35.Joke

550 33 4
                                    


Minah's POV

Kanina pa ko paikot ikot sa condo. Thinking why I acted that way kanina. 

"Ugh!" Napasabunot na 'ko sa buhok ko.

Ano bang nangyayari sa'yo Minah?

Napatingin ako sa pinto nang may mag doorbell. My heart beat fast. Is that him?

No. No. You shouldn't open that door. From now on kailangan mo ng lumayo sa kanya Minah.

Mga ilang segundo rin bago tumigil yung nagdo-doorbell

Naupo ako sa couch at tinakpan yung buong mukha ko gamit yung palad ko. This can't be. Ano ba namang laban ko kay Angela.

Nagulat ako ng biglang mag ring yung cellphone ko.

Tiningnan ko kung sinong caller. Unknown. Sasagutin ko ba? Hindi ko alam why I ended up answering this call.

[Hello Demi! Bakit hindi ko na mabukas yung pinto mo?]

Again my heart beat fast when I heard his voice. Para siyang naiinis. Hindi ko alam how should I react.

Pinapalitan ko rin kasi yung doorknob ko kanina.

[Demi! Why aren't you talking? Can you please open your damn door.] Naiinis na siya.

Pero? Pero bakit siya pa? Siya pa yung may karapatang mainis. Ako na'tong naguguluhan nang dahil sa kanya. Siya pa 'tong maiinis.

[I'm waiting here outside. Open this damn door] After he said that pinatay ko na yung call niya.

Tinakpan ko ulit yung mukha ko gamit yung palad ko. Nahihirapan na'ko. Naguguluhan.

Tumunog ulit yung phone ko. This time text naman.

'I'm waiting here outside.'

Tss. What should I gonna do?

Wala pang isang minuto nag text ulit siya.

'Please let's just talk. Galit ka ba?'

Hanggang sa sunod sunod na yung text niya.

'Hindi ako aalis dito, hangga't hindi kita nakakausap.'

'Please'

Naiinis na ko. Naiiyak. Nababaliw. Ano bang gagawin ko sa'yo Red.

~~~~~

Ilang days na rin yung lumipas after nung nangyari sa condo.

Hindi ko siya pinagbuksan non. Until now umiiwas pa rin ako. Nag tatago. Ewan ko ba. Basta every time na makikita ko siyang kasama si Angela parang ang sakit.

Mag isa lang ako sa roof top ngayon nag papahangin, nag iisip, naguguluhan, umiiwas.

"Finally." Kumabog yung dibdib ko when I heard that voice. Hindi ako lumingin thinking na baka hallucination lang 'to.

"Demi! Iniiwasan mo ba 'ko?"

Napa angat yung ulo ko when I heard that words. Siya nga.

Dali dali akong tumayo at nilagpasan siya.

"I need to go." Hindi pa ko nakakalayo hinawakan niya yung wrist ko ng mahigpit.

Napahinto ako at tumingin sa kanya.

"I said I need to go." I exclaimed.

"Sa'n ka pupunta? Tatakbo? Iiwas mag tatago?--"

"Wala ka ng pakelam do'n!" I said irritatedly at sinubukang alisin yung pag kakahawak niya sa wrist ko pero masyadong mahigpit yung hawak niya.

"Can you please let me go." Kalmado kong sabi. Not to show my true feelings.

"Paano kita papakawalan kung hindi mo sinasabi sa'kin kung anong problema mo? You're to strange. Simula nung nangyari sa star city naging ganyan ka'na. Ano bang problema mo? Galit ka ba?"

"I'm not. Okay? It's just that wala 'ko sa mood."

"Tss. Lagi ka na lang wala sa mood. Just tell me kung may problema. Hindi yung iniiwasan mo'ko. Were friends right."

"Please. Let me go." Pag pupumilit ko pero di niya pa rin ako binitawan.

"I said let me go!"   Nag karoon ako ng lakas para kumalas. Tumakbo na ko palayo sa kanya.

Pero..pero naabutan niya 'ko and now he's hugging me from my back.

Bigla niya nalang akong niyakap sa likod.

"Demi. Please. Kung galit ka sorry. I really miss you Minah. Ba't bigla ka na lang nag ka ganyan?"

Kinalas ko yung pag kakayakap niya at hinarap siya.

Naluluha na 'ko pero pinipigilan ko. He shouldn't saw me cry.

"I swear to god you wouldn't be happy if you know the reason why."

"Just tell me. Makikinig naman ako." He said sincerely. Dapat ko bang sabihin sa kanya? Pa'no pag sinabi ko? May mag babago ba?

"Wag na Red. Kahit naman sabihin ko sa'yo walang mag babago. Kaibigan mo 'ko. That's it."

"Wala pa bang nagbago sa lagay  na 'to? Iniiwasan mo 'ko and you think I shouldn't be curious why."

"Hindi mo ko naiintindihan."  I said at tumalikod na. Hindi ko na mapigilan yung mga luha ko. I think anytime tutulo na sila.

Hinarap niya ulit ako sa kanya.

"Then why don't you make me understand!" This time naiirita na siya.

"Hindi ka ba titigil sa pangungulit?"

"Hindi ako titigil hangga't hindi mo sinasabi sa'kin yung problema mo."
Naiinis na talaga ako. Nabu-bwiset.

"Tangina! Mahal kita! Mahal kita. Yun yung problema ko. Ngayon naintindihan mo na ba? Hindi pa rin naman diba?"

This time tumulo na yung luha ko. Hindi ko na talaga matiis. Feeling ko onting onti nalang sasabog na'ko.

Hindi siya nag salita ng ilang minuto. Sobrang tahimik. Parang gulat pa siya.

"Ka-kailan pa?" He asked.

I laughed. Laugh laugh and laugh. Yung parang tawa na sobrang tawa.

"I got you." I said still laughing.

Nag kunot noo siya.

"It's a joke." I said still laughing.

Marami talagang nagagawa yung tawa. Kaya niyang mag sinungaling at itago yung nararamdaman.

Nakita kong huminga siya ng malalim.

"You really got me. I thought it's sincere." He said with a smile.

"Because of that I'll treat you." I said with a happy aura. Hinawakan ko yung wrist niya at hinatak paalis sa roof top.

~~~

"So I guess everything was a plan?" He asked habang kumakain kami sa Pizzaria.

"Aha. Everything. That act. Yung pag iwas ko sa'yo. I'm just trying if I can be a good actress though." I said kahit hindi naman talaga. Everything was not a plan.

He laughed.

"Pede ka ng pang FAMAS." He said while laughing.

I laughed to.

"Pero maiba tayo. What if it's not a joke?" Hindi ko alam kung bakit bigla nalang 'yon lumabas sa bibig 'ko.

Bigla naman siyang nasamid. Umiinom kasi siya ng juice.

"I mean how would you react?" I asked.

"I don't know. Anyway it's a joke, so it doesn't matter anymore. Right?"

Tumango tango naman ako.

"Right." I simply said.

Ang tanga ko lang kasi naamin ko na e. Binawi ko pa.

Playful SmileWhere stories live. Discover now