Chapter 40

15.9K 543 105
                                    

Jolene

NAGING mas lalo pang sweet si Atlas sa akin ng malaman nyang buntis ako. Sya pa ang nagpresinta na magpacheck up na kami kinabukasan at kumpirmado nga na buntis ako ilang linggo na. Pinamalita nya yun kay Tita Anita at Ava na mga tuwang tuwa naman. Pumunta pa nga sila dito sa bahay at nagkaroon ng kaunting selebrasyon. At heto na nga ang magtiyahin nagtatalo na naman kung anong kasarian ng baby ang gusto nila.

"Basta gusto ko po boy mama para may kalaro na po ako." Sambit ni Jeremiah na gaya ng ama ay excited na excited din sa pagbubuntis ko.

"Hindi, girl dapat para mas masaya." Giit ni Ava na hindi nagpapatalo kay Jeremiah.

"Mas masaya po tita kapag boy."

"Hindi kaya! Mas masaya kapag girl. Magbo-bonding kami. Aayusan ko sya ng buhok at me-make up-an."

Ngumuso si Jeremiah. "Eh bakit hindi na lang po ikaw ang gumawa ng baby girl?"

Napaubo si Ava at muntik pang masamid sa kinakaing fruit salad. Nagtawanan naman kami.

"Eh wala pang makakasama si tita sa paggawa ng baby girl. Kailangan may kasama si tita -- aray!" Daing ni Ava ng kurutin sya ni Tita Anita sa tagiliran.

"Yang bibig mo Ava bata yang kausap mo." Pinandilatan ni Tita Anita ng mata si Ava.

Ngumuso si Ava. "I'm just telling the truth mommy. Need naman talaga ng kasama kapag gumawa ng baby."

"Eh di pasama po ikaw kay Tito Matias." Sabat ni Jeremiah na ikinaubo na naman ni Ava. Tuluyan na nga itong nasamid.

"T-Tubig! Tubig! Uhuk!"

Inabutan naman ng kasambahay ng tubig si Ava.

Hindi ko naman alam kung bakit nasabi yun ni Jeremiah. Si Atlas ay tatawa tawa lang.

"Yuck ka naman pamangkin! Si Kuya Matias talaga? Majonda na yun para kay tita. Ang gusto ni tita ay yung bata bata pa. Baby face. Yung mukhang laging mabango at nakajohnsons baby powder. Yung mala- Mackenyu Arata ang dating. Ganurn! Ganun ang gusto ni tita hindi yung matandang binatang masungit na mahilig sa mga hayop at galit sa mga bata like me." Litanya ni Ava.

Natawa naman ako. Minsan di ko sya maintindihan. Inis sya kay Matias pero kapag nasa harap naman nya ito ay nilalambing lambing nya ito. Kunsabay ang purpose ng lambing nya ay ang mang uto. Yun nga lang parang tuod ang isang yun at pikon sa kanya.

"Mas pogi naman po si Tito Matias. Mabango din po sya at macho gaya ni papa. Mabait po sya sa akin sayo lang po hindi kasi maldita daw po kayo at maharot." Hirit pa ni Jeremiah.

Namilog ang mga mata ni Ava. "Sinabi nya yun?"

Tumango tango si Jeremiah. "Opo."

Pumikit ng mariin si Ava at kumikibot ang bibig. Halatang naiinis na kay Matias.

"Kuh! Nakakainis talaga yang si Kuya Matias. Sarap ipakulam!"

"Bakit? Totoo naman ang sinabi ni Matias. Maldita ka naman talaga at maharot." Wika ni Tita Anita.

Ngumuso si Ava. "Mommy naman, bakit ba lagi kayong kampi kay Matias. Ako kaya ang anak nyo." Tila nagtatampong sabi nya.

"Eh lagi mo kasing iniinis ang batang yun."

"Hindi na bata yun mommy. Matanda na yun parang si kuya. Parehas na silang malapit ng magthirty six."

"Kaya naiinis sayo si Matias eh. Yang bibig mo kasi walang filter." Sabat na ni Atlas.

"Huu! Parehas kamo kayong ayaw tumanggap ng katotohanang matanda na kayo."

Sinamaan ni Atlas ng tingin ang kapatid. Tinapik ko naman ang hita nya para pakalmahin sya. Isa rin kasi syang pikon sa kapatid.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora