Chapter 8

14.2K 510 56
                                    

Jolene

PUMASOK ako sa bar ng wala sa mood at nakasimalmal. Paano ba naman tumawag kanina si mama para sermonan ako dahil sa sumbong ni Tita Emie na may lalaki na raw ako at naglalandi na. Kung ano ano pang dagdag kwento ang sinusumbong. Nakakaloka talaga ang tiyahin ko na yun.

"O bakit mukhang nalugi ang hitsura mo?" Tanong ni Anette.

Bumuntong hininga ako habang binubuksan ang bote ng mineral water.

"Wala lang ako sa mood Anette."

"Aba'y hindi pwede yan girl. Dito ka sa bar nagtatrabho kailangan lagi kang nasa mood kapag kaharap ang mga customer." Paalala sa akin ni Anette.

"Alam ko yun Anette. Wag kang mag alala mamaya magiging ok din ako. Sige sa dressing room muna ako." Paalam ko sa kanya.

Pumunta na ako sa dressing room. Nandun na ang banda at si Ate Lucille. Binati nila ako. Ngumiti Naman ako sa kanila. Pinilit kong maging normal ang mood sa harap nila para hindi na nila ako usisain kung bakit ako nakasimalmal.

Kahit ng nasa stage na ako ay pinipilit kong maging lively sa harap ng mga customer. Pero tuluyan talaga akong naging lively ng dumating na si Atlas. Ngumiti sya at kumaway sa akin at umupo na sa paborito nyang pwesto. Mamaya ay lilipat kami sa laging pwesto naming dalawa. Bakit kaya ngayon lang sya?

-

"Bakit ngayon ka lang ha?" Sita ko kay Atlas sabay palo sa braso nya.

Ngumisi naman sya. "Miss mo ko no?"

Ngumuso ako. "Miss ka dyan. Bakit nga ngayon ka lang?" Umupo na ako sa tabi nya sabay dampot ng tinidor at tumusok ng sisig.

"Lumuwas kasi ako kanina kakarating ko lang." Aniya na nakatingin sa akin.

"Kararating mo lang? Dito ka agad dumiretso?"

Tumango sya at sumimsim ng alak sa baso nya.

Natigilan naman ako. "Eh bakit dito ka pa dumiretso dapat umuwi ka muna sa inyo para magpahinga."

"Tapos ano? Magagalit ka sa akin dahil di mo ko nakita dito? Ayokong magalit ang girlfriend ko."

Pinalo ko sya ulit sa braso kasabay ng pagiinit ng mukha ko. "Girlfriend ka dyan?"

Tumawa sya. "Hindi ba kita girlfriend?"

"Hindi no! Asyumero ka."

Inakbayan nya ako at kinabig sabay halik sa ulo ko. Kumalabog naman ng husto ang dibdib ko. Bago ko pa sya itulak ay pinakawalan na nya ako habang malawak ang ngiti sa labi.

"Sobra kasi kitang namiss buong araw kaya dito na ako dumiretso."

Ngumuso ako pero ang puso ko ay di na mapakali at parang itong kinikiliti.

"Talaga lang ha."

"Di ka naniniwala? Gusto mo patunayan ko sayo?"

Tinaasan ko sya ng isang kilay. "Ano namang patunay yan?"

"Kiss." Aniya sabay nguso.

Naginit na naman ang mukha ko. "K-Kiss ka dyan."

"Uy, namumula sya." Panunukso nya sabay sundot ng daliri sa pisngi ko.

Pinalis ko naman ang daliri nya. "H-Hindi no! Blush on yan." Tanggi ko.

Tumawa lang sya na lalong ikinainit ng mukha ko. Siguradong pulang pula na ito at nakikita nya kaya tumatawa sya. Pero infairness masarap talaga sa tenga ang tawa nya at nakakagaan sa pakiramdam.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon