chapter 18

298 3 0
                                    

Nag punta na kami ng campus and Hindi naman kami naligaw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nag punta na kami ng campus and Hindi naman kami naligaw.

Masaya pala kasama si alex eh. Talkative, had alot of things to talk about na parang di na mauubusan ng topic, i like people who talks alot dahil gusto kong nakikinig.

"Ano palang hobbies mo?" Tanong sakin ni alex.

"Umm... Reading lang, ganon. Wala kasi akong hobbies since andyan naman mga kaibigan ko" Sabi ko.

"Dagdagan natin! Pwede ka mag sulat tutal nagbabasa ka ng mga libro, or di kaya mag journal. Diba exciting pag marami hobbies kang gagawin!" Masiglang sabi ni alex.

"Siguro. Pag may free time magsusulat ako" sabi ko dito.

Tumango naman ito bilang pagsang-ayon sakin.

Umupo muna kami sa isang bench para mag pahinga, halos 30 minutes na ata kaming naglalakad-lakad dito.

"Nakakahingal" sabi ni alex na naghahabol ng hangin.

"Salita ka ng salita eh, edi mas napagod ka" sabi ko dito at natatawa.

"Tinatawanan mo pako eh n-nahihirapan na nga yung tao" naka ngusong sabi nito na mas lalong nagpatawa sakin

Tumahimik bigla si alex at may tinignan na direksyon, tumingin din ako at nakita sila geo,trent at dhian sa isang malayong bench. Malayong-malayo sa kinauupuan namin. Bumalik nanaman tuloy yung sakit na nararamdaman ko at yung inggit ko para sa kanilang tatlo. Sila naman kasi talaga yung totoong trio, napalitan ko lang ng maiksing panahon.

"Close talaga sila?" Tanong bigla ni alex sakin.

"Hindi ko alam..." Sabi ko dito at nagkunyaring hindi ko sila ka-close.

Naririnig kong tumatawa si trent, pero yung tawa nya parang hindi totoo. Pero ano bang pake ko? Hayaan ko nalang dapat sila, kasi sino ba ko?

"Ang awkward naman ng tawa nila" sabi ni alex kaya natawa narin ako, ewan ko ba kung bakit ko pa sila pinapansin.

"Kaya nga, ang peke..." Sabi ko naman dito.

Tumayo na sila geo,dhian at trent at akmang maglalakad sa direksyon namin, hinayaan ko lang sila since nagsasalita nanaman si alex non-stop.

Naglakad sila sa harapan namin at nakita kong naka-tingin sakin si trent, ang lalim ng pagkaka-tingin nya sakin. Ang lungkot ng mga mata nya habang si dhian ay nakayakap sa mga braso ni trent.

"Sandali lang... Si raine yayain din natin, geo said kaibigan nyo sya diba?" Then they stopped on walking. Naglakad pabalik saamin si dhian.

"Do you wanna join us? Sa bgc! Let's have fun!" Bgc? Di nga ko sanay sa crowded places eh. Kaso ang harsh kung tatanggi ako.

"Umm... Sure...? P-parang di naman ako bagay sa trio nyo, baka maging pabigat ako ganon" sabi ko kay dhian na may ilang na ngiti. Ang weird naman kasi bat isasama ako.

hello stranger, bye my lover | sunki au |Where stories live. Discover now