36.Iniiwasan

540 36 4
                                    


Minah's POV

"Ahm. Red sige mauna na 'ko ha?" Pag papaalam ko after kong maubos yung pizza ko.

"Ha? Bakit? Sabay na tayong umuwi. Wala naman na tayong klase diba." He said.

"Ah-hindi okay lang. Mauna na 'ko" I resist.

Nag poker face siya.

"Yan ka nanaman e!" Red said irritatedly.

"Ha?" I asked curiously.

He laugh but not his usual laugh.

"Kala mo hindi ko napapansin? Iniiwasan mo talaga 'ko. Right?"

I smile. My usual smile. Fake.

"Psh. Ang drama mo no. Ba't naman kita iiwasan? Sige na nga sabay na tayo." I said para lang hindi niya mapansin yung pag iwas ko sa kanya.

Lalakad na sana kami when we heard that ringtone. May tumatawag kay Red.

Nagtinginan kaming dalawa. Tinanguan ko lang siya. Letting him to answer the caller.

Nung tiningnan niya kung sinong tumatawag. He smile.

[Hello Angela?] Gusto ko ng lumubog sa inis when I heard that damn name. Ba't ba kasi laging wrong timing yang si Angela? Okay be nice Minah.

[Nasa parking lot ka'na?]

What?! Don't tell me? Ugh!!

[Sige papunta na kami diyan.]

I secretly rolled my eyes. Nakakainis!

[Yes. I'm with Demi.]

He laughed.

[Oo you can't believe what happened kanina pero okay naman kami walang problema.]

Akala mo lang wala! Pero meron! Meron! Meron!!

[Sige bye.]

Bumaling yung tingin niya sa'kin after niyang makipag usap sa babaitang 'yon.

"So let's go." He said.

"Sasabay sa'tin si Angela?" I asked.

"Ayaw mo ba?"

"A-A-ano hindi naman sa ayaw 'ko. Syempre gusto ko."

He smile after I said that. Yung bang nakakalokong ngiti.

"Sabihin mo lang kung gusto mo 'kong ma-solo. Papaunahin ko na siya pauwi." He said then smirk.

Mga banat nito nakakakilabot e.

I rolled my eyes.

"Kapal neto. Nag tatanong lang. Tara na nga." I said at inunahan na siya sa paglalakad. Sinundan niya naman ako.

Sumabay siya sa paglalakad ko at inakbayan ako. Agad ko naman iyong inalis.

"Ay. Choosy pa siya o." He said sarcastically.

"Manahimik ka. Palibhasa hindi ikaw yung gigilitin ng mga fans mo."

"Sinabi ko naman sa'yo diba. Hindi lahat ng nandito kilala ako."

"Pero karamihan kilala ka." I said.

"Tss. Yaan mo nga sila. Hindi ka naman nila masasaktan pag kasama mo 'ko e."

Napatingin ako sa kanya and that's when I realize something.

"Hindi naman sa lahat ng oras kasama kita diba."

Napahinto siya and looked at me when I said that.

"Drama mo rin no? Tara na. Ayun na si Angela o." He said ng makarating na kami sa parking lot ng school.

~~~

Nasa kotse na kami and as expected. Nasa four sitter nanaman ako.

"Uy Minah sorry sa nangyari don sa star city ha." Angela apologized.

"'Nu ka ba? Okay lang 'yon. Ako nga dapat mag sorry dahil sa inasta ko e." I said. Oy I mean it ha. Hindi 'to kaplastikan. Nakakahiya naman talaga yung ginawa ko.

Angela laugh.

"Okay lang 'yon." She said.

"Naalala ko. Red hinahanap ka nga pala ni Gelo kanina ha." Angela said. Okay O.P

"Ah. Oo na-text ko na siya. May natanggap daw na invitation yung manager namin. Tutugtog kami bukas sa birthday'an." Red said.

"Ah..can I go?" Angela asked.

"Sure. Sama ka na rin Demi." Napaayos ako ng upo. Sa wakas napansin niya na nag e-exist ako.

Wait? Ano daw sasama ako?

"A-e..a-ano kasi..may gagawin ako bukas." Pag papalusot ko.

"Ganyan ka e. Sama ka na kasi."

Playful SmileWhere stories live. Discover now