Chapter 16

50.9K 1K 63
                                    

Jasper's POV

"Tigilan na natin 'to, Airish." Sabi ko sa kanya. Ang masaya niyang mukha ay unting unting napapalitan ng kalungkutan pero pinilit niya paring ngumiti.

"Ang alin, Jasper? Hindi naman ang relasyon natin diba." Tanong niya. Umiling ako.

"Ang relasyon natin, Airish. Wala nang patutunguhan pa ang relasyon nating ito. Kahit kailan ay hindi kita minahal at ayaw kong matali sa isang babaeng hindi ko man lang mahal so please tigilan na natin ito." Sabi ko sa kanya. May luhang biglang kumawala sa mga mata niya.

"Is this because of Aera? Si Aera ba ang dahilan?! Nilalandi ka niya diba malalagot sa akin ang babaeng 'yon.  Inaagaw nalang niya lahat ng sakin." Galit na sabi niya habang may tumutulo sa mga mata niya. Umiling ako sa kanya bilang sagot.

"Hindi si Aera ang dahilan, Airish. Hindi siya." Sabi ko sa kanya. Umiling iling siya habang may tumutulong luha sa mga mata niya.

"So sino ang dahilan! Sino ang dahilan ng paghihiwalay natin? Jasper, paano ang anak natin lalaki siyang walang ama at ayaw kong mangyari iyon." Sabi niya sa akin.

"Alam nating hindi ako ang ama ng batang yan, Airish. At ni minsan ay walang nangyari sa ating dalawa." Sabi ko sa kanya.

"Pero sabi mo Jasper papanagutan mo ako kahit hindi ikaw ang ama nito. Jasper please wag mong gawin sa akin ito mahal na mahal kita Jasper. Mahal na mahal." Pagmamakaawa niya sa akin pero umiling ako.

"May mahal akong iba, Airish. Mula noong una ko siyang makita at hanggang ngayon siya parin ang mahal ko at may anak na kamimg dalawa kaya siya ang pipiliin ko." Sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Kaya agaw eksena na kami sa mga taong naroroon sa Coffee shop. Nakarinig pa ako ng bulong bulongan sa mga tao sa paligid pero hindi nalang namin pinansin iyon.

"Jasper please wag. Ako nalang ang mahalin mo. Ako nalang please." Pagmamakaawa parin niya sa akin.

"Tumayo ka, Airish.  Kahit magmakaawa o pagbantaan mo ko ulit ngayon ay hindi parin magbabago ang pasya ko. Maghihiwalay parin tayo. Alam kong mahahanap mo din ang lalaking totoong nakalaan sayo. Ang lalaking kayang suklian ang pagmamahal mo at hindi ako iyon, Airish. Hindi ako iyon." Sabi ko sa kanya habang pinapatayo siya. Pero umiling siya ng umiling at humagulhol.

"Ikaw lang ang mahal ko, Jasper. Ikaw lang, Jasper." Sabi niya parin sa gitna ng pag-iyak niya.

"Hindi ako ang mahal mo, Airish. Hindi ako." Pinipilit parin siyang itayo. Napatayo naman siya pero umiiyak parin. "Airish, hindi talaga ako ang mahal mo at ang nakalaan para sayo." Sabi ko at tumayo saka tumalikod para umalis na doon. Pero nakakalimang hakbang pa ako ng yakapin niya ako mula sa likod.


"Jasper..... ikaw ang mahal ko. Ikaw ang mahal ko, Jasper." Sabi niya sa akin. Pilit kong kinakalas ang pagkayakap niya sa akin. Pagkatanggal ay agad akong humarap sa kanya.

"Hindi, Airish. Hindi ako." Sabi ko at tumakbo nalang paalis para hindi na niya ako mahabol pa. Pagkarating ko kung saan ko pinark ang kotse ko ay agad ko itong binuksan saka pumasok at inilock ito. Nakita ko pa si Airish na umiiyak habang humahabol sa akin.

'Sorry, Airish. Sorry dahil mas mahal ko ang kapatid mo kesa sayo. Alam ko din naman sa sarili ko minahal kita pero mas matimbang ang pagmamahal ko sa kapatid mo at sa anak naming dalawa. Patawad at paalam.'

**
Mrs. De Rios Poin of View (Mama ni Jasper) (Ito yung nandoon pa sa bahay ng mga De Rios sila Aera pagkatapos sumugod ni Airish sa bahay ng De Rios)

"Sino ang nagsabi kay Airish na nadito si Aera sa bahay?" Tanong ko sa mga katulong. Nakayuko lang sila at hindi sumagot sa tanong ko. Napabuntong hininga ako. "Ito nalang. Sinong gwardya ang inatasang magbantay sa gate ngayong gabi?" Tanong ko ulit sa kanila. May isa namang gwardya ang nagtaas ng kamay niya.

"Ako po, Madam." Sagot niya sa akin kaya tinignan ko siya. Siya yung bagong gwardya.

"Diba sabi kong walang magpapasok ng mga bisita ngayon. Bakit mo siya pinapasok?" Tanong ko sa kanya.

"Yun po ang ginawa ko pero biglang pong dumating ang isang katulong at sabi niyang pinapunta niyo daw po si Ma'am Airish dito." Sabi niya sa akin.

"Sinong katulong iyon?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa mga katulong dito.

"Siya po. Siya po yun." Sagot niya habang may itinuturo. Tinignan mo ang tinuturo niya. Si Yaya Nelda isa sa mga matagal ng naninilbihan sa amin bilang katulong.

"Totoo bang ikaw ang nagpapasok kay Airish dito?" Tanong ko sa kanya.

"Opo, Madam. Ako po ang nagpapasok kay Airish kasi po diba dapat si Airish ang nandito at hindi yung ibang babae kasi si Airish ang totoong fiancée ni Sir Jasper." Sagot niya sa akin. Umiling ako.


"Paano kapag sinaktan niya ang mga apo ko may magagawa ka ba kung nangyari iyon?" Inis na tanong ko sa kanya.


"Po? Apo niyo po?" Tanong niya sa akin.

"Apo ko ang mga batang iyon at kapag nasaktan sila malalagot ka sa akin. Pag-papasensyahan kita ngayon pero kapag naulit ito ay papalayasin na kita dito sa pamamahay namin." Inis na sabi ko sa kanya at umalis na doon.

'Ayaw kong masaktan ang nga apo ko at baka makapatay talaga ako ng tao kapag nangyari iyon.'

**

My Babies Father is a Mafia Boss (Wattys2017) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon