54.Truth

543 33 5
                                    

Minah's POV

Bumalik ako sa school. Hiniram ko sa driver namin 'yung isang susi ng kotse namin.

"Ma'am tapos na 'yung party. Wala na pong tao sa loob."

Salubong sa'kin nung guard ng school.

"Gano'n ba?" Hindi ko maintindihan 'yung luha ko. Na tulo pa rin ng tulo. Pinunasan ko agad ito.

"Ma'am may problema po ba?" He asked.

"No. No I'm okay." I said at tumalikod na para bumalik sa kotse ko.

~*~

Nandito ako sa tapat ng bahay nila ngayon.

I really wanna talk to him right now! Right at this moment.

Sumilip muna 'ko sa bintana.

I saw them. Nakita ko sila sa garahe na nagkakasiyahan. Should I?

Pinunasan ko muna 'yung luha ko bago bumaba.

Habang papalapit ako ng papalapit sa bahay nila mas lalo akong naluluha. Walang hiyang luha 'to!

Pinunasan ko ulit siya. Huminga ng malalim.

Pinindot ko 'yung doorbell nila sa gate.

"Coming!" Narinig ko 'yung boses ni Ren.

May tumulo nanaman kaya ko pinunasan agad.

"Oh Minah? What brings you here? Gabi na ha?" Ren asked after niyanf mabuksan 'yung gate.

"Si Red?" Agad kong tanong sa kanya.

"Sino 'ya-- Oh Minah? Gabi na ha?" Gulat na tanong ni Tita Raine after niyang makalapit sa'min at--at ang sakit nanaman. Nakita ko si Red. Si Red at tito Renz na gulat din akong nakita.

Please luha. 'Wag ka munang tumulo.

"Demi?" Gulat na tanong ni Red.

"Can we talk?" Agad kong tanong kay Red.

"Ngayon? Gabi na ha? Hatid na kita sa--" Hindi ko na pinatapos 'yung sasabihin niya.

"No. I want to talk to you. Rigt at this moment." Bigla kong umiwas ng tingin ng bigla tumulo 'yung luha ko. Agad ko itong pinunasan

"Demi. Umiiyak ka ba?" He asked worriedly. Habang papalapit sa'kin.

"What happened? Pasok ka na. Dito na kayo mag usap." Ate Rydel said

Pumasok naman ako.

Tiningnan ni Red 'yung family niya.

"Can you leave us for minute." He said tumango naman sila.

"Ayaw niyo bang sa loob na mag usap?" Tito Renz asked.

"Okay lang po. Dito nalang." I said. Tumango nalang siya at pumasok sila sa loob.

Tinapik pa ni Ren si Red.

After nilang makapasok do'n na tuluyang tumulo 'yung mga luha ko.

"Hey hey. Don't cry. Why are you crying?" Nag aalalang tanong niya sabay punas ng luha ko sa magkabila kong pisngi.

"Can I hug you?..for a while?"
Naiiyak na sabi ko.

Bigla niya 'kong niyakap. 'Yung sobrang higpit.

"Kahit for an hour, just don't cry." He said.

Sobrang higpit ng yakap ko sa kanya. Parang ayaw ko nang bumitaw. Natatakot ako. Natatakot ako na baka totoo 'yung sinabi ni mom. Sobrang natatakot ako.

Playful SmileWhere stories live. Discover now