5.Do I Know You?

876 38 6
                                    

Minah's POV

Pagdating ko sa School dumiretso agad ako sa locker ko para kunin yung book ko sa Algebra.

Bago ko pa mabukas yung locker may nakita ulit akong sticky note sa harap ng locker ko.

Kinuha ko agad ito.

~Hi Ms. Demi, sorry kung nakulitan ka sakin kahapon, peace na tayo ha? Smile :)~ yan ang nakalagay with emoji pa.

Tumingin tingin ako sa paligid and there nakita ko sa sulok si Red na nakatingin sakin then he smirk tas umalis na.

Napailing nalang ako.
Hay Red ang kulet mo talaga.

"Ehem!"

"Ay Oo Red!" Nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko wait? What? Anong sinabi ko.

"Hahahaha! Huli ka boy!"  Tawa ng tawang sabi ni Kathy.

Tiningnan ko siya ng masama
"Kathy naman eh." Inis kong sabi.

"What? You said Red! Confirmed, you like Red don't you?" She asked.

"Hindi noh!" I said habang kinukuha yung book ko sa locker.

"Really?" -Kathy.

"Yes." I answered kasabay ng pagsara ko sa locker ko.

"Mamatay ka man?" Pangungulit niya.

"Mamatay man buong tao sa Universe." I said at nagsimula ng mag lakad, pero hindi niya pa rin ako tinigilan at sinabayan pa kong maglakad.

"You hate him?"-Kathy.

"I hate boys." I answered.

"Boys are sweet." She said. Bigla kong huminto kaya napahinto rin siya tumingin ako sa kanya ganon din siya.

"Boys, boys are disgusting! Parang chewing gum lang yan, sa una lang matamis, kaya ang sarap idura, nakakasawa!" I said in sarcastic way at naglakad na ulit this time hindi niya na ko sinundan pero narinig ko pa siyang sumigaw ng medyo nakalayo nako.

"YOUR HOPELESS!" Narinig kong sigaw niya, whatever.

Dumiretso muna ko sa library tutal vacant naman namin ngayon.

Umupo ako sa isang table sa sulok at agad dumukmo, gusto ko ng katahimikan.

Makakatulog palang ako ng may marinig akong kaluskos sa harap ko, baka may dumaan lang.

Wait? Lumilindol ba? Bat parang magalaw yung table.

Bigla kong napa ayos ng upo at nagulat ako ng bumungad sa harap ko ang pinaka gwapong nilalang na nakilala ko, my ghaad Minah ano bang iniisip mo.

Hindi naman pala lumilindol, inaalog niya lang yung punyetang lamesa.

"Anong ginagawa mo dito?" I irritatedly asked.

"Bakit? Hindi na ba pwede madestino dito ang mga gwapo?" He asked ng nakangiti pa rin.

"Agghh, your disgusting!" Pasigaw na bulong ko.

Hanudaw? Pasigaw na bulong? May ganon ba?

"Thank you." He answered, puta baliw na ata talaga to eh.

"Are you crazy?"-Me. Mas lalo pang lumawak yung ngiti niya

"Yup, crazy for you." He said.

I rolled my eyes.

"Whatever, maka alis na nga." I said.

Tatayo na sana ko ng pigilan niya ko.

"Wait." Nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko.

Playful SmileWhere stories live. Discover now