chapter 23

305 6 0
                                    

1 month ago...

Trent pov:

"Trent, you should drink this if you want to recover. Baka lumala yung sakit mo, you know your mom might sue me" ang sabi ng doctor mahaba pa naman, kaso bakit parang minamadali nyako.

"I drink it three times already, di pa ba sapat yon?" Iritang sagot ko sa kanya.

"Kaso hindi ka naman kumakain ng tama, alam mong kasama yon sa paraan para gumaling ka diba!?" Nagagalit na sabi ng doctor.

"What's the purpose of drinking that fricking medicines when i know it's gonna relapse? Wala ding silbi! Kaya hayaan nyo nalang lumala yung sakit ko! Tutal sa kamatayan lang din naman punta non diba! Imbis na i-enjoy yung buhay ko habang andito pa ko puro higa nalang ginagawa ko every weekend!" Padabog kong sabi.

"You're still lucky that you can go to school sa ganyang sitwasyon mo!" Sabi ng doctor. So ano? Gusto nyang isipin ko na maswerte parin ako? Anong swerte to? Yung alam ko na malapit nako mamatay?

Umalis ito ng kwarto ko. Pumasok naman si mama, lumuluha sya. Bakit ba kasi hindi nalang nila ko hayaan? At bakit ba kasi sila parin mag de-desisyon ng future ko kung gagaling ako? Malapit nako ma engage kay dhian. Noong una pumayag ako, kasi gusto ko sya, mahal ko sya.

Pero nagulo ang lahat ng Makita ko si raine, pinakita nya sakin na lumaban ako, kaso alam kong talo ako kung mananalo man ako sa sakit ko, dahil sa hindi ko sya maipapaglaban... So it's better to die than sacrifice myself on dhian.

Sa tuwing naalala ko na pinipilit kong sabihin sa sarili ko na wag akong magkakagusto kay raine, parang natatalo ako.

"Anak, why can't you just do what the doctor said? It's on your own good" sabi ni mama. Sa akin ba talaga o sa kanya?

"Even if i did, anong purpose? Alam mong ayoko pa ma-engage." Sabi ko sa kanya.

"Mahal mo sya anak-"

"Ma, hindi na, ayoko na... Ayoko na ma, pagod nako!" Sabi ko sa kanya.

_

Present time.

"Ma! Papasok na ko!" Paalam ko kay mama, binaon ko nalang yung mga tirang handa kahapon, Hindi ko na syempre nalimutan.

Nang nasa school na ko ay nakita ko si geo sa labas, wala syang kasama, sya lang mag isa.

Hindi ko sya nilapitan dahil sa alam kong magagalit lang yon sakin.

Pag pasok ko nang classroom ay andoon pala si trent at dhian, pero silang dalawa lang nandon kaya sobrang weird.

Umupo nako at tsaka nilabas yung textbook para mag review.

"Gosh, apaka bookworm naman nito. No wonder walang nagkakagusto sa kanya" narinig kong bulong ni dhian. Pero di ko na hinayaan na i-absorb pa yon ng katawan ko, ayoko na tanggapin yon since wala naman akong magagawa.

"Oh wait! How was your birthday?" Tanong sakin ni dhian.

"Masaya, mhh.... Maraming bisita, then nakipag kwentuhan ako sa mga kaibigan ko... It was fun yesterday" sabi ko sa kanya,kaso natawa lang sya.

"Fun? Seriously? Sa tingin mo maniniwala ako? You still looked sad" Sabi nya na natatawa.

"Im sad kasi naawa ako sa katulad mo. Wala kasing nampupuri sayo at siguro ang lungkot ng buhay mo kasi walang pumapansin sayo.. attention seeker-"

Bigla nyakong hinampas ng textbook ko sa muka, ano ba kasing problema ng babaeng to? Bakit ba galit na galit sya sakin?

"me, attention seeker? Baka Ikaw!" Hindi ko sya pinansin, ayoko na makipagtalo sa taong to. .

"Dhian! Ano bang problema mo!? W-wala naman syang ginagawa sayo diba? Bakit hindi ka nalang manahimik!?" Sumabog na si trent at pinigilan si dhian.

"So ano? Pinagtatanggol mo to? Ha!? Akala ko ba ako lang!? Pero bakit!" Pinaghahampas nya si trent sa ulo at simuntok nya pa sa tiyan, ayokong tignan dahil ayokong magkaron ako ng pakielam.

"Nakaka-bwisit ka! Bwisit ka!" Patuloy na pag hampas ni dhian kay trent.

"Dhian! How dare you!" Kaso may dumating na isang matandang babae, hinila nya si dhian kay trent na nagtatakip ng notebook para hindi mahampas pa.

"T-tita, he did it..." Biglang turo sakin ni dhian. Walanghiya ba sya!?

Umiiyak pa si dhian para magmuka lang totoo.

"I see it all on my own eyes! Wag kana magsinungaling pa!" Sabi ng babae.

Habang nag sisigawan yung babae at si dhian, nakita ko si trent na hawak hawak yung tiyan.

Lumapit ako sa kanya.

"Ayos ka lang ba? May nararamdaman ka ba?" Tanong ko sa kanya

"Masakit... Ang sakit... Hindi ko na kaya, raine...." Paghawak ni trent sa kamay ko. Bigla nalang tuloy akong natakot, natatakot ako...

Nang biglang mawalan ng malay si trent, hawak hawak nya yung kamay ko... At nararamdaman ko na nanginginig ito..

"Trent... Gising, trent!" Palakas ng palakas yung sigaw ko habang inaalog sya.

Doon lang tumigil yung dalawa..

"Trent.. anak!" Sabi nung babae. Dali daling lumabas si dhian para humingi nang tulong.

hello stranger, bye my lover | sunki au |Donde viven las historias. Descúbrelo ahora