31.Swap

547 36 2
                                    


Minah's POV

It' been a long day.

Nilalaro ko lang yung ball pen ko habang naka pangalumbaba. Buti nalang last subject na namin to. Nakaka antok naman kasing magturo tong si Mrs.Dipuan.
Hanggang kailan ba ituturo sa'min yung history ni Florante't Laura? E 2nd year pa'lang pinag aaralan na namin yan e. Di maka move on?

"O' sige. Bukas na natin itutuloy ang susunod na kabanata."

Finally.

"Uwian na." Pag kasabi niya non. Inayos niya na yung mga gamit niya.

Pag kalabas niya. Parang mga hayop na nakawala sa lungga yung mga kaklase ko.

'Siguro bakla si Minandro.'
'Inlababo na yun kay Florante.'

Yan yung mga walang sawang kalokohan nila.

Inaayos ko na yung gamit ko, but I can't help but look at Red.

Pag katingin ko sa gilid wala na siya pati yung bag niya.

Nasan yun? Nilibot ko yung buong room.

Paran ewan. Di ko ma-explain yung feeling nang makita kong nasa last row siya. Sa pwesto ni Angela at hinihintay si Angela.

Okay back off na'ko.

Naglakad na ko palabas ng pinto.

"Demi uwi ka na?" Parang kumabog yung puso ko when I heard that voice.

Napalingon ako and there I saw him with Angela.

I smile.

"Yup." I simply said.

"Ingat."

Ingat? Yun lang? I was expecting na isasabay niya ko 'tas ingat lang?
I nodded and smile.

Tatalikod na sana ulit ako nang may tumawag nanaman sa'kin.

"Minah. Hintayin mo ko. Sabay na tayo. Hindi ko dala yung car ko e." Si Danica. Himala.

I smiled.

"Ge." I simply said.

~~~

Nasa loob na kami ng kotse ngayon.

I was driving habang nag kakalikot ng phone si Danica sa passenger's seat.

"Ano ka ngayon? Nganga." Biglang nag salita si Danica.

"Ha?" I asked habang nakatingin pa rin sa way.

"Nganga. As in OP ka sa kanila. Maaga pa'lang kasi binalaan na kita, but you still chose to be his friend. Ano ba namang laban mo kay Angela. His childhood crush slash best friend. Pati mga fans boto sa kanya."

Nag kunot noo ako when he said that. I'm not competing with her naman e.

"What are you talking about? Hindi ako na O-OP sa kanila. In fact friend ko na rin si Angela and I'm not competing with her."
I defend myself.

Pero wala naman talaga kong laban kay Angela e.

"Bahala ka basta ako hindi ako nag kulang ng paalala sayo." She said.

Paalala? Baka hindi ka nag kulang na i-down ako.

"Oh. We're here." She said. Nandito na kami sa labas ng bahay nila. Yes hinatid ko pa siya. Napaka gentle man ko diba?

Bumaba na siya.

"Thanks and Bye!" She said bago isara yung pinto.

Tss tss tss.

Playful SmileWhere stories live. Discover now