Chapter 11

14.6K 497 25
                                    

Jolene

SIMULA ng may nangyari sa amin ni Atlas ay mas naging malambing at clingy pa sya sa akin. Mas naging overprotective at seloso pa sya. Pero di na namin naulit pa ulit ang bagay na yun dahil parang nadala ako. Nilagnat kasi ako kinabukasan at masakit ang buong katawan ko. Inalagaan naman nya ako. Pero sabi nya sa umpisa lang daw yun. Kapag palagi na daw namin yung ginagawa ay masasanay rin daw ang katawan ko. Inuto pa nya ako.

"Ay!" Tili ko ng biglang undayan ng suntok ni Atlas ang lalaking nakainom. Sumadsad ito sa isang upuan.

Mabilis akong lumapit kay Atlas at inawat sya. Lumapit na rin ang dalawang bouncer at nilayo si Atlas sa lalaki. Pero matigas si Atlas at dinuro ang lalaki na dinaluhan ng mga kasama nito.

"Pipiliin mo ang babaeng babastusin mo gago!"

"Atlas ano ba. Tama na." Saway ko sa kanya.  Sa amin na nakatingin ang lahat.

"Ang mabuti pa Jess, ilabas mo muna yang jowa mo at magpalamig muna ng ulo." Sabi ni Anette na nilapitan din ang lalaki.

"Oo, pasensya na." Hinila ko na palabas ng bar si Atlas. Hindi naman sya nagmatigas pero bakas pa rin sa mukha nya ang galit.

"Ano ka ba. Dapat hindi mo na pinatulan yung customer kanina. Nakainom lang yun." Sita ko kay Atlas pagpasok namin sa kotse nya.

"Kahit nakainom sya wala syang karapatan na bastusin ka." Galit pa rin na sabi nya.

"Hindi nya ako binastos nagbibiro lang sya." Medyo may pagkagreenminded nga lang ang biro kanina ng isang customer na nakainom at hindi iyon nagustuhan ni Atlas. Pero normal na lang kasi sa mga customer ang magbiro ng ganun. Noong una nababastusan ako pero nasanay na rin ako.

"Pambabastos yun at hindi ko mapapalampas yun. Hindi ko hahayaang bastusin ka lang ng kung sino sino. Makakalumpo talaga ako ng tao" Giit nya at marahas na bumuntong hininga.

Napakagat labi ako. Naiintindihan ko naman ang galit nya. Nag aalala lang sya sa akin dahil mahalaga ako sa kanya at na a-appreciate ko yun. Pero nag aala din ako na baka i-ban sya sa bar dahil ilang beses na syang nanapak ng iba naming customer.

"Nag aalala tuloy ako kapag umalis ako sino ang magbabantay sayo mula sa mga bastos na customer."

Natigilan ako sa sinabi nya. "Aalis ka?"

Bumuntong hininga sya at tumingin sa akin. Naging mapungay ang mga mata nya. "Uuwi ako ng Cebu."

"Uuwi ka na sa inyo sa Cebu? H-Hindi ka na babalik?" Parang bigla akong nanghina sa sinabi nya. Tila tumigil sa pagtibok ang puso ko.

"Syempre babalik ako dito. Kailangan ko lang umuwi ng Cebu dahil nagkaproblema ang isang site doon at kailangan kong personal na tingnan."

Lumunok ako. Tila may bikig na nakabara sa lalamunan ko. Nalungkot ako sa sinabi nya.

"K-Kelan ka aalis?"

"Sa makalawa sugar. Dalawang linggo lang ako doon at babalik din ako dito agad."

Kumagat labi ako at yumuko. Sa totoo lang ayoko syang umalis. Sanay na akong nandito sya at lagi kong kasama.

"Sugar." Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil. "Wag ka ng malungkot. Babalik din ako agad. Mabilis lang naman ang dalawang linggo. Saka madalas akong tatawag sayo. Sobra kitang mamimiss. Kung pwede nga lang isama kita. Pero alam ko namang hindi pwede dahil pumapasok ka sa school."

Yumakap ako sa kanya ng mahigpit at sumandig sa dibdib nya. Tumulo ang luha ko sa pisngi.

Niyakap din nya ako at hinaplos haplos ang likod ko. Hinalik halikan din nya ang tuktok ng ulo ko.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon