Pilit siyang kumawala sa hawak nito. Iigkas na sana ang isa niyang kamay na malaya ngunit nahawakan nitong muli iyon.

“Why are you doing this to us, Marianne? What the hell are you thinking? Bakit ka sumusunod sa kanila? Bakit?!” Puno ng pait na wika niya.

Gusto niyang malaman kung anong pumasok sa isipan nito kung bakit ito umanib sa organisasyon na iyon? Bakit ito sumusunod sa masamang plano ng kanyang kapatid. Katulad din ba ito ng kuya Ares niya? For power and money? Why can’t they just be contented with what they have? Why is it that there are people who can’t be happy with what they have in their life? Why is it that they’re letting their greed overpower them?

“Isn’t it obvious, Artemis? If you want to survive in this world, you need to be stronger. You need to have something in your hands to keep people down in their knees and follow you. You need to have a complete control to stop them from overpowering you. If you want to survive in this world, you need to keep on top of the game,” anito at buong pwersang binitiwan niya. Tumilapon siya sa kama dahil sa ginawa nito.

“Isa pa, isn’t it very satisfying to see people do everything for you just to keep their own lives? It’s so nice…and very amusing,” dagdag pa nito at humalakhak.

“You’re insane, Marianne. Go to hell!” Muli niyang sigaw.

Umiling-iling si Marianne. “I can’t, Art. The world still needs me,” wika nito at lumapit sa kanya. Matapos ay hinaplos nito ang kanyang nasaktang pisngi. She gave her a sweet but poisonous smile. “And who knows? We can be sister-in-laws someday that’s why I can’t go there as of this moment.”

Tinabig niya ang kamay nito. “Psychopath!”

Tumayo muli ng maayos si Marianne at humalakhak. Natigilan lang ito nang muling bumukas ang pinto ng kwartong iyon. Sa pagkakataong iyon ay iniluwa niyon ang isang lalaki at isang babae. Kung hindi siya nagkakamali, ang lalaki ay ang ipinakilalang driver sa kanya ni Marianne noon. At ang babae naman, ito ang secretary ng namayang ama ni Hera. Si Tessa.

May hawak na tray na lamang pagkain si Tessa. Nilipag nito iyon sa side table at matapos ay pormal siya nitong tiningnan siya.

“Your brother wants you to eat, Miss Artemis,” anito sa kanya.

Nginitian niya ito ng mapakla. “Screw you all!”

Tila hindi man lang naapektuhan sa sinabi nito at patay malisyang binalingan nito si Marianne. “We are being summoned, Marianne. They have last minute instructions for tomorrow’s big event.”

Saglit na natigilan si Artemis sa narinig. Oo nga pala! Bukas na ang inauguration ng bullet train! At bukas na rin isasagawa ng mga ito ang masama nitong plano!

“What are you planning to do?!” Napapalunok na tanong niya.
Sabay na bumaling ang tingin ng tatlo sa kaniya.

“You don’t need to know, Miss Artemis,” sagot sa kanya ng hapones na lalaki. “It’s better for you to stay still and just watch things to unfold.”

Matalim ang tingin na inasikan niya ang lalaki. Matapos ay buong rahas na tumayo siya at nilapitan si Marianne. Kinwelyuhan niya ito pero mabilis na umagap si Tessa at nahawakan siya.

“What are you planning to do, devils?!” Sigaw niyang muli. Nilingon niya si Tessa at inangilan ito. “Bitiwan mo 'ko, witch!”

“Let her go, Tessa. Wala rin naman siyang magagawa. This cute kitten can’t do anything but to purr,” nakangising wika ni Marianne at tinungo na ang pintuan. Sumunod na rin dito ang lalaki. Tessa forcefully let go of her. Katulad kanina ay humalik na naman sa sahig ang katawan niya dahil sa impact.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon