chapter 20

321 10 0
                                    

Biglang pumasok sila shin at ego sa kwarto ko, mga naka ligo na ata at matutulog na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Biglang pumasok sila shin at ego sa kwarto ko, mga naka ligo na ata at matutulog na.

"Ford ihatid mo kami bukas ah" pasimpleng sabi ni ego kay ford. Wait? Mag ka-away tong dalawang to ah.

"Sure..." Sabi ni ford.

"Bat umiiyak ka? Yung mata mo oh!" Sabi ni ego at tinuturo yung mata ko.

"Wala lang yan!" Sabi ko sa kanya at iniwas yung muka ko.

"Wala lang? Di ka magaling mag sinungaling. Alam kong umiyak ka! Ano nga yung dahilan!" Pangungulit ni ego sakin,bat kaya di nya gayahin si shin na tahimik lang.

"Sige na nga! Nag punta kami ng bar tapos yon-"

"Nagpunta ka ng bar!? Sino kasama mo!? Si trent? Si geo!?" Sunod sunod na pagkakatanong ni ego.

"Oo, tsaka yung ex nya. Niyaya kami nung babae tapos isang baso lang ininom ko. Then naligaw ako nung babalik na sana ako ng pwesto namin, tapos nakita ko yung mga kaibigan nung ex ni trent at pinilit nila kong sumama sa kanila. Sabi ko ayoko tapos..."

"Tapos ano? Nakakabitin ka teh!"

"Tapos dumating si trent, nag away sila nung ex nya tapos sabi nung ex nya na ang baduy ko daw,dry,pangit at mukang walang tatay"

Natahimik bigla si ego at parang gulat na gulat sa narinig, ako din naman ganon ang naging reaksyon nung narinig ko yon.

"Putang ina non ah! Gago ba sya!? Baka sarili nya tinutukoy nya! Apaka gago!" Sunod sunod na pagkakasabi ni ego.

"Easy easy! To naman ma hi-highblood agad!" Pagpigil ni shin kay ego.

"Hayaan mo na sya, she just don't know my whole life kaya ganon sya nagsalita. She's not in my place kaya hindi nya yon maiintindihan. And i understand that, i understand that people will judge you because of how you look, and not the way you act" sabi ko sa kay ego. Pero niyakap nya lang ako bilang response.

"Bat kasi ang hilig mong tanggapin lahat? Lahat nalang hinayaan mo, lagi mo nalang nililimot.. hindi ka marunong gumanti kaya nasasaktan ka lang" parang iiyak na sabi ni ego sakin na patuloy parin sa pag-yakap sakin.

"Tinatanggap ko kasi totoo.. hinahayaan ko kasi walang point kung lalaban ako, kung sa una palang talo nako. Hinayaan at tinatanggap ko kasi wala akong choice at yun naman yung dapat."

Tuluyan na ngang napa-iyak si ego sa mga braso ko. Sya yung pinaka nasasaktan at naiinis pag may nangyayari sakin, ganon din pag may magandang nangyayari.

"Feeling ko tuloy hindi mo kami deserve" he said between his sobs.

"Ang oa mo ego! Napapaiyak nadin tuloy ako!" Sabi ni shin na kanina pang nasa likoran ni ego.

Tumingin ako kay ford, pero naka-ngiti lang to sakin. Tinutulungan ko na wag umiyak sa harapan nya, pakiramdam ko kasi talo nako pag umiyak ako sa harapan nya. Hindi naman kasi ako umiyak dahil sa sinabi ni dhian, naiyak ako kasi kitang kita ko sa mga mata ni trent na wala nakong pag asa sa kanya, na parang sinasabi nung mga mata nya na 'talo kana, wag mo nang subukan pa" parang sinasabi nung mata nya na sumuko nako.

hello stranger, bye my lover | sunki au |Where stories live. Discover now