chapter 3

587 18 2
                                    

After ng class namin, kabang kaba ako na lumabas ng classroom

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

After ng class namin, kabang kaba ako na lumabas ng classroom. Natatakot ako na biglang bumungad si ford, nakakatakot na at wala si ego para ipagtanggol ako.

"Bro see you sa court!" Sabi ni geo kay Trent..

What if sumama ako kay Trent? Para lang maiwasan tong ford na'to?..

Nung papalayo na si trent ay dali-dali kong sinundan to, wag sana manlang mapansin ni geo kundi talagang maniniwala sya na crush ko nga to.

Inakbay ko yung braso ko dito na hinayaan nya lang at naglakad lang sya. Parang walang pake.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni trent.

"Sasama ako" sabi ko Naman with confidence..

"Ha!? Sasama ka sa banyo!?"

Puta banyo pala punta neto.

"S-sa court, diba doon punta mo?" Tanong ko, ramdam ko na namumula yung pisngi ko.

"Oh, hintayin mo nalang ako dito sa labas" sabi nito at pumasok sa cr.

Pero ilang segundo lang nakakalipas may narinig akong mga babaeng nagtitilian sa ibaba ng building.

Dahan-dahan akong sumilip at doon nakita si ford... Kasama sila sean at billy.

Putangina lagot ako neto... Saan ako magtatago!???

"Uy tara na" naramdaman ko na may humawak sa braso ko.

"Ay, sorry" sabi ko dito at sumama sa kanya, todo tago naman ako sa likoran nito dahil pababa kami at nagtitilian mga estudyante.. shuta magkikita tong magkamukha nato..

Nang makababa na kami ay biglang dumeretso si trent sa pwesto nila ford, tangina lagot ako neto..

Binati ni ford si trent, di manlang ba sila nagtataka?

"It's nice to meet you trent" sabi ni ford...

Nagtatago parin ako sa likoran ni trent na parang tanga..

"Si raine ba yang nasa likoran mo?" Natatawang tanong bigla ni billy. Napalingon naman si ford sa likoran ni trent.

"Ohh.. so babe? Anong ginagawa mo dyan?" Sabi nito at ngumiti sakin, wala akong nagawa kundi ang lumabas.. di ko kayang harapin tong gago na to pero di ko din naman dapat takasan to.

"Anong babe? Diba hiwalay na tayo? Stop being delusional" sabi ko at crinoss ang braso..

"You're still the same sassy person i know... Pero watch our practice later love" sabi nito sakin. Super uncomfortable ng nararamdaman ko at ang trauma ko na makita ulit sya ay bumabalik.. Mahal ko parin sya, pero yung sakit di talaga mawala-wala, miss ko na yung ugali nya.. pero i need to move on, i need to stop loving him...

"Talagang manonood ako..."

"Thanks then-"

"Para kay trent..." Natahimik si ford na nakatingin kay trent na nagtataka.

hello stranger, bye my lover | sunki au |Où les histoires vivent. Découvrez maintenant