Chapter 41

15.5K 537 40
                                    

Jolene

"HUWAG kayong lalapit! Babalian ko ng leeg ang babaeng to!" Asik ni Norman na namumula pa ang mata. Hubad baro pa sya. Halatang lango sya sa alak at mukhang hindi lang sya nasa ilalim ng alak kundi nasa ilalim din ng pinagbabawal na gamot.

"Hayup ka Norman! Bitiwan mo ang nanay ko!" Sigaw ko sa kanya.

Gusto ko syang sugurin pero hindi ko magawa dahil nakaharang ang malaking braso ni Atlas.

"J-Jolene anak.." Umiiyak na tawag sa akin ni mama.

Awang awa ako sa kalagayan nya. Ngayon ko lang sya nakitang ganito na walang kalaban laban. Noong nabubuhay pa si papa ay hindi sya sinasaktan nito o ang sigawan. Pero ang lalaking ito na pinili nyang pakisamahan kesa sa akin ganito lang ang ginagawa sa kanya. Bakit ba nagkaganito si mama?

"Ma, nandito na ako. Kukunin kita sa hayop na yan."

"Hindi! Hindi mo makukuha sa akin si Jona? Bakit nagpakita ka pa ha? Pinalayas ka na di ba? Dahil wala kang kwentang anak! Malandi! Pokpok!" Tila wala sa sariling sambit ni Norman.

Akmang susugurin ni Atlas si Norman pero niyakap ko ang braso nya para pigilan sya. Madilim na madilim na ang kanyang mukha, umiigting ang panga at nanlilisik na rin ang mga mata sa galit.

"H-Huwag Atlas. Baka tuluyan nyang diinan ang sakal kay mama." Nag aalalang sabi ko.

"O ano sige! Lumapit kayo ng tuluyan ko na ang babaeng to." Nakangising banta ni Norman.

"A-Ack! N-Norman di na ako makahinga!" Daing ni mama.

"Mama!"

"Tumahimik ka! Talagang tutuluyan kita!" Asik ni Norman kay mama sabay bunot ng balisong sa bulsa ng likurang pantalon.

Lalo naman akong nagpanic pati na rin ang mga taong naroon.

"Tumawag na kayo ng baranggay dali!"

"Anong baranggay? Pulis na ang tawagan nyo."

"Sige! Tawagin nyo na ang kahit sino! Hindi ako natatakot! Mga pakialamero kayo!" Sigaw sa amin ni Norman. Lalo pang nanlisik ang kanyang mga mata.

"Norman parang awa mo na please! Pakawalan mo na si mama." Naiiyak na pakiusap ko na sa kanya.

Pero dinuro lang nya ako ng balisong na hawak nya.

"Isa ka pa! Tumahimik ka! Kung ayaw mong idamay kita!"

Tuluyan na akong naiyak sa takot at pagaalala kay mama. Humarap si Atlas at hinarang ang malaking katawan sa akin at marahan nya akong tinulak paatras.

"A-Atlas si mama." Umiiyak na sabi ko.

Hinawakan nya ang pisngi ko at hinaplos. "Ako ng bahala dito sugar. Doon ka muna sa bandang malayo baka mapano ka pa -- ugh!"

Namilog ang mata ko ng makita si Norman sa likuran ni Atlas. Nakadikit ang kamay nyang may hawak na balisong sa tagiliran ni Atlas. Tila sinaksak din ang puso ko.

Tumingin ako kay Atlas. Nakatiim bagang sya.

"Pakialamero! Yan ang bagay sayo!"

Kitang kita ko ng hugutin ni Norman ang balisong sa tagiliran ni Atlas. Nanlamig ang buong katawan ko ng makitang may bahid na ng dugo ang matalim na punyal. Akmang ibabaon nya ulit ito sa katawan ni Atlas pero mabilis sya nitong siniko sa mukha. Napaataras si Norman. Kinuha naman iyong pagkakataon ni Atlas at hinawakan ang braso ni Norman na may hawak na balisong. Pinilipit nya ang kamay nito na ikinadaing nito. Nabitawan nito ang balisong. Sinipa naman iyon ni Atlas palayo.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon