chapter 10

326 7 0
                                    

"Uuwi nako, thank you for bringing me in this place" sabi ko habang naka-ngiti sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Uuwi nako, thank you for bringing me in this place" sabi ko habang naka-ngiti sa kanya. Tumango naman ito at tsaka tumayo.

Nang papalayo nako sa kanya, may naririnig akong parang pang-hihina mula sa malayo. Nang liningon ko ito, doon tumambad si trent na naka upo sa damuhan, hawak hawak ang kanyang tiyan at nahihirapan.

Tumakbo ako papalapit sa kanya para tanungin sya kung ano ang problema. Pero lumalakas lang lalo ang sigaw nito na may luha.

Agad ko siyang dinala sa ospital, kaso di ko kilala ang mga magulang nya at di ko din makita yung cellphone nya. Pero naalala ko si geo..

Bumalik ako ng school at andoon parin sya.

" Geo!" Sigaw ko ng malakas at tsaka to lumingon.

"Anong problema!?" Tanong nya.

"S-si trent, hindi ko alam pero sinugod ko sya sa ospital!" Sabi ko naman, agad agad syang tumakbo papunta ng ospital. Naiwan pa yung bag nya na di ko na inabalang kunin dahil sa madaling-madali nako.

Pag dating namin sa ospital ay di na kami pinapasok ng mga doktor dahil daw may gagawin sila.

Sobra akong nagtataka, paanong bigla nalang magkaganon si trent. Bago kami dumating don ayos pa sya.

Nararamdaman ko na yung luha ko na tumutulo, alam kong malakas ang iyak ko pero tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

"Hindi pa pwede.... Hindi..." Naririnig ko si geo sa tabi ko na umiiyak narin.

"Anong hindi pa pwede?" Tanong ko dito, nilingon nyako pero hindi sya nagsalita.

Anong hinde pwede?

"May di ba sinasabi si trent sakin? Sagutin moko!" Sabi ko dito pero di nya parin ako sinasagot. Parang masama ang kutob ko na may tinatago silang dalawa sakin.

"A-ayokong ako pa magsasabi sayo... Si trent ang pwede lang magsabi sayo" sabi nya.

Lumabas na ang doktor at agad naman sya nilapitan ni geo. Pero nag so-sorry ito ng malala sa galit na doktor.

"Pwedeng malagay sa panganib si trent! Pero anong ginawa mo? Sinuportahan mo pa sya sa kakulitan nya! Ikaw yung inaasahan ko pero hindi mo manlang nabantayan!" Malakas na sabi ng doktor kay geo na mukang takot na takot. Di nako nagpaligoy-ligoy pa at tsaka ko sila nilapitan.

"Ano po bang problema kay Trent?" Tanong ko sa doktor.

"Raine si trent na magsasabi sayo, kami na bahala ni doc" sabi ni geo.

"Oo ijo, si trent na magsasabi sayo" sabi nung doktor. Nakakainis ayaw nilang sabihin sakin!

Pumunta ako sa kwarto ni trent at doon ko sya nakitang naka-higa, nakadilat parin sya at ngumiti sakin. Dahil don ay bumuhos ang luha ko dahil sa pangamba.

"A-ano ba kasi problema mo!?" Malakas na hagulgul ko sa kanya na tinawanan nya lang.

"Malalaman mo din, wag kana mag alala ayos lang ako." Sabi nya. Pero sa mga ngiting yan alam kong may pangamba dahil sa tono ng boses nya na walang kasigaruduhan.

"Sabihin mo na kasi! Ano nga problema mo! May sakit ka ba!? Ang Sabi ni geo di padaw pwede" sabi ko dito na tinawanan nya ulit.

"Minsan may mga bagay na dapat hintayin mo muna bago mo malaman... Para handa kana Kung ano man yung malalaman mo" sabi nito na hinimas-himas ang likod ko.

Hindi 'ko maintindihan pero lagi nalang akong may pangamba tuwing kasama ko sya, lagi nalang may "paano" sa isipan ko tuwing magsasalita sya.

"Pero paano kung hindi ako maging handa?" Tanong ko dito habang pinupunasan yung luha ko

"Dapat maging handa ka. Dapat lagi kang handa sa mga bagay-bagay na mangyayari." Sabi nito na for some reason, it gives me chills.

"Kung magiging handa ka, hindi kana mangangamba pa o matatakot kasi handa kana..." Sabi nya. Paulit ulit sa utak ko yung "hindi kana mangangamba" dahil palagi nalang akong nangangamba sa mga bagay bagay na pwede kong malaman.

-

Minsan talaga magulo ang mga pangyayari sa buhay ko. Hindi ko alam kung anong dahilan bakit sya naospital o di kaya kung bakit nya sinasabi na dapat handa ako at maghintay. Pero kahit ganon, atleast sigurado ako na may hihintayin ako.

hello stranger, bye my lover | sunki au |Where stories live. Discover now