57.Forget

554 31 3
                                    

Minah's POV

Pag dating ko sa condo ko. Nakita ko si mom na nakaupo sa couch.

"Anong ginagawa mo dito?" Cold na tanong ko.

"Okay ka lang?" Wow ha! Just wow! Kailan pa siya naging concern sa'kin.

I smile sarcastically.

"Kailan ka pa naging concern?"

"I'm just asking you if you're okay."

"Okay? Sa tingin mo magiging okay pa 'ko pag ta's nangyari? What the hell!"

Inis na sabi ko.

"Minah umayos ka! I'm still your mother."

"Sorry ha. Sorry kung ganto ako sa'yo. Hindi mo naman ako masisisi diba? You're not acting like a mother!"

"I'm just protecting you! Can't you understand?"

"Okay. Fine. You prove me wrong. You're right. End of conversation."

I said at tinalikuran na siya.

"Kumain kana?"

Paakyat na'ko ng hagdan.

"Wala 'kong gana." I said.

"Nagluto akong Adobo, nasa kusina lang."

Hindi ko na siya pinansin at tuloy tuloy nang naglakad papuntang kwarto ko.

Ayoko ng makipag sagutan sa kanya.

Napapagod na'ko. Pagod na pagod na 'ko.

~*~

Gabi na pero hanggang ngayon nandito pa rin ako sa kwarto ko. Yakap yakap ko 'yung unan ko. While my tears are falling. Ganto pala 'yung pakiramdam. Sobrang sakit.

May narinig akong kumatok sa pinto.

"Minah." I heard my mom's voice.

Tumalikod ako sa pinto at nag panggap na tulog. Naramdaman kong binuksan niya 'yung pinto.

Lumubog 'yung kama ko, umupo ata si mom.

Naramdaman ko 'yung kamay niya sa balikat ko.

"I'm sorry. Ginawa ko lang 'to para ma protektahan ka. Sana maintindihan mo 'ko."

Umiiral nanaman 'yung pag kaiyakin ko, pero wala 'kong ginawa kundi pigilan ito.

"Mahal kita anak." Naramdaman ko 'yung labi niya sa noo ko pati ang paglagay niya ng kumot sa katawan ko.

~*~

Nasa bar ako ngayon, sa Frenz bar. Hindi na'ko pumuntang ATM at baka makita ko pa siya.

Since hindi ako makatulog at umalis na si mom sa condo, so dito muna 'ko tatambay.

Umupo ako sa may stool.

"What do you want miss?"
Tanong nung bartender.

I rolled my eyes.

"Meron ba kayo diyan 'yung pwedeng mong kalimutan lahat. Lahat ng problema." I said sarcastically.

He laughed. That laugh. Nakakamiss 'yung tawa niya.

"Broken hearted?" Tanga pala 'to eh! Cute sana tanga lang.

"'Di ba obvious? Ang sakit nga diba! Puta! Kung sabagay ako lang naman nakakaalam ng nararamdaman ko." I said irritatedly

"Tss." Umiling iling siya.

Tumalikod siya saglit at may kinuha.

"Vodka." Inabot niya sa'kin 'yung isang glass.

Unfamiliar talaga 'ko sa mga gantong bagay lalo na't hindi naman ako madalas pumuntang bar.

Hinawakan ko 'yung glass.

"Matatanggal na ba ng inuming ito lahat ng sakit?"

"'Wala namang ibang makakatanggal ng sakit kundi 'yung taong mismong nanakit sa'yo."

Aba. Love adviser kaba kuya.

I pouted at tinungga straight 'yung vodka.

"'Di totoo 'yan noh! So ibigsabihin forever na'kong masasaktan dahil hindi na siya babalik sa buhay ko? Bigyan mo pa nga 'ko." I said at inabot 'yung baso ko.--ano 'to?

"Ano 'to?"

"Alak. 'Yung sobrang tapang. Pandalian mong makakalimutan 'yung sakit. Hindi na siya babalik? Sige ibahin natin, uhm... Hindi ka magiging masaya hangga't hindi mo nakakalimutan 'yung taong nanakit sa'yo ng sobra."

Tinungga ko ulit 'yon. Pwe! Ang tapang.

"Eh gago ka pala eh!  Akala mo ba gano'n lang kadali 'yun? Tangina! Mahal ko siya eh!"

I said at padabog na nilapag 'yung baso. Sineniyasan ko rin siya na bigyan pa 'ko.

"Kaya nga it takes time diba? Para makalimutan mo ang isang tao." He said bago siya kumuha ng bote ng alak sa ilalim. Sinalinan 'yung baso ko.

"Baka malasing ka niyan ha." He said.

I rolled my eyes.

"Wala kang PAKE!" I said bago inumin 'yung alak.

~*~

"Lagyan mo pa 'ko." Hindi ko alam kung ilang oras na 'kong nandito basta ang alam ko kanina pa 'ko nakatambay dito.

Medyo lumalabo na rin 'yung paningin ko. Anong nangyayari?

"Tama na kaya. Lasing ka na eh."

Hinawakan ko 'yung ilong niya gamit 'yung hintuturo ko at tinusok tusok.

"Ikaw lalake! Ha, Wala kang pake! Buhay ko 'to okay? Bigyan mo pa 'ko."

Sinalinan niya ulit ako.
Iinumin ko na sana nang biglang may umagaw ng baso ko.

Tumingin ako sa kanya.

"Kailan ka pa natutong uminom?"
He asked angrily.

I smiled.

"Kuya. Halika saluhan mo 'ko." I said with a smile.

"Tumigil ka Minah. Umuwi na tayo."
Hinawakan niya 'yung wrist ko at hinatak ako pero nagpabigat ako.

"Ugh!  Kuya! Nag e-enjoy pa 'ko eh."

"Minah! Makinig ka! Uuwi na tayo now!" Nakita kong may inabot siyang pera sa bartender na kausap ko kanina.

"Ayoko pa nga! Minsan na nga lang akong maging masaya pipigilan mo pa."

"Let's go!"

Playful SmileWhere stories live. Discover now