19.Partners

598 40 1
                                    

Minah's POV

After ng masaya at nakakabaliw na kainan sa green house together with 5PM, Music time na. I hate music -_-

"Class, today were going to discuss the lesson about modern and cultural music, but I think it will be better if you're going to perform that kind of music before we discuss that lesson."

Paliwanag sa amin ni Sir Myk yung isip bata-- este young at heart naming teacher sa Music.


Pagtingin ko sa kanan ko nakita ko namang halos umabot na sa langit yung ngiti ng katabi ko. Tss... Palibhasa magaling---ay hindi MARUNONG lang pala... marunong siyang kumanta.



"So class ganito nalang, yung nasa right side yun yung magpeperform ng modern music, while yung nasa left side naman yung magpeperform ng cultural music."

hay kapag minamalas ka nga naman, bakit ba kasi kumakain ako nung nagpasabog ng kagandahan ng boses si lord. >___<




"Sir?! Paano po ba, by group o by pair?" tanong ni Ace.

Panigurado kung by group yan unfair para sa amin kasi unang-una may banda sila Red, pangalawa lahat sa kanila marunong at MAGALING kumanta, pangatlo saktong nasa right side silang lima kaya modern music yung kakantahin nila.



"By pair nalang para hindi unfair sa iba. And class i will give you only 3 days para makapag-practice, lalabas muna ko may kukunin lang ako sa may faculty."

WHAT?! ONLY 3 DAYS?! Para namang ganon lang kadali na mag-memorize ng lyrics ng kanta at piliting pagandahin yung boses kong parang konti nalang e nakakabasag na ng bintana.


Bigla naman akong kinalabit ni Red. " Oh bakit? "


"Sabi ni Sir by pair daw." anu na naman kayang trip nito?

"Oh tapos?" bigla namang nagsalubong yung kilay ni Red. Hahahahaha! Nakakatawa yung itsura ni Red. Laugh trip.

"DEMI! ANU BA YA---" hindi ko na pinatapos pang magsalita si Red.


"Bakit na naman ba kasi?! Sabi ni Sir by pair daw, oh tapos? Anu namang gagawin ko?"

nagpeace sign naman si Red. Minsan talaga para siyang bakla or baka naman nasobrahan lang sa pagiging hyper kaya nagmumukha nang bakla.

"Joke lang. I mean kasi diba by pair naman, so kung lang naman? Kung gusto mo or kung wala ka pang partner? Ako nalang para naman close mo yung partner mo, and para komportable ka sa kasama mong magperform."

seryoso ba siya? Naku gusto lang ata akong makapartner nito eh. Okay Minah, don't assume.

Nakita ko namang papalapit sa amin yung apat.

"Correction, di tayo close." I said.

"OUCH lang ha hindi ko alam kung nang-iinis ka ba Demi or minamaliit mo na ako o ano. Para namang luging-lugi ka sa akin? Ang gwapo-gwapo ko, Mayaman, Genius, Vocalist ng isang sikat na banda, Sexy, Hot, and Famous. Wala ka nang hahanapin pa. "

bigla naman akong natawa sa sinabi ni Red. At ng mapatingin naman ako sa mga katabi ko parang gustong gusto na nilang tumawa, pinipigilan lang nila pero si Gelo hindi na napigilan kaya ayun tawa nang tawa kulang nalang e maglupasay sa sahig kakatawa.

"Talaga ba Red?! Hahahaha..." sabi ni Gelo na tawa pa rin ng tawa.

"Wag ka nga Red. Hindi ka gwapo AYOS lang, Oo na MAYAMAN ka, Oo na rin GENIUS ka, Oo na Vocalist ka na ng isang sikat na banda--- este SIKAT NA SIKAT na banda, Pero hindi ka sexy PAYATOT ka, Hindi ka rin hot SAKTO lang, Oo na famous ka na." mas lalo naman akong natawa sa sinabi ni Kyle.

"Wow, Kyle ha? Thank you ha? Should I take that as a compliment?" Red asked.

Sasagot palang sana si Kyle, nang bigla ng dumating si Sir. Myk kaya nag si balik na ulit kami sa upuan.

"Okay class, napag isip isipan ko, para naman maging fair sa mga kaklase niyo, hindi pedeng mag kapair yung kahit na sino mang 5PM okay?"

Mabuti naman.

"Yes!" Narinig kong sigawan ng mga kaklase namin, I secretly rolled my eyes, As if naman makaka pair nila yung 5PM.

"What?--" Aangal pa sana si Ace pero di na siya pinatapos ni Sir.

"Okay, you may choose your partner now." Sir. Myk said.

Nag simula ng mag kagulo yung buong room, may gera ba? De charot.

"Dani--"

"Kai, partner tayo."- Danica

Aayain ko palang sana si Danica pero inaya na ni Danica si Kai. Edi sige kayo na.

Tumingin naman ako banda kay Kathy but I saw her with Kyle, okay nag tataksil siya kay Gelo.

"Okay class, I forgot to say, your 41 in class remember? So merong isang mag sosolo, mag tabi tabi na nga yung mag kakapartners para malaman ko kung ayos na?" So nag tabi tabi na nga sila.

So natira kami nila Red and Gelo sa gitna, aaggh!

"Kayong tatlo nalang? Since bawal mag ka grupo yung 5PM, so Ms. Lynch you have to choose between Mr. Keen, and Mr. Nicklaus."

Makalaglag mata na yung itsura ko, I have to choose between cute and jolly, Gelobells, and Happy go lucky Pula? What a life?

Napansin ko namang ang sama ng tingin sakin ng ibang girls, tsk, that's life.

"Ehem, ehem." Red did a fake cough at parang sinisiko siko ako, habang si Gelo ay nakangiti lang at nakapamulsa ang dalawang kamay, hotness overload.

"Uy Gelo tayo nalang partner." I said happily.

"What?!" Red asked, and just now I really want to laugh, yung mukha niya epic, gulat na gulat.

"Bakit?" I asked with full of smile.

"Bakit siya? Demi! Can't you see? Mas magaling akong kumanta sa kanya, Vocalist." He said.

"So?" I simply asked.

Ginulo gulo niya yung buhok niya, okay hot enough.

"Aaaggghh! No! Hindi ako papayag, Sir kami na po yung mag kapartner ni Demi." He said then hold my wrist at hinatak na ko papuntang vacant seat, tumingin naman ako kay Gelo, he looks like okay naman.

Ano daw? Hindi man lang ako nag papigil kay Red. Hahaha

"Okay, solo flight ako." Gelo said at umupo na sa vacant seat sa tabi ko. Saktong sakto, bell rings..

"Okay, it's all settled, class dismissed." Sir. Myk said.

Buti nalang vacant ngayon, makakapag relax muna ko.

Tumayo na ko, nagulat nalang ako nabfg someone grabbed my hand at hinatak ako.

"Hey! Ano ba?!" I asked, nakakainis naman kasi tong Red nato, basta basta nalang nanghahatak.

"Vacant ngayon diba?" He asked.

"Oh tapos?" I asked sarcastically.

Huminto siya at hinarap ako with a poker face, hahaha

"You're really a hard headed girl." He said seriously. I smile.

"I know." I simply answer.

Huminga siya nang malalim.

"Mag pa practice tayo for music, let's go." He said and again grabbed my hand at hinatak nanaman ako. -_-













Playful SmileWhere stories live. Discover now