29.Walang taste

514 34 2
                                    


Minah's POV

Nandito ako sa Roof top buti nalang walang tao. Habol habol ko yung hininga ko. Hindi ko alam kung dahil ba napagod ako o masikip talaga yung dibdib ko.

That last line I heard from them. Parang damang dama nila. Aagh. Just don't think about it okay? Don't.

"Sabi na nga ba andito ka e." Biglang kumabog yung puso ko when I heard that voice. Anong ginagawa niya dito.

Hindi ako lumingon. Pero umupo siya sa tabi ko.

Ilang minuto walang nag sasalita samin. Hindi rin ako makatingin sa kanya.

"Tahimik ka ata?" Pambasag niya ng katahimikan.

Hindi ko sinagot yung tanong niya.

"Si Angela?" Ewan ba't yun yung tinanong ko.

"Nasa green house." He said.

"Ba't iniwan mo siya don?"  I asked.

He laugh.

"Malaki na siya. Kailangan ba lagi niya kong kasama? She can handle herself thou."

Again. Katahimikan.

"Ba't umalis ka kanina?" He asked. Pati ba naman yun tatanungin niya.

"A-e w-wala. May inasikaso lang ako kanina."

Katahimikan.

"Galit ka ba?" Napatingin ako when he asked that. Nakatingin lang siya sa kawalan.

This guy is really nice. Ang gwapo niya. His figure. Nakakainis!

"Why would I?" I asked.

" 'La lang. Para kasing ang cold mo ngayon."

Umiwas na'ko ng tingin sa kanya bago pa siya matunaw.

"Wala lang ako sa mood."

Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumayo na siya.

Nagulat ako ng hinawakan niya yung kamay ko.

Butterflies not now.

"Tara sa Pizzaria?" Aya niya. Bagong bukas na tindahan ng pizza dito sa loob lang din ng school.

Inalis ko yung pag kakahawak niya sa kamay ko.

"Next time nalang. Wala talaga ko sa mood." I said.

"Tsk. Dali na. My treat." He said at inalok na yung kamay niya para tulungan akong tumayo.

"Fine." I said pero di ko tinanggap yung kamay niya. Sa halip ay tumayo akong mag isa. Ayokong masyadong ma-attach sa kanya.

~~~~~

Nasa Pizzaria na kami.

"Mahilig ka pala sa maanghang." He said habang nilalagyan ko ng hot sauce yung pizza ko.

I smiled.

"Yep." I simply answered.

Isusubo ko na sana yung isang slice ng pizza "Angela hate spicy foods." Napahinto ako when he said that.

Who asked diba? Kailangan talaga i-compare ako sa kanya.

"Wala siyang taste." I simply said at kumagat na si pizza ko.

He laughed.

"Grabe ka naman? Wala agad taste. Masisisi mo ba siya kung allergic siya don." Red said. Sabay kagat sa pizza niya. Pati ba naman pag kagat ng pizza hotness overload? Agghh! Minah ano bang pinag iisip mo? You're just 17 remember.

"Ang selan naman ng panlasa niya." Medyo napalakas yung boses ko. Okay. Shut up Minah.

"Ang bitter mo sa kanya no." He said.

I raised my right eyebrow.

"Di ah. Di lang talaga kami mag kakasundo sa taste." I said at kagat ulit sa pizza ko.

He laughed again. Wag ganyan Red please.

Kumuha siya ng isang tissue na nakalapag sa table namin.

Anong gagawin niya is he?

'lubdublubdub'

Dahan dahan niyang nilalapit yung kamay niya sa mukha ko. What should I gonna do?

Nang malapit na talaga. Bigla kong inagaw yung tissue sa kamay niya.

"Ako na." I said tas pinunasan yung bibig ko.

"Cha-chansing pa e." I teased him.

Nanlaki naman yung mata niya.

"Oy hindi a. ASA." Talaga namang diniinan niya pa yung Asa. Kung sabagay. Ba't nga ba ako aasa?

I rolled my eyes.

"Oy! Tingnan tingnan mo yung oras. Baka mamaya e hinahanap kana ng Angela mo." I said sarcastically.

He laugh again. Ba't ba ang gwapo mo pag tumatawa?

"Alam mo onting onti nalang iisipin ko nang nag seselos ka." He seriously said. ANO DAW?

Kumuha ako ng tissue at binato sa kanya.

"ASA." I said. Buti nalang walang gaanong tao dito. Siguro hindi pa nababalitaan ng iba na nag bukas na to. Better na rin yun. Wala yung mga chismosang mahilig gumawa ng issues.

"Who can tell diba." He said.

"Whatever." I simply said.

"Para kasing inis ka kay Angela." He said.

"Why would I? Ang unfair lang kasi ng mga fans mo. Pag kay Angela okay lang. Pag sakin galit agad?. Duya a." I said.

He laughed.

"Pagbigyan mo na. Hayaan mo yung mga yun. Ang importante friends ko kayong dalawa. Kaya gusto ko sana maging close rin kayo."

"Correction. Best friend mo siya. Friend lang ako." I evaluate.

"Psh. Parang ganon na rin yun." He said.

"Hindi kaya." I said.

I said sabay inom sa Juice ko. Ubos na yung pizza ko e. Medyo bitin pero carry na rin. On a diet.

"O? Ano nang balak mo?" I asked pag katapos kong uminom ng Juice. Tapos na rin kasi siyang kumain.

"Tara sa green house? Vacant naman natin ngayon e. Mamaya pang 1 o'clock yung klase."

"Angela is there right?"

"Oo."

"Wag na baka ma Out of place lang ako." I said habang inaayos yung gamit ko.

"Hindi a. Syaka mabait naman si Angela. Swear friendly siya."

Umiling iling lang ako.

"Sige na para maging close rin kayo." He said then pouted. Agghh who can't resist in this cute guy.
Nakakainis. Ba't ba kasi ang gwapo mo.

"Fine." I simply said.

"Yey. Tara." He said at hinawakan yung wrist ko at hinatak ako. Psh. Childish.

Playful SmileWhere stories live. Discover now