chapter 21

287 10 0
                                    

Sa wakas lunch break na, nag punta ako ng canteen since syempre don ako kakain.

Pero napatigil ako nang makita na isa nalang yung vacant seat, lahat kasi ng upuan dito apatan ang upuan. And sa sobrang malas kong tao yung natitirang seat ay katabi lang ni geo, and of course kasama nya yung mga kaibigan nya. Ayoko naman mag mukang kawawa kung sa sahig ako kakain.

Naglakad ako ng pasimple papalapit sa kanila,napansin naman yon ni geo kaya niyaya nya ko na umupo.

"Thank you ah" sabi ko kay geo. Nilapag ko na yung lunch box ko. Pag kabukas ko, wala yung meatloaf na nilagay ko. Pero may itlog at spam na nakalagay. Binago ata ni ford yung pagkain ko.

Di pa sila kumakain at patuloy lang sa pagkwe-kwento si geo, wala naman imik si trent at si dhian nakikisabay lang din.

"Kain na tayo!" Sabi ni geo at tsaka sumubo ng kanin.

"No thanks, i lost my appetite seeing that dry and lifeless beside you" sabi ni dhian na nakatingin lang sakin. Nanginginig sa galit yung mga kamay ko at parang gustong manampal.

"Ah ganon ba... Here, just drink this apple juice." Bigay ni geo sa kanya.

"By the way Trent, anong oras yung check up mo?" Tanong ni dhian. May pa-baby face pa sya eh muka naman syang gurang.

"3 pm" maiksing sagot ni trent.

"Samahan na kita bro, wala naman na kaming gagawin sa Bahay" sabi ni geo. Pero tumanggi lang si trent.

Ang dami pala ng dinagdag ni ford na kanin. Hindi ko manlang mauubos to.

"Trent... I've heard that na.... Liligawan mo daw ulit ako?" Pagkasabi palang ni dhian parang masusuka nako.

Pero parang nanghina din yung kalamnan ko ng biglang tumango si trent sa kanya.

Talagang talo nako, i expected this...

I expected this, wala naman akong laban.

"Congrats trent at dhian ah! Invite nyoko sa kasal ah!" Sabi ni geo, natawa naman si dhian. Nakakainis na talaga.

Nakakainis! Nakakawala ng mood!

Bigla nalang nag ring yung phone ko, video call pala to. Si ford pala.

Dali dali ko nang sinagot dahil baka kanina pa to nag ri-ring di ko lang naririnig.

"Raine, anong oras ulit dismissal nyo? "

" 2:30 pa, bakit?"

"Susunduin kita dyan mamaya ah"

" baka may pasok ka, wag na. kaya kong umuwi mag isa"

"No, i said that babawi ako sayo. May s-suprise din pala ko mamaya sa bahay nyo, syempre invited si shin at ego wag ka mag alala"

Hindi ako nakapag-salita for a second. Natatakot ako sa suprise nya, para kasing di sya sigurado.

"Ah ganon ba? S-sige.. kumakain pako, mamaya nalang"

Pinatay ko na agad yung call dahil sa napapansin kong nakatingin silang lahat sakin.

"Suprise? I am shocked that there's still a person suprising you. Sa itsura mong yan, yuck" sabi ni dhian. Di ko na kayang makapag pigil pa.

"Bakit? Wala bang nag su-suprise sayo? Ay kawawa ka naman" pag aasar ko sa kanya at binelat ko sya.

"Oh wait!- ikaw pala yung nang susuprise! Alam mo kung ano? Nang susuprise ka ng break-up! Diba? Iniwan mo sya para sa isa pang lalaki! What a shame to you ms. Dhian!" Nagulat silang tatlo sakin. I expected that stare from them, i expected they'll not treat me the same anymore after what i did. Pero anong magagawa ko? Why do i have a mouth when I don't speak on times i should be? Gusto ko naman ipagtanggol yung sarili ko.

hello stranger, bye my lover | sunki au |Where stories live. Discover now