! Sino ang inang matutuwa ha! Kaya lumayas ka!" Hinagis nya sa akin ang bag ko pati ang mga damit.

"Ma, please.. w-wala akong mapupuntahan."

"Eh di pumunta ka doon sa lalaking nakabuntis sayo! Ginusto mo yan di ba? Kaya pumunta ka sa kanya at wag ka ng babalik dito! Nakakahiya ka!" Dinuro duro pa ako ni mama.

Lalo naman akong napahagulgol. Ang lalaking tinutukoy ni mama ay parang kinalimutan na ako. Hindi na sya kumukontak sa akin. Out of coverage area ang laging sagot kapag tumatawag ako. Sumasama ang loob ko dahil parang wala na syang pakialam sa akin.

"Honey, wag mo ng palayasin ang anak mo. Baka lalo lang mapariwara yan." Sabi ni Norman. Pero di ko ramdam na sinsero sya base sa klase ng tingin nya sa akin.

"Wala akong pakialam! Lumayas ka ha! At wag ka ng babalik dito." Mariing sabi ni mama at tumalikod na. Pumasok na sya sa loob ng bahay.

Naiwan naman si Tita Emie na nakataas ang kilay at nakahalukipkip. Wala akong awa na nakikita sa mukha nya.

"Yan kasi, ang tigas ng ulo mo. Bunga yan ng kayabangan mo." Sabi nya at pumasok na rin sa bahay.

Si Tito Rene ay umiling iling lang at sumunod na kay Tita Emie. Nakatingin lang sa akin ang mga pinsan kong maliliit. Pero sinigawan sila ni Tita Emie at pinapasok sa bahay. Sinarado nila ang pinto pati ang mga bintana. Naiwan ako dito sa labas na luhaan.

Umiiyak na pinulot ko ang mga damit at gamit ko. Siniksik ko ang mga ito sa bag. Nagpalinga linga ako. Napansin ko ang ilan naming mga kapitbahay na nakatingin sa akin at nagbubulungan pa. Malamang ay pinagtsitsismisan nila ako.

Tumayo na ako at sinukbit ang bag. Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Binigyan ko ng huling tingin ang bahay at umalis na. Wala rin namang mangyayari kung magpipilit ako. Kilala ko si mama matigas ang loob nya.

Habang naglalakad ay nag iisip ako kung saan ako pupunta. Tumataas na ang araw at masakit sa balat. Di nga ako nakapasok ngayon sa school dahil sa nangyari sa akin ngayon.

Kung pupunta ako sa bahay nila Leah ay siguradong patutuluyin nila ako. Pero sa liit ng bahay at sa dami ng bata doon ay nakakahiyang makisiksik pa ako. Wala si Leah, nasa Manila sya ngayon. Kung nandito lang sana sya.

Pinara ko ang traysikel na papadaan na walang pasahero. Huminto naman iyon. Nagpahatid ako sa bahay ni Atlas..

Inayos ko ang mga damit ko sa closet ni Atlas. Mabuti na lang nandito ang ilan kong damit. Napatingin ako sa mga damit ni Atlas na maayos na nakatupi at nakahanger. Hinaplos ko iyon kasabay ng pagtulo ng luha ko. Sobrang ko na syang namimiss. Halos isang buwan na kaming hindi naguusap. Ni text o chat wala. Gusto kong sabihin sa kanya na buntis ako baka sakali bigla syang bumalik dito sa Zambales. Pero paano ko sasabihin yun di ko na sya makontak.

Sa kabila ng pagpapalayas sa akin ni mama sa bahay ay nagpatuloy pa rin ako sa normal kong buhay. Pumapasok pa rin ako sa school at sa bar. Mas ngayon ko kailangan kumayod dahil pinalayas ako ni mama. May pera naman sa atm na binigay ni Atlas. Pero di ko yun gagamitin. Siguro sa ibang pagkakataon ko yun magagamit lalo na buntis ako at wala pang kasiguraduhan kung babalik pa si Atlas. Wala namang kaalam alam ang mga kasamahan ko sa bar sa nangyari sa akin. Di ko kinukwento sa kanila. Nahihiya ako. Ilang beses na rin akong nagpabalik balik sa bahay namin pero lagi lang akong tinataboy ni mama at minumura. Parang wala na syang pakialam sa akin at di na anak ang tingin sa akin. Umiiyak na umaalis na lang ako.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon