Prologue

119K 2.1K 56
                                    

"I can't believe it! Biruin niyo? Ang Gangster Queen magkakaanak na at hindi pa niya kilala ang ama ng dinadala niya." Natatawang sabi ni Alliah sa mga kasama.

"Shut the f*cking up, Alliah. Baka hindi ako makapagpigil at sayo ko maibuhos lahat ng galit ko." Galit at may diin na pagkasabi ni Aera sa kaibigan. Natawa naman ang tatlong babaeng kasama nila.


"Alright! Hahaha ito naman di mabiro. So ano plano mo ngayon?" Tanong ni Alliah sa kaibigan.


"Tss. I don't know." Sagot ni Aera dito. 'Lintek kasing alak at nilasing pa ako. Bwuset!' Inis na sabi niya sa isip.



"Aera." Nagsalita si Gina isa sa mga kaibigan niya

"Hmm?" Tanong ni Aera na nakapikit lang.



"Ready ka bang maging ina? Kung hindi ipaku—"



"No! Bakit ko ipapakuha ang sarili kong anak? Hindi pa ako baliw, Gina, para gawin yun." Putol niya sa sasabihin ng kaibigan.



"Aera, we are gangster at paano kapag nanganak ka? Di mo ba alam na malalagay parin sa panganib ang anak mo. Mas okay na sigurong ipakuha mo nalang yan, Aera." Sabi naman ni Grace.



"As I said hindi ko ipapakuha ang anak ko. Bahala na kung malalagay sa panganib ang buhay nila basta proprotektahan ko sila. At isa pa kung kayo ang sabihan ko ng ganyan? Na kapag nabuntis kayo sasabihin ko na ipakuha niyo? Diba masasaktan kayo? At isa pa malaking kasalanan kapag ginawa ko yun. Hindi lang kay God pati sa akin malaking kasalanan yun hinding hindi ako titigilan ng konsensya ko." Mahabang litanya ni Aera bago tuloyang umalis doon. 'Letche! Nagpunta nga ako dun para maghingi ng advice kung ano ang gagawin ko tapos ngayon yun lang pala sasabihin nila. Na ipakuha ko ang anak ko. Ano ako sira para gawin yun?' Sabi niya sa sariling isip.


**
"May nakuha ka na bang impormasyon?" Tanong ni Aera sa lalaking kausap.



"Opo, Ms. Montecillo. Pero masyado pong limited." Sagot nito.



"Ayos lang yun. So anong nakuha mong impormasyon?" Tanong ulit ni Aera.



"He is Jasper De Rios, isa siya sa pinakamayaman sa mundo. Nagmamay-ari ng isang 5 star hotel hindi lang sa pilipinas maging sa ibang bansa. Siya din ang bagong CEO ng De Rios Group of Companies."


"Yun lang ba?" Tanong ni Aera dito.


"May isa pa pong impormasyon, Ms. Montecillo." Sagot nito.


"Spill it." Naiinis na sabi ni Aera dahil pasuspense at pinapatagal pa ng kausap ang sasabihin nito.


"He is also a Mafia Boss."




Natigilan si Aera sa narinig. 'Mafia Boss? No way! Mas lalong di ko ipapaalam sa kanya ang tungkol sa anak namin. Mas malalagay sa panganib ang anak ko pagnagkataon. Syet! Kailangan talaga namin na magpakalayo layo dito.'


**

My Babies Father is a Mafia Boss (Wattys2017) COMPLETEDWhere stories live. Discover now