Chapter 18

53.9K 1K 114
                                    


Someone's POV

"Jasper, sa akin ka lang. At walang ibang babae ang makakakuha sayo kahit may anak pa kayo." Sabi ko sa sarili habang nakatingin sa kanila mula dito sa malayo. Wala na nga yong isa may sumunod pa agad.  And this time may mga bata ng involved.
At masayang pamilya na sila samantalang ako ay nag-iisa dito at walang kasama.

Isinuot ko ang shades ko saka ko pinaandar ang kotse ko palayo doon. Gagawa ako ng plano at sisiguraduhin kong magiging akin ulit si Jasper.

**
Aera's POV

"Bakit ba palagi kang dumadalaw dito? Mas lalo kaming pag-iinitan ni ate Airish  nito." Sabi ko kay Jasper. Kasi naman nandito nanaman siya sa bahay at halos araw araw na.

"Hayaan mo na ako gusto ko lang makasama ang mga anak natin saka kung susugod man si Airish dito nandito ako para protektahan kayong mag-ina ko." Sabi niya. Namula naman ako. Syet! Parang hindi ako gangster dati kung kiligin sa mga pinagsasabi ng mukong ito. "Numula ka Babe." Sabi niya sa akin na nakangiti kaya mas lalo akong namula. Babe? Babe niya mukha niya ayaw ko ng tawagang iyon. "Di bagay. Siguro mas bagay na tawaging kitang Love." Sabi niya sa akin. Namula pa ako lalo dahil Love? Mas gusto ko iyon para kasing ang ibig sabihin niya doon ay mahal niya ako. Syet naman! Di talaga ako ito.

"Gusto mo yun? Sige yun nalang tawagan natin. Love." Sabi niya kaya nasapak ko siya.

"Tumigil ka, Jasper. May Airish ka pa at magkakaanak din kayo." Sabi ko sa kanya.

"Nah! Wala na kami ng ate mo." Sabi niya sa akin. Kumunot ang noo ko. Wala na sila? Pero bakit? "May aaminin ako sayo Aera. Makinig kang mabuti." Sabi niya kaya tumahimik ako. Mukhang alam ko na ang sasabihin niya pero ayaw kong umasa. "Mula noong una kitang nakita sa bar ay nahulog na ako sayo. Mula noon hindi ka na mawala sa isip ko. At doon sa nangyari sa ating dalawa ay nagbigay sa akin ng kasiyahan. Pero may pagsisisi din ako dahil hindi ko dapat kinuha ang pinag-iingatan mo kaya umalis nalang ako noon pero araw araw ikaw nalang ang lan ng isip ko kaya hinanap kita pero hindi na kita nakita pa. Lumipas ang mga taon at naisip ko na hindi talaga tayo sa isa't isa kaya napagdesisyonan kong kalimutan ka nalang pati ag mukha mo ay nakalimutan ko na din. Hindi ka na ulit pumasok sa isip ko pero noong nakita kita sa grocery kasama ang mga anak natin doon ko ulit naramdaman ulit ang tibok ng puso ko. Minahal kita ulit pero hindi ko na naalala ang mukha mo bilang babaeng na-one night stand ko." Sabi niya sa akin.

"...." Wala akong masabi halos hindi pa pumasok lahat sa isip ko.

"Aera, mahal kita. Mahal na mahal kita at handa kong ibuhis ang buhay ko para sayo at sa mga anak natin ganyan kita kamahal." Sabi niya sa akin. Nanatili akong walang masabi. I cam't believe it! Mahal niya ako.

"I...."

"I don't know what to say." Sabi ko dahil wala naman talaga akong masabi.

"It's okay Aera. You don't need to say something basta nakapag-confess na ako sayo ng totoong nararamdaman ko ayos na sa akin pero basta hayaan mo din akong manligaw sayo." Sabi niya sa akin. Ngumiti ako.

"Hahayaan kita, Jasper, pero hindi pa ngayon. Siguro kapag ayos na ang lahat sa pagitan namin ni ate saka baka ano pang masabi nila Dad." Sabi ko sa kanya. Tama. Dapat maayos muna kami ni ate bago ang love life ko saka si Dad at Mom hindi pa nila alam na si Jasper ang ama ng mga anak ko at baka ano pa ang masabi nila.

"It's okay. Maghihintay ako kung kailan ka ready magpaligaw sa akin." Sabi niya kaya napangiti ako.

"Thank you, Jasper."

"Nirerespeto ko lang ang desisyon mo Aera." nakangiting sabi niya sakin. Ngumiti din ako sa kanya saka ako bumaling sa mga anak namin na binibigyan ako ng mapanuksong tingin.

"Si Mommy kinikilig!" sigaw ni Jessica.

"Namumula si Mommy, Daddy." si Jenzel naman ngayon.

At tinukso pa nila akong lahat. Pinagkaisahan nila ako. Sinamaan ko nalang sila ng tingin saka nagwalk out pero may ngiti sa mga labi ko.

"Love, saan ka pupunta?" tanong ni Jasper sakin dahilan para matigilan ako at namula. Love...


"Magbabake lang." sagot ko sa kanya na hindi lumilingon.  Baka kasi makita nila ang pamumula ko.  Asarin pa ako ulit.

"Mommy, gusto namin bg chocolate cake!" sabay na sabi ng mga bata.

"I want it too." sabi naman ni Jasper.  Tumango nalang ako sa kanya nagpatuloy sa paglakad palabas ng play room.

**
3rd Person's POV

Sa kabilang dako naman sa may Airport ay may isang lalaking kakababa lang mula sa eroplanong kanyang sinakyan.

"Aera, nandito na ako. And this time sisiguradohin kong makukuha na kita." sabi niya sa sarili saka naglakad na.



**

My Babies Father is a Mafia Boss (Wattys2017) COMPLETEDWhere stories live. Discover now