Chapter 32

16.3K 569 53
                                    

Jolene

NAKAAWANG ang labi ko habang namamanghang nililibot ang mata sa loob ng malaking bahay. Malaki talaga ito at malawak. Parang kasing laki ng banyo dito ang apartment namin. Ganito yung mga bahay ng mga sikat at kilalang personalidad.

Fully furnished na ang bahay at mga gamit na lang ang kulang. May swimming pool pa nga at garden house. Sa labas ng bahay ay may malawak na lawn. Pangarap ko ang magkaroon ng ganitong kaganda at kalaking bahay.

Sinundo ako ni Atlas kaninang tanghali sa planta dahil naghalf day lang ako. Pagkatapos naming kumain sa isang mamahaling restaurant ay pumasok kami sa isang eksklusibong subdivision at dito nga kami huminto sa harap ng malaking bahay. At hindi ako makapaniwala sa sinabi nyang bahay namin ito.

"Taglaga? Bahay natin to?" Namamangha at hindi pa rin makapaniwala na tanong ko.

"Yes sugar I mean no, bahay mo to." Nakangiting sabi ni Atlas.

Kumunot ang noo ko at naguguluhan sa kanya. "Ano ba talaga?"

Tumawa sya. "Sa iyo ang bahay na ito. Oh wait."

Sinundan ko sya ng tingin ng lumabas sya ng bahay at tinungo ang kotse. May kinuha sya doon. Pagbalik nya ay may dala syang brown envelope. Binigay nya ito sa akin. Naguguluhang kinuha ko naman ito.

"Open it." Aniya. Nakabukas pa sa kanyang mukha ang excitement.

Binuksan ko naman ang envelope at nilabas ang isang papel. Binasa ko iyon at namilog ang mata ko ng makita ang aking pangalan.

Napasinghap ako at tumingin kay Atlas. Malapad na ang ngiti sa kanyang labi.

"Bakit nakapangalan sa akin ang bahay na ito?"

"Dahil sayo talaga to sugar. Binili ko ito para sayo. Nagustuhan mo ba?"

Nangilid ang luha ko sa gilid ang aking mga mata. Tila din may bikig na bumara sa aking lalamunan. Suminghot ako at tuluyan ng naiyak.

Nataranta naman si Atlas at hindi magkandatuto sa pag alo sa akin.

"B-Bakit ka umiiyak Jolene? Hindi mo ba nagustuhan itong bahay? B-Bibili na lang tayo ng iba. May brochure naman ng mga bahay si Matias mamimili tayo ng gusto mo.  Huwag ka ng umiyak please."

Pinalo ko sya sa braso habang umiiyak pa rin. Hindi naman ako naiiyak dahil hindi ko gusto ang bahay. Umiiyak ako sa sobrang saya. Gustong gusto ko itong bahay. Kahit hindi malaki basta maayos ang bahay na ibibigay nya sa akin ay masaya na ako.

"Sugar naman, tahan ka na please. Ayokong nakikitang umiiyak ka. Bibili na lang tayo ng ibang bahay."

Suminghot ako at muli syang pinalo sa braso.

"Sira! Umiiyak ako dahil masaya ako. G-Gustong gusto ko itong bahay."

"Talaga? Gusto mo tong bahay?"

"Oo nga! Salamat Atlas. Hindi ko lang ito bahay kundi bahay natin ito." Yumakap ako sa kanya. Niyakap din nya ako ng mahigpit at hinalikan sa tuktok ng ulo.

"I'm so glad na nagustuhan mo itong regalo ko sayo sugar. Umpisa pa lang to. Ang bahay na ito ay sayo. Ikaw ang boss dito at ikaw ang bahala kung ano ang gusto mong gawin dito." Anas nya sa aking tenga at bahagya akong nilayo sa kanya. "Pero bago ang lahat may sasabihin muna ako."

Tumingala ako sa kanya. Sumalubong sa akin ang mapupungay nyang mga mata.

"Ano yun?" Pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata.

Ngumiti sya at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Magpakasal na tayo sugar. Marry me Jolene."

Umawang ang labi ko. Tila ako nabingi.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now