Chapter 1

80.4K 1.6K 36
                                    

Chapter 1-The Quadruplets

"Iba ka din, Ae! Unang pagbubuntis mo apat agad ang pinanganak mo." Sabi ni Alliah.

"Alam ko yang ngising mong yan, Alliah. Pinapahiwatig na mukha akong inahing baboy. Tsk!" Sabi ni Aera sabay irap sa kaibigan.

"Oy! Di kaya yan ang iniisip ko! Saka naiinggit nga ako eh. Biruin mo apat pinanganak mo tapos parang wala ka paring anak dahil sa kasexyhan mo. Ako mga oh may Dalawang anak may bilbil na. Ikaw flat na flat ang tiyan. Walang bilbil ganda pa ng hubog ng katawan." Mahabang sabi naman ni Alliah.

"Tsk! Sino bang hindi magkakabilbil kung lamon ka naman ng lamon." Sabi naman ni Aera sa kaibigan.

"Pch. Yung mga pagkain kasi ang sasarap eh." Nakapout na sabi ni Alliah.

"Ikaw talaga, Alliah, parang di ka dating gangster sa mga kinikilos mo. Habang tumatagal nagkakaisip bata ka." Natatawang sabi ni Aera.

"Edi ikaw na ang mature. Ikaw ang matanda eh." Nakabusangot na sabi ni Alliah.

"Anong ako ang matanda? Ako nga yung pinakabata sa Grupo tapos ako ang matanda. FYI! Ikaw ang pinakamatanda sa grupo natin." Sabi naman ni Aera.

"Maybe I'm matanda na sa edad pero ako naman ang pinakababy face sa inyo." Sagot naman ni Alliah.

"Baby Face? Nangangarap ka ng gising, Alliah." Sabi naman ni Aera.

"Tss, bad mo talaga sa akin, Aera. Dumalaw pa ako sayo dito dahil bored na bored ako sa bahay tapos gaganyanin mo pa ako." Nagdradramang sabi ni Alliah na may pa-iyak iyak pa kahit wala namang luha.

"Bored na bored ka? Really Alliah? O baka naman nasisiraan ka na ng bait? Sinong tanga ang luluwas papunta dito sa London dahil Bored lang. Come on. Alam kong may iba ka pang dahilan." -Alliah

"Tss, dali mo talaga akong mabuko Aera." Nakangusong sabi ni Alliah. "Nagpunta ako dito para pormal na imbitahan ka bilang ninang ni Baby Aaron." Dugtong pang sabi ni Alliah.

 
"Seriously? Ngpunta ka lang dito para jan?" -Aera.

"Oo kasi alam kung kapag hindi kita pinuntahan dito sa London alam kung di ka dadating. Saka pambawi mo narin to Aera sa hindi pagsipot sa kasal ko. Langya ang tagal nagstart ng kasal ko dahil hinihintay ka yun pala walang Aerang susulpot sa kasal."

"Sorry not sorry. I'm just busy that day." Depensa naman ni Aera.

"So wag mong sabihin busy ka din noong binyag ni Baby Kye? Tss, don't me Aera di mo ako malilinlang." Sabi naman ni Alliah.

"Busy talaga ako sa araw noong kasal mo. Tapos sa binyag naman ni Baby Kye nagkalagnat si Baby Jed kaya di kami nakapunta. Sorry talaga." Si Aera.

"Tss, oo na. So kamusta na ang mga inaanak ko?" Tanong ni Alliah.

"Ayon ayos parin naman sila. Makulit parin. Eh si Kye kamusta naman?" Sagot at tanong ni Aera kay Alliah.

"Ayon tulad ng sayo sobrang makulit. Tas ang ganda mana sa akin." Sagot naman ni Alliah.

"Kapal talaga ng mukha mo Alliah." Natatawang sabi ni Aera na ikinanguso naman ni Alliah. Nagkwentohan pa sila hanggang sa may biglang....

"Mommyyyyyyyy!!!!!!!!" Sabay na sigaw ng apat na batang kakapasok pa lang sa bahay nila.

Agad namang lumapit si Aera sa mga anak at pinaghalikan ito sa noo. "Oh kamusta ang school?" Tanong ni Aera sa mga anak.

Sabay sabay na sana silang magsalita kaya hindi maintindihan ni Aera ang mga sinasabi nila. Napabuntong hininga siya saka siya nagsalita ulit.

