Introduction

2K 55 2
                                    


Mag isa akong nagpunta sa fast food chain noon, nakatunganga lang ako habang iniinom yung natitirang soft drinks ko, when he came.

"Malungkot ka nanaman?"

Napaangat ang ulo ko para tignan ang nag salita, doon nakita ko ang isang lalaking abot tenga ang ngiti na kala mo walang inaalalang problema sa buhay. He looks familiar, oo tama siya yung katabi ko, ano nga ulit pangalan nito?

Umupo siya sa upuan sa harap ko then pumangalumbaba habang hindi pa rin inaalis ang ngiti sa labi niya, and as well ang pagtitig niya sakin na feeling ko ilang segundo nalang matutunaw na ko.

"Do I know you?" Kunot noo kong tanong.

"Hindi mo ko kilala?" Nakangiti pa rin siya, he's weird ha?

"Hindi ba obvious?" Pag susungit ko.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya.

"If that so, let me introduce myself,
Ross Evan Dale Nicklaus, Red for short. Your classmate since 3rd year until now 4th year highschool" Sabi niya nang nakangiti pa rin.

"K."  Walang gana kong sagot.

"Yes, Delilah Minah Lynch right?"

"Minah for short." I said.

Umiling iling naman siya.

"I want to call you Demi." He said still with a big smile.

Nanlaki naman ang mata ko.

"Demi?" Kunot noo kong tanong.

"Yes Demi." He said habang nakangiti pa rin. In fairness ang cute ng ngiti niya.

"why Demi?"

He chuckled.

"DElilah MInah, Demi, gets?" He asked.

Niloloko ba ko nito? May sayad ba to? Kanina pa hindi naalis yung ngiti. I was wondering hindi kaya nangangawit yung bibig niya kakangiti?

Umayos ako ng upo.

"May sayad kaba?" Deretsyahan kong tanong.

"Wala." Simple niyang sagot.

"Hindi tayo close, and you don't have the guts para bigyan ako ng nickname were not even friends remember?" I said.

"Then can I be your friend?" He asked then nilahad yung kamay niya.

"Seriously?" Kunot noo kong tanong.

"What?" Tanong niya habang nakangiti pa rin.

"Why me?" I asked.

"Why you?" Pagbabalik niya ng tanong.

"Yes, why me? Of all people bakit ako pa yung pinili mong kaibiganin."-Me.

"Because I like you." Nagulat ako sa sagot niya. He like what?

"I have to go." Tumayo na ko at kinuha ang bag. Tatalikod na sana ako when he hold my wrist.

"Wait, please I really like you to be my friend." He said. Tumingin ako sa kamay niyang hawak yung wrist ko. Binitawan niya naman agad.

"Make me convince then." I said then tuluyan ng umalis.

Hindi naman sa ayaw ko or papakipot ako. Basta. Ewan. Boys are complicated.

At isa pa, ayoko rin naman talagang mapalapit sa mga lalaki, ayokong mainlove, for me boys are always be boys, after kang pasayahin sasaktan at iiwan ka lang din niyan, of course except for my kuya.

By The Way magpapakilala muna ko. Ako nga pala si Delilah Minah Lynch, at ito ang mapaglaro kong buhay.

Playful SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon