chapter 12

322 7 0
                                    



"Pag uwi ko ng bahay ay di ko nakita si mama

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

"Pag uwi ko ng bahay ay di ko nakita si mama. Pero buti nalang ay di umaalis ng bahay yung kapatid ko.

Umakyat ako ng kwarto para mag-bihis.

Nanood ako ng tv after kong mag bihis dahil pagod na pagod din ako.

Habang nanonood ng tv, narinig ko na may kumakatok. Tumayo agad ako at tsaka binuksan yung pinto.

Sa pag aakalang si mama, si trent pala. Ngumiti naman ako dito at tsaka sya pinapasok sa loob.

"Why are you smiling?" Tanong nito.

Syempre ikaw kasiyahan ko. Joke lang may hinihintay ka pa pala.

"Hey? Where's your sister? I brought something for her" sabi nito. Bat bigla nalang ang galing nya mag English? Ang weird naman non.

"Ah nasa taas natutulog" sabi ko dito. Tumango naman sya at tsaka nag punta sa kusina.

"Anong gagawin mo dyan?" Natatawang tanong ko dito pero tumingin ito sakin na nagtataka.

"Oh, tita didn't told you? Ako na muna daw bahala sa inyong dalawa kasi busy daw sya" Sabi nya. Probably hindi nga nya sinabi.

"Pasensya kana naabala kapa ni mama" sabi ko at nahihiyang lumapit sa kanya para tulungan sya sa pagluluto.

"It's okay, i like to help" he said smiling at me. Yung mga ngiting yan ang sarap tignan.

Tahimik lang kami na nagha-handa ng pagkain para sa hapunan. Pero ang eerie ng pakiramdam ko.

Nag ayos na kami ng kubyertos at tsaka bumaba nadin yung kapatid ko.

Binati naman ito ni trent at tsaka nya niyakap.

Habang kumakain, tahimik lang kami at muka syang naiilang na di mapaliwanag.

"San ka pala matutulog?" Tanong ko kay trent.

"Saan ba pwede?" Tanong nya.

"Sa kwarto ko, di naman bumisita si ego at shin Kaya maluwag" sabi ko dito, tumango naman ito bilang pag sang-ayon.

After namin kumain ay nilinis ko na yung pinag kainan namin at umakyat narin sa taas. Hinanda ko na yung kama para makapag-pahinga nadin ako.

Pumasok nadin naman si trent na nag hilamos kahit wala naman akong sinabi na kakaiba or komportable lang talaga sya?

Humiga na kaming pareho, pero kahit anong pikit ang gawin ko di parin ako dinadalaw ng antok.

Doon nanaman tuloy pumasok sa isipan ko Yung sinabi ni trent na dapat palagi daw akong handa.

Gusto kong itanong sa kanya kung anong gusto nyang ipaintindi sakin kasi ang gulo-gulo eh.

"Trent.... Ano bang ibig sabihin mo sa sinabi mo na dapat lagi kang handa? Ang gulo kasi eh" sabi ko dito. Ngumiti ito sakin at tsaka tumingin.

"You're really comfortable aren't you?" Nagtataka ako sa kinikilos at sinasabi nya na unusual.

" Di naman ako magaling sa English! Sagutin mo nalang kasi ako!" Inis na sabi ko sa kanya na tinawanan nya naman.

"You really don't know. Si ford to." Sabi nya sakin at doon bigla nalang gusto kong lamunin ako ng lupa.

Kaya pala ganon sya umasta kasi di pala sya si trent! Ang bobo mo raine bakit ganon!

"I-im sorry.. a-akala ko ikaw si trent... Im really sorry..." Sabi ko dito at tsaka ako napatayo. Parang gusto ko nalang mamatay, ito na ata pinaka nakakahiya ko na karanasan kasama sya.

"Why are you apologizing? It's okay" sabi nya. Kung sayo okay sakin hinding-hindi! Jusko gusto ko na mamatay!

"Im sorry, sorry talaga.. nakakahiya talaga" sabi ko dito pero unexpectedly hindi sya nag react o Kahit ano man, hindi sya nagsalita.

"I am slowly accepting that you're really becoming comfortable with him these past few days. I already accepted that I don't have any chance on you" sabi nya sakin. For some reason it hurts me, it hurts me dahil umaasa parin ako na mababalikan ko pa sya pero parang sya nadin yung gumagawa ng paraan para di kami mag balikan dalawa.

"No... Kung sincere ka i can give you a chance... Kasi umaasa parin ako na papatawarin pa kita... Alam kong Hindi na gagaling pa yung sakit na binigay mo pero kaya kong kalimutan yon" finnaly. Finnaly raine nasabi mo din Yung gustong gusto mong sabihin at kinatatakutan mo!

"Pero I don't trust myself anymore, kasi i already hurted you. I don't think i deserve a second chance" sabi nito

"Everybody deserves a second chance. Porket nagawa mo na di mo na mababago pa, alam kong Hindi pa huli ang lahat" sabi ko.

Sa pagkakataong to, naalala ko si trent. Yung sinabihan ko na kung makikipag balikan kalang kasi nanghihinayang ka sa pinag samahan nyo. Pero parang nawalan ng kwenta yung mga yon.

Parang mas masarap palang mag hintay kesa hindi. Kasi kahit na matalo ka man, atleast may nagawa ka at alam mong sinubukan mo.

Na mali pala sya sa isang bagay- yun ay ang hindi porket pinili mo pipiliin karin sa huli. Kasi Kung pipiliin mo sya sa tamang panahon, sya at ikaw nalang ang choice nya.

hello stranger, bye my lover | sunki au |Onde histórias criam vida. Descubra agora