"Hep! Isa isa lang mahina lang si Mommy." Sabi ni Aera tumango naman ang apat na bata.

"Hmmm.... Ayos lang po Mommy. Pero may iba po na inaaway kaming dalawa ni Jenzel." Sagot ni Jessica.

"What? At bakit naman nila kayo inaaway?"tanong ni Aera sa dalawang babaeng bata.

"Kasi po wala daw po kaming Daddy, Mommy." Sagot ni Jenzel na ikinatigil ni Aera.

"Mommy, asan po ba si Daddy? Bakit di natin siya kasama?" Tanong naman ni Jed.

"Ah ehh... Anak kasi...."

"Yung iba po naming kaklase may Daddy. Kami wala."malungkot na sabi ni Jex.

"Nasa malayo kasi si Daddy, Baby. Hmmm ganito nalang sino ang may gustong kumain ng ice cream?" Tanong ni Aera sa anak para malayo ang usapan nila tungkol sa ama ng mga mga bata.

"Waaahhh! Mommy gusto ko po yun." Sabay na sagot ng apat na bata.

"Hala sige at magbihis na kayo. May dalang ice cream ang Tita Alliah niyo." Sabi ni Aera sa mga anak at tinawag na niya ang mga yaya ng mga ito. Masaya namang umakyat ang apat na bata papunta sa silid ng mga ito.

"Aera, wala ka ba talagang balak na ipagpaalam sa ama nila ang tungkol sa kanila?" Tanong ni Alliah. Napatingin dito si Aera. Seryoso na ang mukha nito.

"Wala akong balak, Alliah." Sagot naman ni Aera.

"Para atang kilala mo na ang ama nila ah. At halatang galit ka." Seryoso paring sabi ni Alliah.

"Hindi sa galit ako. Ayoko lang na kapag pinaalam niya ang tungkol sa anak ko ay baka kunin niya sa akin ang mga bata." Sagot ni Aera. Actually hindi talaga yun ang pinakamean reason kung bakit niya itinago ang tungkol sa mga anak niya sa lalaking yun. Natatakot siya hindi sa baka kunin ng ama nito ang mga bata kundi natatakot siya na kapag nasa poder ng lalaking yun ang mga bata ay baka mapahamak ang mga ito. At baka din tuloyan nang mawala sa kanya ang mga bata. Yun talaga ang pinakadahilan niya kung bakit niya tinago ang tungkol sa anak niya.

Tinititigan pa siya ni Alliah bago ito ngumiti sa kanya.

"Masyado kang seryoso, Aera. Sige at alis na ako. Maaga pa ang flight ko pabalik sa Pilipinas." Sabi ni Alliah.

"Pumunta ka lang talaga dito para sabihin 'yon. Ibang klase ka talaga Alliah. Oh siya ingat ka sa byahe mo. At pakikamusta nalang sa kanila at isa pa. Wag kang mag-alala dadating ako sa binyag ni Baby Aaron." Sabi ni Aera. Nagpalam na si Alliah at umalis na din.

Di alam ni Alliah na alam na niya at kilala na niya ng ama ng mga bata. Napabuntong hininga siya.

"Mommy!!!! Why man tulala ka po?" Napabalik sa wesyo si Aera ng marinig ang boses ni Jessica.

"Ah eh.... Oh Jessica? Asan ang mga kapatid mo?" Tanong ni Aera sa anak.

"Nasa kusina na po Mommy." Sagot ni Jessica. Niyaya naman ni Aera ang anak papunta sa Kusina. Nang makapasok na sila sa kusina ay bumungad sa kanya ang tatlong batang madumi ang mukha dahil sa kinakain na chocolate Ice Cream.

"Waaaahh!! Ang daya nila,Mommy!!!! Nagsimula na silang kumain na wala ako." Nagdrama naman si Jessica sa kabilang banda. Napangiti naman si Aera dahil dun.

'Blessing sila na ibinigay sa akin ni God kaya di ko hahayaang mapahamak sila o malagay sa kapahamakan. That's why ayaw kong ipaalam sa ama nila na ang tungkol sa kanila. I really love my Quadruplets kahit makulit sila ay mahal ko sila kaya hinding hindi ko sila ilalagay sa kapahamakan.'

**

My Babies Father is a Mafia Boss (Wattys2017) COMPLETEDWhere stories live. Discover now