Chapter 10

54.6K 1K 38
                                    

"Nandito parin ba ang mag-ina?" Tanong ni Jasper pagkapasok niya sa bahay ng mga Jackson sa mga katulong na nandoon.

"Yung kaibigan po ba ni Ma'am Alliah? Umalis na po sila hinatid pa nga po nila Ma'am at Sir." Sagot ng katulong sa kanya. Napatango naman siya.

"Okay. Dito muna ako sa may living room hihintayin ko nalang muna sila Brian dito." Sabi ni Jasper sa katulong. Tumango ang katulong at nagbow sa kanya at saka umalis. Naglakad siya papunta sa couch at doon umupo kumuha ng magazine sa isang maliit na table nasa gitna ito ng mga upuan. Nagbabasa siya sa magazine para pampalipas oras habang hinihintay ang pagbalik ng kaibigan.



Ilang minuto pa ang lumipas ng bigla siyang nakarinig ng sasakyan. 'Sila na yun.' Sabi niya sa isip pero hindi siya gumalaw sa posisyon niya hihintayin nalang niyang pumasok ang kaibigan. Maya maya ay nakarinig siya ng pagbukas ng pinto malapit lang kasi ang Main Door sa Living room siguro mga ilang hakbang lang.



"Nanggigil talaga ako sa Airish na yun paano kapag babalik siya doon at saktan si Aera? God! Ayaw kong mangyari yun." Nakarinig siya ng mga ingay at nag-uusap. Kumunot ang noo niya dahil kilala niya ang boses na iyon—kay Alliah pero hindi ang dahilan para magulohan siya.

"Pinuntahan ni Airish si Aera sa bahay nito?" Bulong na tanong niya sa hangin.


"Hon, alam ko ang nararamdaman mo ngayon pero diba nga sabi mo Gangster Queen siya so hindi naman siya magiging Gangster Queen para sa wala diba." Narinig niyang sabi ng isang lalaki na alam niyang si Brian dahil sa boses palang nito.


"I know. Pero hindi parin mawawala sa akin ang pag-alala." Narinig naman niyang sabi ni Alliah kaya hindi na siya nakapagpigil at tumayo na naglakad siya kung saan naroon ang mag-asawa.



"Ano ang ibig sabihin niyo na pumunta si Airish sa bahay nila Aera?" Tanong ni Jasper sa mag-asawa para namang tinakasan ng dugo ang mag-asawa at natigilan saka unting unting lumingon sa kanya. Nakatalikod kasi ang mga ito sa gawi niya.


"Kanina ka pa, Jasper?" Tanong ni Brian.

"Yes. And answer my question ano ang ginawa ni Airish kay Aera?" Tanong ulit ni Jasper sa mag-asawa. Nagtinginan pa silang dalawa bago sumagot.


"Inabangan niya si Aera doon at siguro kapag wala kami ni Brian siguradong sinugod na siya at worst sinaktan ng fiancée mo ang best friend ko." Si Alliah ang sumagot. "Look, Jasper, alam mo na ang alitan ng magkapatid na yun pero mas lalong nagdagdagan dahil sayo. Inakusahan ni Airish si Aera na nilalandi ka ni Aera which is not true, di'ba, Jasper? At isa pa siguro wag ka na din muna lalapit kay Aera at sa mga anak niya at baka mapano pa sila." Ang kaninang nagugulahan na expression ni Jasper ay napalitan ng blankong expression.

"Alright." Sabi ni Jasper. "I have to go now dumaan ako dito para kamustahin ang kalagayan ng mag-ina and don't worry hindi na ako magpapakita kay Aera and for Airish maybe kailangan ko ng taposin ang namamagitan sa amin. Nang malaman ko ang mga gawain niya noon ay napaisip ako naubos na din ang pasensya ko dahil napakaselosa niya kahit mga matatandang empleyado at sekratarya ko pinagseselosan niya." Sabi ni Jasper.


"What?! No, Jasper, baka mas lalong maggalit si Airish sa gagawin mo at baka kay Aera niya ibuntong ang lahat." Pagpigil ni Alliah ka Jasper.



"I agree with you, Bro pero tama din ang asawa ko siguro mas lalong gugulo at magagalit si Airish pag ginawa mo yun." Sabi naman ni Brian. Napaisip si Jasper. 'So ano na ang gagawin ko ngayon?' Sa isip isip ni Jasper.

"So what I'm going to do now?" Tanong ni Jasper sa mag-asawa.

"Manatili ka sa tabi ni Airish at kapag may masama siyang gagawin pigilan mo agad." Sabi ni Alliah. "Mas mababantayan natin ang kilos ni Airish sa ganun. By the way, paano kayo humantong sa gustong magpapakasal kung nagsawa ka na pala sa ugali niya noon pa?" Tanong ni Alliah.

"Nagbanta siya na tataposin niya ang buhay niya kapag hindi ko siya papakasalan." Sagot ni Jasper namilog naman sa gulat ang mga mata ni Alliah at Brian.



"Is she really that crazy? May saltik na siya." Sabi ni Brian.


"Is your parent know about that? Pati ang parents nila Aera alam din ba na pinagbantaan ka ni Airish na papatayin niya sarili niya kapag hindi mo siya pinakasalan. I guess not dahil siguradong ibabalik nila sa Mental si Airish pagnakataon." Sabi ni Alliah.

"Ibabalik sa mental? What do you mean, Alliah?" Tanong ni Jasper.


"May sakit siya sa pag-iisip Jasper—oh shit! Ang daldal ko talaga."



"May sakit siya sa pag-iisip? Kaya pala ganun siyang madaling magselos pero bakit hindi niya ata nabanggit sa akin ang tungkol doon?" Jasper.


"Malamang hindi niya talaga sasabihin sayo dahil baka iwan mo siya." Si Alliah.


"Sobrang daldal mo talaga, Hon." Sabi ni Brian kay Alliah. Nag-peace sign lang si Alliah.


"Nasimulan ko na ding sabihin edi luboslubosin ko nalang din." Sabi ni Alliah sa asawa.


"Ikaw ang bahala Honey." Sabi naman ni Brian sa asawa.


"Siguro sapat na yung nalaman ko. I have to go now." paalam ni Jasper.

"Wait, Bro!" Tawag ni Brian sa kaibigan. Tumigil si Jasper at lumingon sa mag-asawa. "Bakit ngayon lang namin nalaman na nagkanobya ka pala at ikakasal na? Kung hindi dahil kay Aera hindi namin malalaman."


"Naging busy ako at isa pa hihiwalan ko na din sana siya pero sa tuwing nagtatangka akong makipaghiwalay nagtatangka din siyang magpakamatay." Sabi ni Jasper. Tumango naman ang kaibigan. Nagpaalam ulit si Jasper at tuloyan na siyang umalis.


**
Sa bahay naman nila Aera ay may nakatingin sa kanila mula sa malayo.

"Siguro sapat na itong samples na nakuha ko para malaman kong si Jasper ba ang ama ng mga batang yoon." Bulong nito sa sarili at saka umalis na doon. May nakuha siyang ilang hibla ng buhok kay Jenzel at yun ang gagamitin niya para malaman kong anak ba ito ni Jasper.


**
P/n:

Sino kaya yung nakamasid sa bahay nila Aera para kunan ng sample ang isa sa mga bata para DNA Test? Ako din curious kung sino yun.

Thank you sa mga readers na hinihintay talaga ang Update ko at kahit maraming typos. Sorry po sa mga typos at i-edit ko ito wag kayong mag-alala.

My Babies Father is a Mafia Boss (Wattys2017) COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt