chapter 15

293 18 0
                                    

Naka higa ako ngayon sa sofa sa kwarto ni trent, kahit na sinabi nya na pwede akong tumabi sa kanya hindi ko magawa

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.

Naka higa ako ngayon sa sofa sa kwarto ni trent, kahit na sinabi nya na pwede akong tumabi sa kanya hindi ko magawa.

Im sure na bukas na bukas andito na yung babaeng pinaka-hihintay nya. Yung tunay na mahal nya.

Why do i think negatively? Bakit kaya di ko maisip manlang na may may naghihintay din sakin pero sa iba ako naghihintay. Sinasayang ko lang yung chance na makipag balikan ako sa kay ford kasi lagi kong iniisip si trent na alam kong di naman ako gusto.

Napa buntong hininga ako dahil naguguluhan ako, ang gulo-gulo ng magiging desisyon ko.

"Di kadin makatulog?" Narinig ko si trent. Bumangon pala sya.

"Oo eh" sabi ko dito. Tumayo ito at tsaka sinuot ang tsinelas at lumapit sakin, umupo ito sa tabi ko at isinandal ang ulo sa braso ko.

"Gusto ko na agad gawin yung nasa bucketlist" matamlay na sabi ni trent. Nilaro-laro ko naman yung daliri ko at nag iisip kung anong isasagot sa kanya, kasi sa totoo lang nanghihinayang ako sa bucketlist eh.

"Gawin natin yung nasa bucketlist bukas ah" sabi nito at naka-ngiti

"Alin don?" Tanong ko

"Idecorate natin yung special place!" Sabi nya. Ngumiti naman ako at tsaka tumango.

The next day...

Nagising nako at nakita si trent nasa banyo, nag sisipilyo ito. Alas-otso na pala. Bumangon nadin ako at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa kusina at naramdaman ko naman na sumunod nadin sakin si trent.

"Anong gusto mong almusal?" Tanong nya sakin.

"Itlog nalang, di ako masyadong gutom" sabi ko dito.

"Ang konti naman, dagdagan naten ng ginisang sitaw" tumango nalang ako kasi nahihiya din ako eh.

Pinapanood ko lang sya mag-luto. Naalala ko si papa tuloy. Dati dati sya lagi nagluluto ng almusal hanggang hapunan, masarap sya magluto. Na mi-miss ko na nga sya eh, kung di lang sana sya nagloko edi sana may kinikilalang ama pa yung kapatid ko.

4 years ago, nabuntis uli si mama, nasa second year highschool palang ako non. Sobrang saya namin ni mama dahil may kapatid nako. Kaso iba yung naging reaksyon ni papa, naging mainitin ang ulo nya sakin lalo na kay mama. Nagtataka kaming pareho ni mama non pero hinayaan ko nalang. Pero isang araw nag away sila ni mama, hindi ko nakita si papa sa huling pagkakataon dahil nakikinig lang ako sa kanila. Doon ko din nalaman na may ibang asawa si papa at mas pinili nya yon kesa samin. Ang masakit pa nito di nya na kami sinutustusan ni mama kaya nagpaka-baba kaming pareho para lang may pang kain sa aming tatlo. Ang dami naming mga masasakit na salitang narinig at mga kung ano ano pa. Hindi man pinapahalata ni mama na iniinda nya lahat ng mga sinasabi ng iba, alam kong nasasaktan sya at ako.

Natapos na pala mag prepare si trent kaya kumain na kami.

Thank you so much for reading this chapter^-^

Vote nyo na to^-^

hello stranger, bye my lover | sunki au |Där berättelser lever. Upptäck nu