53.Revelations

571 37 7
                                    

Minah's POV

Sa gitna nang pagyayakapan namin. Nagulat ako nang biglang may humablot sa'kin.

Si mom. Hinila ako ni mom palayo sa kanya.

Hinabol kami ni Red nahawakan niya 'yung kamay ko. Kaya napahinto si mom at tumingin kay Red.

"Let go of my daughter." Galit na sabi ni mom. What's she's problem?

"Pero--" -Red.

"I said let go of her!" This time she shouted. Nabigla si Red at binitawan ako.

Tuluyan niya na 'kong hinatak.
Pumapalag ako pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

Saktong nakapalag ako nang makarating kami sa mismong place ng party.

"Ano bang problema mo?!" I asked irritatedly.

"Uuwi na tayo."

"What?! Pero--"

"Sudunod ka sa'kin o ipapahiya kita sa harap nang maraming tao."

Hindi ko alam pero bigla 'kong nanghina at tuluyang nag pahatak sa kanya. Gusto kong magwala. Gusto kong..Ugh! Ano ba kasing..

~*~

"Baba." She said. Tumingin ako sa bintana ng kotse.

"Hindi ito 'yung condo ko." Mahinahon pero may inis sa boses ko.

"Baba!" Sigaw niya ulit.

"Ano bang problema mo?!"

"Ah ayaw mo ha." Bumaba siya sa driver's seat, binuksan 'yung pintuan ko sinabunutan ako at hinatak ako pababa gamit 'yung buhok ko.

"Aray! Mom!"

Pinipilit kong alisin 'yung kamay niya sa buhok ko. Nasasaktan ako.

Bigla niya na 'kong binitawan nang makapasok kami sa loob.

"SIMULA NGAYON HINDI MO NA KAKAUSAPIN SI RED! HINDI KA NA MAKIKIPAGKITA SA KANYA AT LILIPAT KANA NG SCHOOL!"

Galit na galit na sabi niya.
I can't believe this. THIS IS INSANE!
Bigla nalang tumulo 'yung luha ko.

"Akala ko ba okay na? Akala ko ba ayos na?"

"Akala ko rin eh!" Sigaw niya.

"No--No! I will never do that!"

"Gawin mo kung ayaw mong masaktan!"

Mas lalo akong naiyak.

"Hindi niyo pa ba 'ko nasasaktan sa lagay na'to?"

"MINAH! YOU'RE SO HARD HEADED! Hindi mo 'ko naiintindihan!" Inis na sabi niya.

"Ikaw 'yung hindi makaintindi! IKAW!" Inisi na inis na sabi ko.

"Naiintindihan kita! Nasasakal ka na? Then fine! Hahayaan na kitang gawin lahat ng gusto mo just one thing YOU WILL GET OFF HIM!"

"I will never!" Pagmamatigas ko.

"Lahat nalang ng gusto niyo sinunod ko. Lahat ng inutos niyo ginawa ko! Lahat ng bagay na hiniling niyo tinupad ko. Eto lang. Eto lang 'yung ibibigay niyo sa'kin. Please. Kahit minsan hayaan niyo naman akong maging masaya." Pag mamakaawa ko.

"Ayaw lang kitang masaktan Minah, kaya ginagawa ko lahat ng 'to."

"Sinasaktan niyo na'ko ngayon palang!"

"Tangina! MINAH HINDI MO KASI NAIINTINDIHAN! RED IS YOUR BROTHER! KAPATID MO SIYA!"

Halos gumuho 'yung mundo ko when she said that.

Playful SmileWhere stories live. Discover now