chapter 7

410 6 0
                                    

May naririnig akong malakas na alarm sa tabi ko at doon ko na minulat yung mata ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

May naririnig akong malakas na alarm sa tabi ko at doon ko na minulat yung mata ko. 5 am na pala. Nakita ko si trent na naka higa parin at mukang masarap ang tulog. Di manlang sya nagising sa alarm at natutulog parin

Babangon na sana ako nang bigla nalang akong di makatayo, nakita ko na nakapatong pala yung braso at binti nya sakin.

Niyugyug ko sya ng kaunti pero di parin sya nagising.

"Trent.. bangon na" sabi ko dito ng mahina at dahan dahan na inalis yung nakapatong na braso nito sakin.

"Ihhhh.....! Gusto ko pa matulog..!!!" Malakas na sabi nito at tsaka ako hinila papahiga.

"Trent mala-late tayo nyan" sabi ko dito at doon lang nya dinilat yung mga mata nya at tsaka nya kinusot.

"Umaga na ba?" Sabi nito.

"Malamang, bumangon ka na. Hintayin mo ko gisingin ko lang sila" sabi ko at tsaka ako tumayo para puntahan sila shin at ego.

"Gising na ego shin at ego" sabi ko sa kanila at hinila ang kumot.

"Oo na.." sabi ko at tsaka ako tumayo, nakita ko si trent na nakatayo na at sinuot ulit ang sweater.

"Baba na tayo, kaya nila yan" sabi ko at sumunod naman sya sa baba.

Pagbaba namin ay nakita ko sila mama at yung kapatid ko na nasa kusina.

"Kuya!" Malakas na tawag ng kapatid kay trent. Binuhat naman yon ni trent at tsaka sya nakipag-kulitan dito.

"Kamusta kagabi? Walang ingay di tulad ng dati ah" Sabi ni mama.

"Pagod po kasi kami kaya naka tulog na agad" sabi ko.

"Kamusta ka naman ford?" Tanong ni mama kay trent

"Ayos lang po" sabi ni trent.

"Si ego at shin nasaan?" Tanong ni mama. Saktong bumaba silang dalawa at naupo agad.

Naupo ka kaming lahat ng tawagin kami ni mama para mag almusal na.

"Bukas ijo dito ka uli matulog, walang pasok bukas" Sabi ni mama.

"Sure po, pwede po ba kasama ko kaibigan ko?" Tanong ni trent. Lord di bako mauubusan ng problema

"Oo naman!" Sabi ni mama.

"Yehey! Sila Kuya billy miss ko po" sabi nung kapatid ko, habang si trent naman ay ninenerbyos dahil wala itong masagot dahil sa di nya kilala si billy.

"Di muna pupunta si k-kuya billy, busy sya" sabi ni trent kaya naman lumungkot ang muka ng kapatid ko.

"Eh sino isasama nyo?" Tanong uli nung kapatid ko.

"Secret!" Sabi ni trent kaya naman tumigil na sa pangungulit yung kapatid ko.

Pagkatapos namin kumain ay agad nadin kaming naghanda sa pag pasok. Ganun din si ego at shin.

hello stranger, bye my lover | sunki au |Where stories live. Discover now