chapter 13

315 4 0
                                    

Nagising ako dahil lakas ng alarm, ganon din si ford

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagising ako dahil lakas ng alarm, ganon din si ford. Bumangon ako at tsaka lumabas ng kwarto para syempre mag almusal.

"Bakit biglang ang init sa kwarto mo?" Bumaba na pala si ford na pinapawisan.

"Di ko na kasi mabuksan yung bintana ko kaya mainit"sabi ko naman.

"I'll fix it later" sabi nya.

"Wag na! Ayos lang!" Sabi ko dito.

"Pero maiinit, walang maayos na ventilation tapos walang hangin. Baka mamatay ka don" sabi nito. Pero pinag pipilitan naman nya na ayusin yon kaya wala nadin akong nagawa. Beside mukang gumagawa sya nang paraan para makabawi sakin. Pero parang may mali, parang mali yung nararamdaman ko... Bakit parang ayoko nito? Parang ayoko nang nararamdaman ko? Bakit parang pinipilit ko nalang na makipag-balikan sa kanya? Parang di ko naman na nararamdaman yung kagustuhan ko na makipag-balikan sa kanya katulad ng dati? Bakit parang wala naman talaga akong nararamdaman?

"Aalis pala ako, sasamahan ko si shin at ego sa school" sabi ko. Tumango naman sya.

Nag ayos nadin ako pagka-tapos kumain. Umalis nadin ako ng bahay.

Habang nasa hintayan ng jeep, nag ring naman yung cellphone ko at si geo pala yung tumatawag

"Raine kailangan kita! Si trent walang kasama at inaatake nanaman ng sakit nya! Di ako maka punta kasi busy ako ngayon! Pwede ba na puntahan mo sya?"

" Saan sya ngayon?"

"Nasa bahay lang sya! Malapit lang sya sa inyo diba?"

"Sige pupunta nako"

Pinatay nya na yung call kaya umalis nadin ako. Ito na ba yung dapat maging handa ako? Kung ano man yung nararamdaman nya please sana matapos na yon.

Pag punta ko sa tapat ng bahay nila ay binuksan ko na agad yung pintuan. Hindi ko nakita si trent kaya naman nag punta ako ng kwarto nya, doon ko nakita na nasa banyo pala sya ng kwarto. Nag susuka sya na naka-upo sa sahig.

"Trent! Anong nangyayari sayo!?" Tanong ko sa kanya dahilan para lumingon sya sakin.

"W-wala. S-si geo? Nasaan?" Tanong nya.

"Please trent anong nangyayari sayo!?" Naiiyak nako dahil sa sobrang pag aalala na nararamdaman ko. Yung pangamba dahil sa baka di ko na sya makita pa.

"Normal lang to sakin, wag kana mag aalala..." Sabi nya at nagawa pang ngumiti sakin. Tinulungan ko naman syang maka tayo at dinala sa kama.

"Please ano bang nangyayari sayo?" Nanginginig ko na tanong sa kanya dahil unti unting bumubuhos yung luha ko. Di ko mapigilan na matakot.

"Sasabihin ko sayo pag gumaling ako. Promise" sabi nya. Natatakot ako sa mga pangako na alam kong 50/50 ang chance na magkatotoo.

"Sana malaman ko pa" pabulong kong sabi habang mahigpit na hawak ang palad ni trent. Hinihimas ko ito para mabawasan yung takot at kaba ko.

Sana naman di ganon kalala yung sakit nya, ayoko na may mawala pa sakin dahil lang sa wala silang pake.

"Raine.... Paano kaya kung gumawa ka ng bucket list nating dalawa? As in tayong dalawa lang" nagulat naman ako dahil first time kong may mag aya sakin na gumawa ng bucketlist. Masaya sa pakiramdam na at the same time nakakalungkot din. Nakakalungkot dahil baka di namin magawa ng nasa bucketlist.

Kinuha ko yung isang notebook sa bedside table nya at doon ako nag sulat ng mga gusto kong gawin kasama sya. Yung mga wishes ko at mga goals ko.

My bucketlist
1. Decorate the special place
2. Have a birthday celebration with my friends
3. Go to Baguio to get strawberry
4. Go to a amusement park
5. Face my fears.
6.graduate with high honors

Pagkatapos ng akin ay binigay ko naman yung notebook sa kanya.

7. Gumaling sa sakit
8. Hintayin sya
9. Grumaduate

"Wala nakong maiisip. Okay na yung sayo" sabi nya at binalik sakin yung notebook

Medyo nasaktan ako pagkabasa ng eight list nya. Bat ba kasi sya umaasa?

hello stranger, bye my lover | sunki au |Where stories live. Discover now