Chapter 4

16.6K 581 36
                                    

Jolene

5 years ago..

MALAKAS ang kabog ng dibdib ko sa kaba habang pinapasadahan ako ng tingin ni Madam Luz mula ulo hanggang paa. Inaamoy amoy pa nya ako. Sya ang manager ng bar na pinagaapplyan ko ngayon bilang bokalista.

"Hmm infairness ha, maganda tong recruit mo Anette. Morena, mabango, may katawan at mukhang batang bata pa. Ilang taon ka na ganda?" Tanong ni Madam Luz sabay hithit ng sigarilyo at buga ng usok.

"N-Nineteen po madam." Kinakabahang sagot ko at ninenerbyos na ngumiti.

Medyo giniginaw pa ako dahil sa suot kong crop top blouse. Labas ang tiyan ko baka kabagin pa ako nito. High waist skinny jeans at stiletto sandals naman ang pangibaba ko. Nakaponytail ang unat na unat kong buhok. Si Anette ang nagprovide nitong suot ko at sya din ang nagayos sa akin. Isa syang binabae at pinsan ng classmate ko. Pinakilala ako sa kanya ng classmate ko dahil naghahanap ako ng partime job. Isa syang waiter dito sa bar.

"Batang bata nga. Ito ang gusto ng mga parokyano. Batang bata at inosente ang mukha."

Nababahalang tumingin ako kay Anette. Parang iba yata ang pagkakaintindi ni Madam Luz.

Nakuha naman ni Anette ang ibig kong sabihin. Tumikhim sya.

"Ah Madam Luz, hindi po guest relations officer ang ina-apply-an ni Jolene. Bokalista po, singer." Pagpapaliwanag ni Anette.

Natigilan si Madam Luz at tumaas ang kilay. Kinabahan naman ako lalo. Mukhang di nya gusto na bokalista ang a-apply-an ko.

"Bokalista ang gusto mong apply-an?"

"O-Opo madam."

Umikot naman ang mata ni Madam Luz. "Sayang naman. O bueno, marunong ka bang kumanta?"

"Syempre naman madam! Mag a-apply ba si Jolene na bokalista kung hindi marunong kumanta." Sabat ni Anette. Pero sinamaan sya ng tingin ni Madam Luz at nagpeace sign lang sya.

"Sige nga sampolan mo ko. Tingnan natin kung papasa ka." Sabi ni Madam Luz sa akin.

Tumikhim naman ako at humugot ng malalim na hininga. Nagsampol ako ng pangmalakasan na kanta. Yung kantang pinanlalaban ko sa mga singing contest. Chorus na agad ang una kong binirit.

Tumango tango naman si Madam Luz na mukhang bumilib sa akin. Si Anette ay tuwang tuwang pumalakpak pa.

"Maganda ang boses mo iha. Pero ang banda ang magsasabi kung pwede ka." Pinatawag ni Madam Luz kay Anette ang mga miyembro ng banda. Lalo lang tuloy nadagdagan ang kaba ko.

Maya maya lang ay pumasok na sa maliit na opisina ni Madam Luz ang apat na lalaki. Pinakilala ako sa kanila ni Madam Luz pagkatapos ay muli akong pinasampol sa harap nila. Hinusayan ko naman ang pagkanta. Ang reaksyon ng apat na lalaki ay kaparehas ng kay Madam Luz at Anette. Pasado ako sa kanila kaya tinanggap na rin ako ni Madam Luz. Tuwang tuwa naman ako dahil may part time job na ako.

Si Kuya Pido ang drummer. Si Kuya Ken naman ang keyboardist. Si Kuya Tod at Kuya Tanley naman ang mga guitarist. Hawak ni Kuya Tod ang electric guitar at sa bass guitar naman si Kuya Tanley. Nakilala ko rin ang kasalukuyang bokalista nila na babae din na si Ate Lucille o Lucy sa stage name nya. Buntis sya kaya nangangailangan ng isa pang bokalista na hahalili sa kanya. Bawal kasi syang magpuyat.

At dahil tanggap na ako ay gustong subukan ni Madam Luz kung magugustuhan ba ng mga customer ang performance ko kaya ngayong gabi ay gusto na nya akong isalang agad. Kinakabahan man ay pumayag ako. Mabuti na lang ay sanay na akong kumanta sa harap ng maraming tao.

Binigyan din ako ni Madam Luz ng stage name na Jessica. Yun ang gagamitin kong pangalan kapag nandito sa loob ng bar. Lahat daw ng mga nagtatrabaho dito ay hindi ginagamit ang totoong pangalan. Lalo na ang babaeng nagtatrabaho bilang guest relations officer. Para din daw yun sa seguridad nila. Legal naman daw ang bar, mahigpit lang na pinagbabawal ang mga malalaswang aktibidad at mga nasa gro na rin kung papayag sila na ilabas ng mga customer. Walang pilitan. At kung sakaling mamilit ang mga customer ay nagkalat ang mga bouncer sa labas na malalaki ang mga katawan. Nakita ko na ang mga gro sa labas pagpasok ko dito. Hindi naman malalaswa ang mga hitsura nila lalo na ang mga suot. Mga disente pa rin naman.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoDär berättelser lever. Upptäck nu