chapter 11

316 6 0
                                    

2 days later

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

2 days later...

"Thank you po" after kong bumili ng tinapay sa bakery malapit samin ay umuwi nadin naman ako kasi malamang naghihintay yung kapatid ko.

Pag dating ko sa harap, may nakita ako na isang naka usling papel sa ilalim ng gate namin. Pinulot ko naman iyon at tsaka ako pumasok sa loob.

Pag pasok ko ay nilapag ko na yung tinapay at umakyat sa taas para basahin yung papel.

Pag bukas ko dito ay may nalaglag na isang kwintas na may cresent moon na design. Di ko maiwas mamangha dahil sa ganda nito, may note na nakasulat kung saan nakalagay yung kwintas kaya naman binasa ko na.

"Ingatan mo yan... Suotin mo pag gusto mo... Kung aalis ako, atleast ma-aalala mo padin ako.."

Maiksi lang ang nakasulat pero parang ang dami pang gusto isulat nung nag bigay. Tinago ko nalang yung note at kwintas sa drawer ng lamesa ko.

-

Umaga nanaman. Papasok nanaman ako tapos pag uwi ko parang isang kisapmata lang na nasa bahay ako tapos nasa school na ulit.

Umalis nadin naman ako ng bahay. Di ko alam pero sobrang excited ko ngayon. Pero ang alam ko lang papasok na si trent kaya naman kahit tinatamad ako syempre papasok parin.

Pag pasok ko ng classroom ay andoon na si geo at trent. Naka upo sila don as usual tapos maingay.

"Raine!" Sabi ni trent at umupo naman ako sa tabi nila.

"Ayos kana ba?" Tanong ko kay trent, tumango naman ito at patuloy na nakipag kulitan kay geo.

Hopefully kung ano man ang sakit nya sana gumaling na sya.

Nagsimula na ang klase kaya naman tumahimik na kami.

-

After ng klase ay nagsi-uwian na kami dahil exam lang naman ginawa namin.

Pumunta muna ako sa special place.

Umupo ako at tsaka tinignan yung view sa malayo, ang ganda ganda.

"Pa share naman ako" narinig kong may nagsalita kaya pag lingon ko ay nakita ko si trent na naka-ngiti. Umusog naman ako para bigyan sya ng space.

"Trent.... Sa tingin mo, tama ba na makipag-balikan ako kay ford?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti ito sakin bago sumagot.

"Katulad ng sabi mo sakin. Kung makikipag-balikan ka sa kanya, tagal nalang ng relasyon nyo pinang hahawakan mo. Pero Kung makikipag-balikan sya sayo ibig sabihin sincere na sya."naalala ko tuloy bigla yung una namin pag uusap ng matagal. Yung sinabi ko sa kanya, yung mga salitang alam ko sa sarili ko di ko magagawa.

"Pero kung gusto mo sya, kung Mahal mo pa sya. Then go, kung pakiramdam mong tama ang desisyon mo then why not take the risk?" Sabi nya. Parang nakakahiya na sa kanya pako nagtanong eh alam ko naman na parehas kaming hopeless pag dating sa pag ibig dahil parehas kaming iniwan.

"Ang corny lang isipin na gusto ko pang makipag-balikan don" natatawa kong sabi.

"Mas corny sakin, iniintay ko pa sya pero may iba na" sabi nya naman na mas malakas ang tawa.

hello stranger, bye my lover | sunki au |Where stories live. Discover now